Chapter 61 - Black in Block notes

106 2 0
                                    

Sa gulat ko sa pagbukas ng pinto, nahulog mula sa kamay ko ang singsing. Narinig ko ang mga boses nila na pumasok. Sinilip ko ang singsing sa tile floor at nakita kong muntik na itong gumulong sa ilalim ng kama.

"Shienne, anong ginagawa mo?"

Naalarma ako.

Boses?.. ni Mattie. Nag-angat ako ng tingin at nakita kong siya mismo itong nasa harapan ko. Nandito rin sina Karla at Valeen. Paano--

Then I saw Wyna and Shay behind them.

"Ano naman ba ang nangyari sayo? Bakit nandito ka na naman sa hospital?" Nag-aalalang tanong ni Valeen sa akin. Dinampi niya ang likod ng palad niya sa noo ko. Umayos ako ng pagkakahiga at itinaas ko ang kumot hanggang sa tiyan ko.

Ng maaalala ko ang singsing. "Val, pakiabot naman yung singsing. Nahulog ko kanina nung pumasok kayo." Kinuha naman niya at iniabot sa akin. Siya kasi ang nakatayo sa tabi ko. "Thanks."

"Hindi mo talaga kami kaibigan. Hindi mo lahat sinasabi sa amin lahat ng problema mo. Tapos ano itong sinabi nila sa amin ni Shay na muntik ka na daw makunan. Buntis ka talaga? Kailan pa?"

"I'm sorry ate Shienne dahil nasabi ko sa kanila. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Natataranta na ako. Baka dahil sa akin, mawala ang baby mo. Kaya yun, tamang-tama na tumawag si ate Mattie sa phone mo. Sinagot ko tapos sa pag-aalala ko sayo, nasabi ko sa kanya ang totoo. I'm sorry talaga ate Shienne." Shay explained.

Wala naman na akong magagawa dun. Gumaan na din naman yung pakiramdam ko dahil alam na ng mga kaibigan ko. Hindi ko na iisipin pa kung paano ko sasabihin sa kanila. Galit sila ngayon dahil itinago ko sa kanila ang magandang bagay na nagyayari sa akin.

Walang panghuhusga sa mga boses nila. Pagkabigla at.. masaya lang sila sa nalaman nila.

"Sorry. May balak naman talaga akong sabihin sa inyo pero naghahanap lang ako ng magandang timing."

"Pero anong balak mo ngayon?" Lumapit si Karla sa kinahihigaan ko. "Tinanong namin silang dalawa kung anong nangyari and hindi daw maganda ang naging pag-uusap niyo. Kumusta na ang puso mo? Kumusta ko."

"I'm trying. Still trying to forget it."

"Alam na ba niya ang tungkol sa baby niyo?" Valeen. Inalalayan niya ako ng pilitin ko ang sarili kong bumangon. "Di ba dapat sinabi mo din sa kanya para you know, may ideya siya na mas kailangan mo siya."

"Alam niyo ba, gumuho yung mundo ko kanina. Yung mundong masaya ako dahil ginawa namin yun dalawa, bigla na lang na-crampled sa mismong harapan ko. Isang tanong lang, yun lang ang nakaya kong itanong sa kanya pero yung sagot niya. Sagot sa lahat ng mga katanungan ko. Mattie, ginamit niya lang ako. Ginamit lang niya ako para bumalik si Asthrid sa kanya. Ang sama niya. Bakit ako pa? Bakit ako pa ang natipuhan niyang gamitin? Matt, mahal ko siya. Minahal ko na siya."

"Hush. Tama na." Bigla niya akong niyakap.

"Tatlong taon Matt. Anong kulang sa akin? Kulang ba yung mga effort ko? Bakit wala man lang siyang naramdaman para sa akin. Bakit hindi niya ako mahal? Alam kong, wala ni isa sa mga katangian ko ang magugustuhan niya, pero huwag naman sana niyang ipamukha sa akin na ginamit niya lang ako. Ang bigat bigat pa rin ng nararamdaman ko. Paulit-ulit pa rin na nagre-replay sa utak ko ang sinabi niyang ginamit niya lang ako. Matt, paano ako? Paano na ako ngayon? Ayokong iwan niya ako. Kailangan ko siya."

"Tumigil ka ng umiyak. Kailangan mo munang magpahinga. Isipin mo ang baby mo."

"Mattie.. bakit ang sakit-sakit.. bakit ang sakit sakit.. ang sakit-sakit.. paano ko ito maiaalis.. paano ko ito tatanggalin? Matt, sabihin mo sa akin. Hindi ko kaya ang sakit dito sa puso ko."

Without YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ