Chapter 23

141 1 0
                                    

Paggising ko, wala na si Seb sa tabi ko. Sumagi sa isip ko na baka umalis na siya at may importante muna siyang aasikasuhin. Pagkatapos kong magtoothbrush, umupo na muna ako sa gilid ng kama and checked my phone if there is any messages coming from any of my closest people. But nothing. None. Kahit isa, wala.

At dahil sa wala namang nakaalala sa akin, kumuha na ako ng damit ko sa bag para makaligo na. Para pagdating niya rito, nakaready na ako. Hindi na siya maghihintay.

***

Sobrang gulat ko ng may biglang kumatok sa pinto. Nagulat talaga ako, nabitawan ko pa ang sabon na hawak ko. Ang alam ko, mag-isa lang ako dito. May iba pa bang nakaka-access maliban sa kanya? Or is it room service? May room service ba dito? Ano ba naman itong naiisip ko. Baka yung katulong niya. Wala siyang sinabi sa akin na ngayon ang sched niya. Nakalimutan niyang sabihin.

Hindi ko pinatay ang shower para alam nung nasa labas na may tao? or not? Hinintay ko na lang na magsalita kung sino man ang nasa labas.

"Shie?" Ha? Boses lalaki. Hala! Sino kaya siya?

"Shie?" Si Seb. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Nakabalik na siya? Akala ko kung sino na.

Pinatay ko ang shower para maintindihan niya ang sasabihin ko. "Wait lang, naliligo ako." sigaw ko.

"Okay. Take your time. Sa kusina lang ako."

Binilisan ko na ang pagligo. Mag-aayos pa ako. Nakasuot na ako ng damit ng lumabas na ako. Fifteen minutes na pag-aayos ko ang natapos ng pumasok siya, malapit na rin akong matapos. Aayusin ko na lang ang buhok ko pero hindi niya ako nahintay na lumabas.

"Nagluto ako ng agahan natin. Kumain ka na muna bago tayo umalis." humiga ito sa kama at pinakialaman na naman niya ang phone ko.

Kaya pala maaga siyang bumangon dahil sa nagluto siya. Akala ko lumabas siya. I'm sure, buhay prinsesa ako pag kasama ko ito. Siya ang magaling magluto, maasikaso, maalalahanin, and everything saan pa ako di ba?

"Kumain ka na?" I looked at him in the mirror.

"Oo, maliligo na rin ako." sabi niya.

Lumabas na ako para makakain. Iniwan ko siyang nakahiga pa rin.

Ilang minuto lang siyang naligo. Sinimulan ko ng maghugas kasi wala naman yung katulong niya. False alarm ang hinala ko.

Naghuhugas ako ng mga pinggan ng maramdaman ko siya sa likod ko. He pressed his two palm on the edge of the sink, caging me in. Amoy ko ang ginamit niyang sabon, pabango, at pumapasok sa ilong ko.

"You truly belong here, with me. I'm picturing you in my mind lately. Iba't ibang klaseng bagay ang nasa utak ko." husky ang boses niya. Baka pag sa beywang ko pumatong ang mga kamay niya, hindi ko matatapos ang ginagawa ko dahil sa current na maidudulot niya sa katawan ko.

"Ewan ko sayo. Umupo ka na muna para madali ko tong matapos." hindi ko magawang magconcentrate.

"Maghanap ka na lang ng iba mong trabaho para dito ka na lang umuwi. Ang layo mo kasi sa akin." suggest niya.

"Ayoko. Ang hirap kayang magsimula ulit. Hassle. Hindi ko pa kayang iwanan ang present job ko. I love them, they're like my family here."

Ano ang gusto niyang mangyari? Like live-in na kami, ganun? Ayoko. Wala sa vocabulary ko ang salitang live-in. Pag walang status, kanya-kanya muna.

"When?"

"Anong kailan?"

"Ang hina mo namang pumick-up."

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon