Chapter 47 - Knowing...

134 1 0
                                    

'Ma?' Tawag ko sa kanya sa telepono. May halong kaba ang tono ko.

Hindi ko talaga kayang sabihin sa kanya. Hindi ko pa nababanggit sa kanila ang tungkol kay Seb. Ngayon pa lang. Nahihiya nga akong sabihin sa kanila na may nagpapasaya na sa akin.

Nasa tamang edad na ako para makipagrelasyon. Pero pakiramdam ko hindi pa rin tama. Parang may mali pa rin.

Masyado siguro akong mahigpit sa sarili ko. Hanggang sa lahat ng informasyon tungkol sa akin, lingid sa kaalaman ng lahat. Walang nakakaalam sa past experiences ko. Para akong vault na ako lang ang nakakaalam ng passcode.

'Ano yun? May problema ka ba diyan? Sabihin mo sa akin.' Ramdam ko ang concern sa boses ni mama.

Binigyan ni tita Joe si Seb ng isang linggong bakasyon. Kung bakit naman kasi binigyan niya e hindi naman kailangan ng anak niya.

Ilalaan ni Seb ang isang linggong leave niya para sa akin. Naalala ni Seb yung sinabi ko sa kanya noon, na after ng isang taon, ipapakilala ko siya sa mga magulang ko. At nararamdaman na daw niya na ito na yung tamang panahon para makilala niya sila. Pero para sa akin, hindi pa ito yung time.

Inuunahan na naman niya akong magdesisyon. Pinipilit na naman niya kung ano ang gusto niyang gawin. Kaya napilitan ako ngayon na tawagan sina mama para sabihin ang balak niya. Dahil ayaw kong isipin niya na hindi ako seryoso sa pinasukan kong relasyon.

'Ano kasi... uuwi siguro ako next week. Pero may kasama akong uuwi diyan ma.' Sana hindi kayo mag-isip ng kung ano. Please?

'Sino? Si Mattie ba? Yung kasama mo noon na pumunta dito? Okay lang naman sa akin. Wala namang problema dun. Bakit kailangan mo pang humingi ng permiso sa akin? Kung noong unang beses hindi ka humingi, bigla na lang kayong dumating.'

'Hindi ma. Ano ba? Hindi po si Mattie. Yung boyfriend ko po. Gusto niya kasi kayong makilala kaya nagbabalak akong umuwi. Kami. Nakilala ko na din kasi ang mama niya.'

'Ganun ba? Paano yung trabaho mo? Hindi ba maaapektuhan sa pag-uwi mo?'

'Hindi naman ma. Hinintay talaga namin na leave ko din. Two days lang kami na mamalagi diyan ma. Uwi din kami agad, mga gabi ng linggo.'

'Kayong bahala. Basta. Mag-ingat kayo sa byahe niyo.'

'Sige ma. Papasok pa po ako sa trabaho. Ikumusta niyo na lang ako kay papa. Gusto ko rin sana siyang makausap kaya lang alam ko na pong nakaalis na siya.'

'Oo. Maaga siyang umalis. Natutulog pa si Chris.'

'Gisingin niyo na siya ma para tumulong naman siya sa inyo.'

'Kailan pa yun nangyari.'

'Sige na ma. Mag-ingat kayo. Bye.'

***

"Nape-preasure ka ba sa kanya?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mattie noong nasa loob na kami ng office. Hanggang dito, dala-dala ko pa rin. Pansamantalang nakaupo siya sa cubicle ni Calvin dahil wala pa ito. "Ang tanong, handa ka na ba sa pwedeng mangyari? Sa pwedeng maging kalabasan. Sobra sigurong bigat niyang nararamdaman mo? Sabihin ko sayo, ganyan lang talaga pag first time. Ganyan din kasi ako nung una, sasagi talaga sa isip mo ang lahat ng mga possibilities like gusto kaya nila, paghihiwalayin ba kami, hindi ba nila pakikitian ng masamang ugali, mga ganun bang scenario."

"Sa tingin mo, ito na ba yung time para pumunta kami? Nagdadalawang isip ako Mattie. Yung puso ko, gusto na. Pero ang isip ko ang hindi ko maintindihan. These thoughts are slowly killing me right now."

"Look on the other side kasi. Alam ko na puro negatives ang laman ng isip mo. You need to mention all the pros and cons of what will happen. Isa na dun yung..., pero teka." Humarap na siya sa akin ng tuluyan. "Matanong nga kita."

Without YouWhere stories live. Discover now