Chapter 68: Courting Rina Part 2

64.4K 1.2K 233
                                    

DAMI TYPO. TAMAD MAG-EDIT. HAPPY READING.

Chapter 68: Courting Rina Part 2

Rina's POV

          "WHAT?! MANLILIGAW SA'YO SI JD VILLAFUERTE?!"

          Bigla akong napatakip sa tenga ko nang bigla lang sumigaw nang malakas si Nozomi.

          "This is the library! Observe silence!" sermon sa amin ng librarian na dumaan sa may mesa namin.

          "Sorry, Miss." sabay na sabi namin doon sa babae saka yumuko.

          Sinermunan niya muna kami sa mahinang paraan bago niya kami nilubayan ni Nozomi.

          "Di nga?! Seryoso?!" Nagulat ako nang biglang hawakan ni Nozomi yung baba ko saka ako sapilitang pinaharap sa kanya. "That's insane! JD Villafuerte don't court girls!"        

          "Excatly." sabi ko sabay napatingin sa kawalan. "Alam ko na may pinaplano na naman siyang masama kaya niya biglang sinabi iyon."

          "Tama! Saka hello! Sinong manliligaw yung rude magtanong kung pwede bang ligawan?" sabi niya. "It's like he give you an option na wala kang choice! He will court you whether you like it or you like it. Ganoon lang iyon eh!"

          Napapatango na lang ako sa sinabi ni Nozomi.

          I know na may masama talagang plano si JD sa "panliligaw" niya daw sa akin.

          "And c'mon! JD being a slave? Haha! Best joke ever!"

          Napatango ako ulit sa sinabi ni Nozomi.

          At first nagulat talaga ako nang sobra doon sa sinabi ni JD na magiging "slave" ko daw siya para lang payagan ko siya na manligaw sa akin.

          No. JD won't do that. He's too proud. Of himself, on what he can do, did, does, n almost everything. JD won't step down to that level para lang sa iisang babae.

          Especially not me. Not my type. Mas maiintindihan ko pa kung magkakaganoon siya sa mga babaeng blonde na may malaking dibdib at balakang.

          I know he's really up to something.

          "Pero on the other side," bigla akong napalingon ulit kay Nozomi. "Kung hindi lang sa ginawa nang hayup na 'yun sa'yo, I'll find it romantic."

          "Nozomi!"

          "Bakit?" kunot-noong sabi niya nang titigan niya ako. "Si JD Villafuerte iyon no! The hottest guy sa school natin noong nandito pa siya. Kahit nga wala na siya dito sa school eh kilala pa rin ang sira-ulo na 'yun. You know JD's level when it comes to girls, Rina. Let's just admit it. Iba dating niya sa mga babae dito. Girls swoon over him."

          Ayoko man sumang-ayon sa sinabi ni Nozomi pero no choice ako kundi sumang-ayon.

          As much as I hate that guy, hindi naman ako impokrita at bulag sa bagay na too obvious.

          Hindi ko na lang masyado inintindi ang sinabing iyon ni Nozomi saka ko binalikan yung libro na binabasa ko.

          "Pero kaduda-duda pa rin yung pagbabalak niya na ligawan ka. May something fishy dito."

          "Eh bakit hindi na lang natin patulan yung balak ni JD."     

          Muntik na akong mapasigaw sa gulat nang may bigla na lang nagsalita na boses lalaki. At sa pag-angat ng tingin ko, nakita ko si Renji na naka-upo na sa harapan namin ni Nozomi.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon