Chapter 70 - OnLy oNe

88 3 0
                                    

Seb's POV

Iniisip ko kung tama ba itong gagawin ko. Pero may valid reason naman ako para gawin ito. May karapatan ako sa anak ko. Dugo ko ang nananalaytay sa ugat niya. Hindi sapat na gawin niyang rason ang paghihiwalay namin para hindi niya sabihin sa akin ang totoo. Masama ang loob ko, sa sarili ko dahil wala ako sa tabi niya ng pinapalaki niya ang anak namin.

Alam ko na ang totoo. Lahat-lahat. Sa simula hanggang sa kahuli-hulihan. Hindi ko na kailangan pa ng mga ebidensya o kung ano pa man. Dahil tinanong ko na lahat kay Mattie. Sinabi na niya sa akin lahat. Nagmakaawa ako sa harapan niya noong puntahan ko na siya mismo sa bahay nila. Sinadya ko siya sa Laguna. Dahil siya lang ang makapagpapaliwanag ng lahat. Siya lang ang makakatulong para mapunan ang butas dito sa puso ko.

Ako lang mag-isa ang pumunta. Ayaw ko ng sagabal. Sabagay, wala naman akong maisip sa isa sa kanila na pwedeng samahan ako except for Dilyon. Sa lahat ng taong malapit sa akin, ako na lang itong mukhang tanga at walang kaalam-alam na may anak na pala ako.

Ikinwento lahat sa akin ni Mattie, simula ng bigla ko na lang iniwan si Shienne hanggang sa paano ang naging buhay niya ng wala ako hanggang sa pag-aalaga sa anak namin.

Hindi niya naitago sa akin na nagtanim siya ng sama ng loob sa akin dahil sa ginawa ko sa kaibigan niya.

Nagsisisi na ako. Dapat hindi ko ginawa ang bagay na yun. Dahil sa naging aksyon ko, nasaktan ko lang siya at ang sarili ko. Sa huli, ako lang din pala ang mas masasaktan.

Pero mas mabuti na rin ito siguro, baka pag sinubukan niyang sabihin sa akin noon, magiging tama ang assumptions niya na hindi ko lang siya papakinggan, na hindi ko papaniwalaan na anak ko nga ang dinadala niya. Dahil nabalot na ako ng inaakala kong may natitira pa akong pagmamahal para kay Asthrid. Baka pag sinabi niya noon sa akin, baka mahirap ko na silang bawiin ngayon.

'Where are you? Hindi ka daw pumasok.' Ani Dilyon sa akin sa telepono. I was a bit startled on my sit when my phone rang. Tumawag siya sa akin dahil na rin siguro dahil sa gusto niya akong puntahan sa opisina.

Buo na ang desisyon ko na puntahan si Mattie. Siya ang malapit kay Shienne. At alam ko din na alam niya ang lahat ng mga nangyari. Hindi madali para sa akin itong susuungin ko. There is a big chance na hindi niya ako pagtuunan ng pansin. But I'm hoping. She's mad at me the way I treated her bestfriend but that's what my life goes. I can't stop myself to grab decisions that makes me fulfilled.

Gusto ko pa rin na subukan. I will try my luck in every possible way.

"May pupuntahan ako." Simple kong sagot.

"Where to? Nasaan ka ba?"

"Someone who knows all the answers to my questions. Papunta na ako ng Laguna ngayon. Si Mattie lang ang alam kong makakapagpaliwanag sa akin ng lahat. Hindi na ako makapaghintay Dilyon. Hindi ako mapakali. I need the answers now. Others can wait."

'Okay. Alam kong hindi na kita mapipigilan pa sa plano mo. Pero.. kaya mo ito Bro. Just give me a call if you need anything.'

"Salamat."

Madali akong nakarating sa bahay nina Mattie. Buti na lang, naaalala ko pa kung saan ang bahay nila. Minsan ko na kasing hinatid at sinundo dito si Shienne noon. Nag-stay ako ng isang gabi sa apartment niya at pagsapit ng umaga, hinatid ko siya kay Mattie dahil may lakad daw silang dalawa. Sinundo ko naman siya ng dalhin ko siya sa bahay.

Wala pa din ipinagbago itong lugar nina Mattie. Madali ko lang siyang nahanap. Bumaba na ako ng sasakyan at pinakiramdaman ko kung nasa loob ba siya o kung lumabas ba siya. Kapatid niya lang ang alam kong kasama niya dito na sana wala ngayon dahil hindi ko kailangan ng distractions.

Without YouWhere stories live. Discover now