Chapter 56 - Attraction hits hard.

97 2 0
                                    

"I'm sad for you." Malungkot ang boses na wika ni Valeen sa akin. Umalis siya sa pagkakaupo at niyakap niya ako mula sa likod. Na hinigpitan ko din ang pagkakahawak sa mga braso niya.

Ikinwento na sa kanila ni Matt ang totoo. Si Valeen na lang naman ang hindi nakakaalam. Kaya hindi na din nagulat si Karla ng marinig niya ang mga sinabi ni Mattie. Hindi na hininga pa ni Mattie ang permiso ko para sabihin niya sa kanila.

I don't need their pity but I need them right now.

"Hindi ako makapaniwala na yung taong ipinagpilitan ko sayo. Namin pala, sasaktan ka lang pala sa huli. Paano niya yun nagawa sayo? I mean, ang kapal naman ng mukha niya para gumamit siya ng ibang tao para lang balikan siya nung first love niya. Yung ex niya." Singhal ni Valeen.

Iniisip ng lahat na yung ginawa ni Seb at ang mga sinabi ni Asthrid, pinupunto nilang ginamit lang ako. Ginawa akong rebound. Para sa akin, hindi ko yun maisip. Siguro lang talaga, old flames came back between those two.

Ayaw kong isipin na ganun lang ang turing niya sa akin. Matatawag bang may kasalanan din ako sa nangyayari?

Linapitan niya ako.

Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ko siya. Pero hindi ibig sabihin na may gusto na ako sa kanya ay lalapitan ko na siya at makipagkilala. I am not like any other woman who have this clingy side at hindi na pinapalampas. Hinihintay kong ang lalaki ang unang lalapit sa akin.

Yun ang ginawa ni Seb sa akin. Siya ang unang lumapit sa akin. Ginawa niya ang lahat para mahalin ko siya, sagutin ko siya.

Pinigilan ko ang nararamdaman ko pero ginawa niya ang lahat para mahulog ako sa kanya ng husto.

Yun pala, lahat ng mga effort niya ay may kapalit. Kapalit na balikan siya ng ex niya. May hinihintay na pala siya in the first place. Hindi yung matamis kong oo kundi ang dating oo na narinig niya.

"Kailan mo siya pupuntahan?" Ani Mattie. "Kinausap ka na ba niya? Tumawag na ba siya sayo?"

Umiling ako.

"Sariling kaligayahan niya lang ang iniisip niya. Talagang ang motive niya lang sayo ay ang gamitin ka. Dahil kung mahal ka niya talaga, hindi ka niya iiwan sa ere." Karla.

How can I approach him? If Asthrid is always beside him.

***

SEB's POV

"Asthrid? I'm here." Tawag ko ng makapasok ako sa condo. Inilapag ko ang bag ko sa sofa. Dumiretso ako ng kwarto namin dahil hindi siya sumasagot.

Naabutan ko siyang nakahiga sa kama. Malumanay ang tulog niya at nakakagaan ng loob na makita siyang ganito. Na parang walang pinoproblema. Linapitan ko siya at hinaplos ko ang makinis niyang mukha. She was a perfection to be exact. Wala akong maipintas sa kanya. Nagkamali man siya before, she learned hard from those mistakes.

She's still beautiful. Kahit ilang taon ang lumipas, hindi pa rin kumukupas ang ganda niya. Tulad pa rin siya ng dati. I tucked some strands of her hair behind her ear. 'I love you.' I whispered. "I still love you."

I loved her and still loving her after all this years. I did cut speaking to Shienne for many days now to realize what's truly in my heart. Who am I in love with.

And I choose her. I choose my first love. I choose Asthrid. I choose my only love.

Wala na akong ibang mamahalin kundi siya lang. Nagawa kong ipursue si Shienne dahil sa rason na siguro namimiss ko lang si Asthrid sa kanya. She got my attention that time. I can't pinpoint why or how but she got me. At noong time na kasama ko siya, si Asthrid ang naglalaro sa isip ko. Nakikita ko siya sa kanya.

Without YouWhere stories live. Discover now