Chapter 65: Hate and Advice

67.5K 1.3K 188
                                    

UNEDITED, DAMI TYPO. TAMAD MAG-EDIT SI MAEVEL ANNE. HAPPY READING! ^___^v

Chapter 65: Hate and Advice

Rina's POV

          "Alam mo, baliw ka na talaga!" sabi ko sabay hampas sa braso niya habang siya naman ay humahakbang lang papalayo sa akin para maiwasan yung mga hampas ko. "Bakit mo sinabi iyon huh? Mamaya anong isipin noon! Mamaya maniwala siya na tayo nga!"

          Tawa lang siya ng tawa habang iniilagan yung mga hampas ko.

          Psh! Kung hindi lang talaga ako natatakot na baka may mangyaring masama sa baby ko, kanina ko pa 'to pinagbubugbog eh!

          Nakakainis siya! Lalo lang pinapalala ni Renji yung sitwasyon ko eh!

          "Eh bakit ba concern na concern ka? Akala ko ba nagpapatulong ka sa akin na mawala ang feelings mo kay JD, Rina?"

          Biglang nabitin sa ere yung kamay ko nang akmang hahampasin ko na naman siya.

          Napatingin ako sa mukha niya at nginitian niya lang ako ng nakakaloko. Tinaas-baba pa niya yung kilay niya sa akin na para bang inaasar niya talaga ako.

          Dahan-dahan kong binaba yung kamay ko saka huminto na sa pag-atake sa kanya.

          "Ano Rinaling? Mahal mo pa si Papa JeeDee ano?" tukso ni Renji sabay tusok pa sa tagiliran ko.

          "H-Hindi ah!" depensa ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

          Wala eh! Hindi ko matagal yung nang-aasar niyang tingin.

          Saka takot ko lang na maging kamukha niya yung baby ko kaya iiwas muna ako ng tingin sa kanya.

          "Hay naku!  Alam niyo hindi ko kayo maintindihang dalawa! Ang dali-dali lang ng sagot sa problema niyo pero pinapahirapan niyo mga sarili niyo. Alam niyo dapat ang tawag sa inyo the sadist couple. Grabe kayo magsakitan eh!"

          Hindi ko na lang sinagot si Renji saka ako dumerecho sa may tapat ng pinto.

          "O? Saan ka na naman pupunta? Aalis ka pa rin?"

          Mabigat akong napabuntong-hininga saka ko siya nilingon.

          "I need to go. Ayoko na maka-istorbo pa sa'yo dito. Saka may kailangan talaga akong puntahan."

          "Eh paano kapag nasa labas pa si JD? Anong gagawin mo?"

          Sandali na naman akong hindi naka-imik doon sa sinabi ni Renji saka ako muling humarap sa pinto at sinimulang pihitin pabukas ang knob noon.

          "Bahala na." sabi ko matapos ng isang malalim na buntong-hininga.

          Saka tingin ko naman wala na si JD sa labas. Kung ano man yung pinag-usapan nila ni Renji kanina sa labas, sa tingin ko enough reason na iyon para umalis si JD kahit na nga hindi sinasabi sa akin ni Renji kung ano nga ba iyong pinag-usapan nila na naging dahilan ng pagkakapasa ng mukha ni Renji.

          Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko sa labas at laking pasalamat ko na wala na akong nakitang JD Villafuerte doon.

          "Ay umalis na pala siya? Korni naman noon! Akala ko pa naman aagawin ka niya talaga sa akin. Tsk! Tsk! Tsk! Weak pala iyong si JD eh!"

          "Renji, pwede ba?" nanghihinang sabi ko.

          "Oo na! Oo na! Sabi ko nga! Di ko na siya babanggitin sa'yo. Taboo na ba si JD sa magiging topic natin sa future?"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon