Chapter 66 - Breakdown

100 2 0
                                    

Sa tentative count ko, nasa mga fifty people na ang pumapasok sa loob ng bahay ni Tita Joe. Ayon kay Wyna, marami pa daw sa listahan ang hindi pa dumarating. Ilan ba ang inimbitahan ni tita? Hindi pa naman ito ang official date na kaarawan ni Cato.

Hindi naman siguro inimbitahan lahat ni Tita ang mga empleyado niya no? Dahil pag ginawa niya yun, siya na ang pinakamabait na boss sa buong mundo.

Pero..

Ipinapakilala na ba niya sa lahat na siya na ang susunod na tagapagmana? Wow naman. May ganun? Mahihilo yata ako sa takbo ng buhay ko.. never the less, exciting.

Every other two months ang plano ni Tita Joe para magcelebrate ng pagkakasangay ni Cato. Ito na yung pangalawang beses na gagawin namin ito. At ilan sa mga nakikita ko ngayong tao na dumalo, hindi familiar sa akin ang mga mukha.

"Ate Shienne, hindi ka pa ba papasok? Ang lamig na dito sa labas. Wala pa rin ba si Jaisse?" Tanong sa akin ni Wyna ng lumabas siya at tabihan ako.

May sikat pa ng araw ng lumabas ako ng bahay kanina. Hinihintay ko si Jaisse na dumating. Inanyayahan ko siya na dumalo sa gathering ni Tita Joe. Para naman makilala na niya ang pamangkin niya at makita niya.

"Kanina pa niya sinasabi na malapit na siya dito pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Baka na-traffic lang siguro. Bumalik ka na sa loob Wyna baka hinahanap ka na ni Tita Joe. Wala siyang kasama doon."

"Shay's in there. And Valerie too. Sasamahan na lang kita dito para may kausap ka habang naghihintay kay Jaisse."

"Ikaw bahala. May darating pa ba na bisita ni Tita Joe?"

Nakaupo kami sa plant box na nasa harap ng bahay nina Tita Joe. Dito talaga ako maghihintay. Baka kasi hindi na maalala ni Jaisse ang lugar na ito. Tatlong beses pa lang yata siyang nakapunta dito.

"Wala pa sina Jastine. Si Kuya Heist, nasa airport na. Sina kuya Nico at Allie and yung kapatid ni Tita Joe galing Spain. Hinihintay na siguro ni Kuya Heist sa airport para sabay-sabay na silang pumunta dito."

Nalula ako sa engrandeng celebration ni Tita sa apo niya. Pinapunta niya talaga lahat. "Di ba, wala naman sila dati. Paano nila nalaman ang tungkol dito? Paano kung--"

"Alam mo na si tita Joe, ate Shienne. Hindi maitikom ang bibig pag sa ganitong mga bagay. Ipagmamalaki niya sa lahat na may tagapagmana na siya. At saka inaalala mo ba na malalaman ni kuya Caleb?"

"Oo. Kasi, hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na may anak siya sa akin. Wyna, magagalit kaya siya sa akin dahil itinago ko ito sa kanya? Na hindi ko sinabi sa kanya."

"Nagsisisi ka na ba na hindi mo ipinagtapat sa kanya ang tungkol kay Cato? In my opinion naman, kung ako ang nasa posisyon ni Kuya Caleb, magagalit talaga ako. Kasi ako na lang itong tangang walang alam. Alam na ni Nico, si tita Joe, si Heist, sina Jastine. Sila yung mga taong malapit sa kanya." She hugged me in a tight grip. "But still, just live what the future holds of you. Kung nagkataon na malalaman niya, we're here for you. We're not leaving you to face that scenario alone. Dahil nasisiguro kong hindi lang ikaw ang pagtataniman niya ng galit kundi tayong lahat." Tumingin siya sa mukha ko. "Pero hindi naman siguro aabot sa ganun. Because.. what relationship you had was out of love and pure.. I don't know."

"Yeah. But thank you at alam kong hindi niyo ako iiwan."

Naghintay pa kami ng kalahating oras hanggang sa makita namin na may tumigil ng sasakyan sa harapan namin. Mag-isa lang siyang dumating. Hindi niya kasama ang kaibigan niya.

"Akala ko ba kasama mo ang kaibigan mong pupunta dito?" Sabi ko pero tumatakbo na si Jaisse para yakapin si Wyna. Ako kaya ang nag-aya sa kanya dito tapos si Wyna lang ang una niyang babatiin.

Without YouWhere stories live. Discover now