Chapter 16

120 4 0
                                    

"Hello." I said to him on the other line.

"Nakabalik na ako. You ready?"

"Malapit na akong matapos. Two minutes."

"Hintayin na lang kita dito sa kotse."

"Sira. May mga gamit ka pa dito. Nasa kwarto ko pa lang. Hindi mo na kukunin?"

Nauna siyang lumabas. May pinuntahan yata. Wala siyang sinabi sa akin kung saan, pero ang hinala ko sa site. Thirty minutes nga lang siyang nawala bago siya nakabalik dito sa apartment. Kausap ko siya sa phone at nasa labas na siya. Tinamad na. Papupuntahin ko talaga siya dito sa kwarto para kunin ang mga gamit niya. Huwag niyang asahan na ako ang magbibitbit doon. Sineswerte siya.

"Sige. Aakyat na ako." itinapon ko sa kama ang phone ko ng maibaba niya ang tawag para maayos ko na ang gamit ko.

Pagpasok niya sa kwarto ko, tamang-tama naman na isinusuot ko na ang high heels ko.

"Ang liit mo talaga. Kahit nakasuot ka na ng heels, wala pa ding ipinagbago." insulto niya ng makita niya ako at makuha nito ang jacket niya.

Pinameywangan ko siya. Nasa may pinto ako. "Wow, nagsalita ang matangkad."

"Matangkad ako. Hanggang balikat nga lang kita."

Ipinangalandakan niyang maliit talaga ako. Kaya nga sinasabi ko sa sarili ko, noong araw na nagsabog ang nasa itaas ng mga magagandang katangian, nasalo niya lahat. Dahil nga sa naubos na lahat at nakuha na niya lahat, mga tira-tira na lang ang napunta sa akin at sa iba pa. Hindi kasi kami sabay ipinanganak, nauna siya sa akin kaya nasalo niya. Sana inisa-isa ni God bawat kabahayan para fair sa lahat. Peace! Gracious Lord.

"Sige na, huwag mo ng ipagmayabang sa akin. Ako na ang maliit pero may mas maliit pa rin sa akin." ayaw ko sanang magpatalo pero wala na akong maisip na maisasagot pa sa kanya.

Nauna na akong lumabas ng maalala kong hindi ko pa pala hawak ang susi. Bumalik ulit ako sa kwarto. "Teka yung susi, nasa loob pa." sigaw ko. Sinasara na niya ang pinto. Isa pa, nakita ko kasing ipinatong nito sa bedside table kahapon ng dumating kami.

"Got it."


Habang nasa loob kami ng kotse niya, Hindi ko mapatahan ang sarili kong kumalma. Paano pag nakita ako ng mga ka-office mates ko na may lalaking naghatid sa akin at plus points pa, gwapo. First time of mine na may naghatid sa akin. Hindi ko naman mabasa kung ano ang nasa isip nila. Yung mga expressions lang nila sa mukha ang kaya kong basahin.

"Are you okay?"

"Ha? Oo naman. May iniisip lang ako." okay lang naman talaga ako. Isip ko lang ang hindi okay.

Sinabi ko sa kanya ang location kung saan ako nagtatrabaho. In fairness, alam na alam niya ang pasikut-sikot sa lugar. Ang talas rin ng sense of direction nito. Ako, minsan, sumasablay kaya kailangan ko ng kasama.

He just smiled at me and he continued to drive.

Hindi muna agad ako lumabas ng kotse niya. Minanmanan ko ang paligid kung konti lang ang tao na makakakita sa akin. Siyempre, nagpakabusy ako sa loob para hindi mahalata ng kasama ko. Kunwari, may hinahalungkat ako sa bag ko pero ang mga mata ko nasa tapat ng office namin. Hindi ko siya ikinakahiya trully, flattered pa nga ako na kasama ko siya ngayon, hindi ko lang talaga magawang isanay ang sarili ko at times. At ang mapanghusgang mata ng mga tao.

"So, mauna na ako. Ingat." paalam ko.

"Sure, take care. Huwag mo akong masyadong isipin." hinawakan niya ako sa likod ko and caress it.

"Ingat ka din." ulit ko. Parang kailangan ulit kasi na sabihin ko sa kanya ang bagay na yun. Binuksan ko na ang pinto at lumabas na ako. I waved at him after I closed the door. Hinintay kong makaalis siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon