Chapter 13

125 0 0
                                    

Magkalayo ang dalawa kong paa sa kama. Ang ulo ko ay nakapatong sa kanan kong braso. Ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa phone ko na nasa tabi ng unan ko. Nakatingin naman sa kisame ng apartment ko ang mga mata ko. My mind is blank and nothing to discuss in my head.

Tahimik ang paligid. Nagugutom na ako pero tinatamad naman akong tumayo. Hindi ko na rin makuha pa ang tulog ko.

Sunday. Wala akong maisip gawin. Ayaw kong manood. Ayaw kong maglinis. Ayaw kong lumabas. Ayaw kong gumalaw. Dito lang ako. Mahihiga.

I let out a sighed of breath.

Sa oras na ito, gusto ko ng may iniisip para hindi ako mabore. Para hindi lang siya ang nasa isip ko.

Seb. Seb. Seb.

Aish! May family naman ako bakit hindi kaya sila ang isipin ng isip ko.

Hindi gaanong nagtagal ang naging pag-uusap namin kagabi. Nagpaalam lang siya sa akin na ngayong araw na ito ang alis niya papuntang Cebu. Hindi niya nabanggit sa akin kung kailan siya babalik.

Sumulpot sa isip ko, ano na lang kaya ang ginagawa namin ngayon kung pumayag ako sa usapan namin na pupuntahan ko siya? Siguro, nagpapahinga kami ngayon pagkatapos ililibot niya ako sa mga lugar na maamaze ako. And then... nagwala na lang bigla ang imahinasyon ko, napunta na sa medyo explicit na scene. Hala! paanong sumagi sa isip ko yun? Oh my God! Hindi pwede.

Pinilit ko ang sarili kong bumangon at maligo. Lalo lang iinit ang ulo ko dahil sa mainit na panahon. Kung mawala mamaya ang katamaran ko, punta akong SM at manonood na lang ng movie. Sana may matipuhan akong palabas para hindi naman masayang ang wawaldasin kong pera.

Pagkatapos kong maligo, nagtoothbrush na ako kaagad para hindi ako kumain. Nag-ayos na ako sa sarili para ready to go na lang pag naisipan ko ng umalis.

Eight thirty na, oras ng flight ni Seb. Hindi man lang niya ako i-greet ng good morning. Nakakaimbyerna. Hindi ba niya ako maisip bago siya umalis?

Ayaw kong yayain si Mattie, may period pa siya hanggang ngayon. Baka mamaya, bigla siyang mag-ayang umuwi ni hindi pa kami nangangalahati sa pamamasyal.

Kaya....

Nakapagdesisyon na ako. Mamamasyal ako. Period. Maglilibot ako na ako lang mag-isa. Fighting! Korean lang ang peg.

Hinablot ko ang sling bag ko sa cabinet and I transferred my items in my other bag. Inilagay ko ang mga pampalamuti ko sa mukha. Isinuksok ko sa bulsa ng short ko ang pera ko. For precautions only. Baka iba pa ang makinabang sa perang pinaghirapan ko.

Ng mailagay ko na lahat ng kailangan ko sa dadalhin kong bag, inabot ko sa shoerack ang rubber shoes ko at kumuha ako ulit ng footsacks sa cabinet. Bago ako lumabas ng apartment, sinalaminan ko muna ang whole body ko and body check, baka kasi hindi bumagay ang shoes ko sa suot ko. Okay naman na sa paningin ko. Kumuha ako ng panyo and babush. "I'm ready to go solo." sigaw ng utak ko. Solo ko ang mundo. Ako lang mag-isa. And make it bearable.

Parang akong kawawa dito sa loob ng mall. Sa napapansin ko, parang ako lang ang mag-isa, ang walang kasama. Dumiretso na ako sa ticket booth at bumili ng popcorn and sprite. Ayaw ko ng coke, malakas masyado ang acid. Sinasayang ko talaga ang pinambili ko ng ticket, ilan na ang pwedeng mabili nun. Sabagay, ngayon lang naman ako manonood ng sine after how many years.

Pumasok na ako sa loob ng matapos kong ibigay ang ticket. Nakakapanibago tuloy. Parang first time ko lang pumunta. Kumakapa ako sa dilim kasi sa loob ng sinehan may pababa na part sa daanan, kailangan kong magdahan-dahan sa paglalakad kung ayaw kong mapadausdos at mapahiya. Pinili ko ang upuan na malapit sa likod para komportable ako sa panonood sa giant screen. Comedy ang palabas. Tamang tama lang para sa situation ko ngayon. Kailangan ko ng pampagaan.

Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon