Chapter 4: Escape

93.6K 1.6K 251
                                    

A/N: Coolest escape plan ever! Courtesty of...dyaran! Annoying Japanese! LOL. Alam nyo namang ultimate pakialamero yun eh! Kaya boom! :D Happy reading! And do not forget to leave comments okay? Please lang! magcomment po kayo! Thank you.

Chapter 4: Escape

Sean's P.O.V

          Nakakabwisit talaga kahit kailan yang si Renji! Ang sarap nyang patayin sa totoo lang! Kung hindi ko lang talaga kaibigan yun, matagal ko ng pinalapa yun sa buwaya sa zoo eh!

          Nagtataka siguro kayo kung bakit ako naiinis sa kanya? Ito lang naman ang dahilan...

[Flashback]

          "Artista ka di ba? Pwes, patunayan mo sa amin..."

          "HUH?!"

          Nagngiting aso sya sa akin. At yung mga ganoong klase ng ngiti ay ngiti talaga na pang aso.

          "May binabalak ka na naman ba?!" sabi ko saka napatingin kay Ronan. "Hoy! Anong ibig sabihin nito?!"

          "Aba malay!" sagot sa akin ni Ronan.

          "Wag kang mag-alala Sean, kapag namatay ka, ipapalibing ka namin ng maayos."

          "Ano?!"

          Ang dami ko pa sanang irereklamo sa kanya kaya lang bigla na lang nya akong itinulak pahiga doon sa kama saka nya itinalukbong sa akin yung kumot.

          "Hoy! Ano ba 'to?!" inis na sabi ko saka inalis yung kumot sa ulo ko. Grabe naman kasi magtalukbong ng kumot, kasama pati ulo ko. Tsk!

          "Enjoyin mo muna pagiging ako..." sabi ni Renji sabay ngiting aso ulit.

          "Anong—"

          Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang may kumatok sa pinto ng kwarto ni Renji.

          "Waka-sama..."

          "Sh*t!" mura ni Renji sabay senyas kay Ronan. "Oy! Dre! Alam mo na gagawin mo huh?"

          "Huh? Anong gagawin—"

          Bigla na lang bumukas yung pinto sabay pasok ng ilang guard ni Renji na nakabantay sa labas kanina.

          Nakita ko sila Renji at Ronan na nagtago sa likod ng pintuan...at sabay nilang pinatumba yung dalawang bodyguard na pumasok. Sinapak lang naman nila yung dalawang walang kamuwang-muwang na bodyguard ni Renji.

          'Lagot talaga kami nito...' sa isip ko.

          Binuhat nilang dalawa yung katawan ng mga walang malay na bodyguard at saka iyon tinago sa may banyo ng kwarto na 'to.

          Napa-apir pa yung dalawang sira-ulo sabay nag-approve sign sa isa't-isa matapos nilang gawin yung 'krimen'.

          Basta pag may nagtanong, di ko sila kilala.

          "Ano bang ginagawa nyo?" bagot na tanong ko.

          "Ikaw na bahala sa iba Sean!" sabi ni Renji sabay kindat.

          At sabay sila tumalon sa binata ng kwarto na ito na nasa ikatlong palapag lang naman ng ospital.

          "Anak ng!"

My Jealous Stepbrother (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon