Chapter 51: Longing

69.6K 1.2K 275
                                    

Chapter 51: Longing

Catherine's P.O.V

          Ilang sandali akong nakatingin kay Rina habang nandito ako sa labas ng kwarto nya.

          Ilang araw na din ang lumipas mula nang dalhin namin sya dito ni Rico para ilayo kay Jasper. At ilang araw na din syang walang imik.

          Magmula ng tumapak ang paa namin dito, hindi na makausap ng maayos si Rina. Hindi na rin sya nagsasalita at lalong hindi sya kumakain ng kahit ano man lang. Kapag papa-inumin naman namin sya ng tubig, kailangan pa namin syang pilitin para lang sumunod sya.

          "Tama ba ang naging desisyon natin, Rico?" malungkot na tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa anak ko.

          Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ng aking asawa saka nya ako marahang tinapik sa balikat.

          "Hindi ko na din alam kung tama pa ba 'tong ginagawa natin." mahinang sabi nya. "Pero hindi din naman tama na hayaan natin sila sa gusto nila hindi ba?"

          Marahan ko syang nilingon saka ako nag-angat ng tingin sa kanya.

          "Naging makasarili ba tayo sa mga anak natin?"

          "Catherine..."

          Muli kong binalik ang tingin ko kay Rina.

          At halos madurog ang puso ko nang makita ko na umiiyak na naman sya.

          Magmula din ng dalhin namin si Rina sa dati naming tinitirahan bago pa ako ikinasal kay Rico, hindi na din sya natigil sa pag-iyak.

          Ang laki na ng pinayat nya. Wala na din akong makitang buhay sa mata ng anak ko. Na para bang hindi na sya yung dating Rina na kilala ko.

          Nung nakaraang araw din, bigla na lang nya ibinalik sa dati yung kulay ng buhok nya. Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa utak nya at bigla nyang ginawa iyon.

          Pero matapos nyang gawin iyon, mas lalo lang namin syang hindi nakausap.

          "Ano bang gagawin natin sa kanya?"

          "Maybe Rina need some space. Tingin ko kailangan nya lang mag-adjust ngayon. She's been under my son's spell for I don't know how long. Pero alam kong babalik din sa dati si Rina."

          "Will she?" hindi siguradong tanong ko saka ako tumingin kay Rico. "Paano kung mahal nya talaga si Jasper? Paano kung talagang mahal nila ang isa't-isa? Paano kung—"

          "Catherine." putol ni Rico sa sasabihin ko saka nya ako marahang hinila palapit sa kanya at niyakap.

          "Ayokong makita na nagkakaganyan ang anak ko, Rico. Please, gumawa ka naman ng paraan."

          Naramdaman ko ang pagtango ni Rico saka kami sabay napatingin kay Rina.

          Patuloy pa din sya sa pag-iyak habang nakatingin doon sa kawalan.

JD's P.O.V

          "I told you so many times now, jerk! I know what I saw and I know that I saw Mom in Wideside!"

          Napaayos ako ng upo sa upuan namin sa sala with Third sitting on my side, Rue on his lap matapos nyang ikwento sa akin yung nakita na.

          I knew it! Hindi nga ako namalik-mata nang makita ko si Rina sa Westside saka ng isang kotse.

          "You said she cut her hair and change her hair color right?"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon