Chapter 46: Beach Troubles

73.9K 1.2K 95
                                    

Chapter 46: Beach Troubles

Rina's P.O.V

          Magmula sa pagsakay namin hanggang sa makababa na kami sa sasakyan, JD still wears his not-in-good-mood-to-talk-you-anyone aura.

          Kahit na si Prince Viel na yung nagtanong kung anong problema, hindi pa din nya sinagot.

          Kahit na si Miss Hanna wala pa din.

          He's annoyed as hell to me. No doubt about that.

          "Ano na namang problema ni Villafuerte at ang sama na naman ng timpla nya?" tanong sa akin ni Nozomi matapos nya akong lapitan.

          Nandito kami sa isang beach resort sa Batangas. Hindi ko alam kung bakit at kung anong meron at bigla na lang nagyaya si Miss Hanna na pumunta sa lugar na ito.

          Hindi naman sana ako kokontra since si Miss Hanna ang personal na nagrequest sa akin na sumama daw ako through JD syempre.

          Kaya lang, after what had done sa loob ng sasakyan between me and JD, sa tingin ko I'm starting to have a foul mood too gaya nung sa kanya.

          Sa tingin ko hindi ko na matatagalan pa ang pagiging jealous, possessive at paranoid ni JD Villafuerte!

          "O nandito pala kayo!"

          Sabay kaming napalingon ni Nozomi sa boses na tumawag ng atensyon namin.

          "Miss Hanna!" sabay na sabi namin.

          "Bakit may Miss pa din kayo? Di ba sabi ko na naman sa inyo na Hanna na lang? Magkaka-edad lang kaya tayo kaya wag nyo nga ako ginagamitan ng Miss!"

          Tuwing makikita ko talaga si Miss Hanna—I mean si Hanna na nakangiti, napapangiti na din ako. Nakakawala ng bad mood yung presensya nya.

          Mabuti na lang talaga at nandito sya.

          "Hanna, salamat pala sa pagsama sa amin ni Rina dito sa lakad nyo ni Prince Viel. Nakakahiya sa'yo." sabi ni Nozomi.

          "Ano ba kayo! Wala iyon ano! Saka hindi lang naman sa amin ni Viel ang lakad na 'to, para 'to sa lahat kaya ko kayo isinama." nakangiting sagot nya sa amin. "At isa pa, things will be boring kapag walang partners ang other boys di ba?"

          Sabay kaming napatingin ni Hanna nang marinig namin ang O.A na pag-ubo ni Nozomi matapos magsalita ni Hanna.

          "Kung iyon lang din ang dahilan ng presensya ko dito, mas gugustuhin ko pang umuwi na lang kaysa maging "entertainment" para sa mga lalaki na 'yan!" sabi nya sabay turo doon sa iba pa naming kasama na nag-eenjoy—na parang mga bata, expect kay JD na hindi nakikisali—sa pagligo nila sa dagat.

          "Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin, Nozomi..." sabi ni Hanna. "Ang boring lang kapag ako lang ang babae dito. Saka isa pa, gusto ko din maging mas close pa sa inyo, di ba Rina?"

          "Ah...eh...oo." alanganing sabi ko.

          Hindi ko maintindihan sarili ko.Para tuloy akong sira na nagkakacrush din sa isang babae.

          Sabagay, wala naman sigurong maninisi sa akin kasi kagusto-gusto naman talaga si Miss Hanna.

          Ang perfect nya lang. Idagdag mo pa na ang gwapo ng boyfriend nya. Nasa kanya na ang lahat.

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon