Chapter 40 - So-called party

107 1 0
                                    

"Natahimik ka na. Ayaw mo naman yata akong kausapin. Ibababa ko na ba?" Malungkot niyang sabi sa kabilang linya. Rinig ko ang pagsinghap niya. Hm. Kunwari pa to.

"Anong ginagawa mo?" Humiga na ako sa kama. Yung feeling na gusto kong icherish yung moment namin ngayon. Gusto kong namnamin. Yung gusto kong ipagsiksikan sa sistema ko ang pangyayaring ito para hindi ko makalimutan buong buhay ko.

"Kauuwi ko lang dito sa unit. You? Anong ginagawa mo? Nagustuhan mo ba yung flowers?" He laughs. "Tinanong pa kita, alam ko naman na magugustuhan mo. Sa tingin mo, ako na ba yung naging best para sayo?"

"Kauuwi ko lang din. You are the best of all the best for me. Salamat nga pala rito. Pero bakit ka pa nagbigay ng flowers, binati mo na nga ako. Kailangan talagang may follow-ups pa."

"Cause you're special. FYI, my girlfriend."

"Huwag mo nga akong ipampered masyado. Baka lalo lang akong magdemand sayo. Ganun ka rin ba sa mga naging ex mo?" Makakasurvive din kaya ang relasyon natin? Sana nga ibigay ng Diyos.

"Of course. Gawain namin yun para mapasagot namin kayo. Pero ang importante sa ngayon ay ikaw. Kumain ka na?"

"Hindi pa. Magpapalit pa ako ng damit kaya mamaya na ako kakain."

"Gusto ulit kitang makita." I heard him sighed. Me too babe.

"You miss me huh?"

"Yeah, a lot."

"Binobola mo na naman ako. Huwag ka ngang ano diyan." Pafall.

"Palagi naman na hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. Lahat na lang puro biro para sayo. Seryoso kaya ako. Masyado kasing mataas ang pader na nakapaligid sa puso mo kaya hindi ako makapasok."

"Babe." Sabi ko sa petname namin. Pumikit ako bigla. Isang salita lang pero nahirapan akong bigkasin kahit na kausap ko lang siya sa phone at wala sa harapan ko. Na-i-imagine kong nasa tabi ko lang siya. Goosebumps running all over my body.

May thoughts kasi ako na pag tinawag ko siya ng ganun, parang ang pangit pakinggan pag nanggaling sa akin. Hindi maganda sa pandinig. Nega na ako kung nega pero hindi kasi common word para sa akin ang word na babe.

"Babe? Wow!... Wow!" Loss of words? "First time kong marinig yan sayo a. Pakiulit nga. Gusto ko ulit marinig mula sa iyo." He insists.

Lumunok ako ng isang beses at gusto ko siyang pagbigyan sa request niya. May gusto akong patunayan. "Babe? Babe. Babe." Nakangiti kong bigkas.

"Ayun. Gusto rin naman pala. Pakipot pa."

"Nababaduyan kasi ako. Parang endearment na lang yun sa mga high schoolers."

"Naninibago ka lang dahil walang pumilit sayo noon para gawin mo yun. Tignan mo sa akin, hindi ka makatanggi." Sagot niya.

Natahimik kami pareho. "Gusto mo bang sumama sa akin?" Tanong niya after that silence between us.

"Sumama saan?" Isa pa wala na akong time para lumabas. Sinabi ko naman sayo na uuwi ako ng probinsya di ba?" Nakalimutan na ba niya ang sinabi ko?

"Sa bagong taon ka pa lang naman uuwi di ba? Sumama ka na lang sa akin sa pasko. Tayo na lang ang magkasama."

"Titignan ko pa. Bakit? Hindi mo ba kasama ang mga kaibigan mo? O ang mama mo. Hindi naman pwedeng hindi ka sumama sa kanila." Suhestiyon ko. "Buti sana kung close kami ng mama mo. Kahit anytime, pwede kitang puntahan."

"Ikaw naman itong may ayaw na magkita kayo. Ilang beses ko na bang binalak na ipakilala kita sa kanya. Palagi ka namang tumatanggi. Hindi naman ganun kasama si mama para hindi ka niya magustuhan."

Without YouWhere stories live. Discover now