Chapter 48: The Wedding

74.7K 1.2K 169
                                    

Chapter 48: The Wedding

Rina's P.O.V

          "Hindi na kayo nahiya sa mga sarili nyo!"

          Isang malakas na sampal mula kay Papa ang nakuha ni JD pagpasok na pagkapasok namin sa mansyon.

          "Papa!"

          "Rina, anak! Wag ka ng mangealam please!"

          "Pero Mama si—"

          Hindi ko pa natatapos ang iba ko pang sasabihin nang biglang may marinig ako na malakas na kalabog at sa paglingon ko, I saw JD, blood dropping from the side if his mouth habang nakahandusay ito sa sahig.

          "I trusted you JD! I TRUSTED YOU! Pinagkatiwala ko si Rina sa'yo tapos ito pala ang gagawin mo?! Humilating your own sister behind our back?!"

          Napatalon ako sa gulat nang biglang basagin ni JD yung malaking vase na nasa malapit nito sa pagtayo nito.

          Our father is furious. So he is too.

          "Damn it! We're not blood related so what the f*ck is wrong with that huh?!"

          "Wrong? You're asking me what's wrong?! Everything JD! Everything!"

          "Papa may kasalanan din po ako kaya—"

          "Stop it Rina!" malakas na sigaw ni Papa sa akin sabay harap ulit kay JD. "From now on JD, you'll stay away from Rina! Iuuwi kita sa Amerika and stay there for good!"

          "What?! You can't do that to me old man!"

          "Try me, JD and let's see kung hindi ko nga kayang gawin."

          Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

          No. Ilalayo nila si JD sa akin?

          "This will be the last time that you will see each other again! The last time you'll cheat on us!"

          "Stay away from each other o sapilitan ko kayong paghihiwalaying dalawa. Pick your choice, JD, Rina."

***

          Napabalikwas ako ng bangon matapos kong magising mula sa bangungot na iyon.

          Napahawak ako sa leeg ko. I feel breathless dahil na din sa napanaginipan ko.

          Pakiramdam ko totoo yung lahat.

          Yung pain, yung takot, yung kaba at gulat, parang totoo lahat.

          "Si JD!"

          Napalingon-lingon ako sa paligid para hanapin sya then I saw him. Sleeping soundly beside dito sa kama ng cottage namin.

          I sigh in relief nang makita ko sya sa tabi ko saka ako dahan-dahang humiga ulit sa tabi nya.

          Paano nga kaya kung magkatotoo ang panaginip ko na iyon? Paano kung alam na pala ng mga magulang namin ang tungkol sa amin, sa relasyon namin?

          Paano kung paghiwalayin nga nila kami?

          Makakaya ko ba na mawala sa akin si JD?

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon