Chapter 25 - the momentum

141 1 0
                                    

Then I feel his lips touch mine.

...mine means at my left cheek not on my lips. Kasabay ng paghalik niya sa pisngi ko ay ang pagkabuhay naman ng lahat ng ilaw. Nanibago pa ang mga mata ko sa liwanag.

"Ano ba. Nanggugulat ka. Akala ko kung sino na yung nakahawak sa akin, 'kaw lang pala." I reacted.

Dahil sa mahigpit ang hawak niya sa beywang ko, umakyat ang mga kamay ko sa balikat niya. Wala akong masandalan at wala akong mahawakan para ma-steady ko ang pagtayo ko. I don't have any choice but to put my arm on his. Konti lang ang agwat ng height namin ngayon dahil nakatulong sa akin ang suot kong high heels. Naging matangkad rin ako sa paningin ko.

Sabay kaming napalingon sa emcee ng event kung saan nakapili na sila ng nanalo. Isang pair lang ang winner. Ang kaibigan ni Seb ang nanalo, I think Dio ang pangalan, kasama niya ang asawa niya. Kahit na hindi kami ang itinanghal na nanalo, masaya pa rin ako para sa kaibigan niya. I'm happy for them both.

"Gusto ko sanang samahan ako ng mga nanalo rito." anang emcee.

Lahat ng aming mga mata ay nakatutok sa kanilang dalawa. We all made gasps when Dio made unbelievable moves in front of us. Ang babae ay napatakip sa bibig nito. Lumuhod siya sa harapan ng wife niya. Okay! Anong nangyayari? Hinintay ko kung anong susunod na mangyayari o gagawin niya.

"When I first saw you, I'm dumbfounded and mesmerize and had this crazy feeling that I can't even explain to myself. I went to you to get your phone number and you gave it to me easily and that makes my heart fluttered. I get to know you more and more until to the point that I want to see you every hours that count. Sinabi ko sa mga kaibigan ko na ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay pero sinabi nilang nagbibiro lang ako or you are just one my flings. But no. I promised myself that I don't want that kind of relationship anymore. Gusto kong patunayan sa sarili ko at sa kanila na kaya kong panindigan ang mga sinabi ko. Gusto ko ng magseryoso sa buhay. Gusto ko ng magkaroon ng sarili kong pamilya. My mind picturing having a joyous family with you. I feel then when the third time we met na magtatagal tayo pag naging girlfriend kita. Nakita ko ang hesitation sa expression mo noong sinabi kong gusto kitang ligawan. Pero kahit na nagdadalawang isip ka, pumayag ka pa rin sa huli. I courted you in the best possible way that I know. I didn't give you any flowers coz' hindi rin naman sila magtatagal na nandyan. After three months of courting you, hindi mo na pinatagal pa ang panliligaw ko dahil that time ay mahal mo na rin ako." I giggled because Dio is so sweet. Ang iba ay natawa sa statement niya.

"Ang swerte naman ng mapapangasawa niya. Sa harap pa talaga ng maraming tao siya nagpropose." sabi ko kay Seb. Narealized ko na hindi pa pala niya asawa ang babae. Nag-assumed agad ako.

"Ilang beses tayong nag-away pero hindi ka sumuko. Ang nangyaring hindi ko pa makalimutan ay nung bigla mo na lang akong ayaw makita. Wala akong ibang maisip na dahilan para ayaw mo akong makita. Pero ang sumasagi sa isip ko ay nagsawa ka na sa akin."

"Naglilihi na si Abby ng mga araw na ayaw niyang makita si Dio." Seb shared to me.

"Hmm." Gusto ko pang pakinggan ang mga sasabihin niya.

"Pinagbigyan kita na umuwi ka sa inyo. Ang ikinagagalit ko nun ay ang pagtanggi mong ihatid kita sa bahay niyo. Sinabi ko sayo na maghihintay ako kung ready ka ng makipag-usap sa akin. Inabot na ako ng tatlong araw kahihintay, kaya hindi ko na natiis ang sarili kong hindi ka makausap. Nasanay na ako na andito ka sa tabi ko palagi. Si mama ang nakasagot when I tried to call you once. Nakiusap ako sa kanya na kung pwedeng makausap ka. Alam mo kung anong isinagot niya sa akin?" Dio asked her. Umiling siya. Naglalandas ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.

Without YouWhere stories live. Discover now