EPILOGUE

60 6 0
                                    

Aeris Arithia Mendez...

Sinimsim ko ang hot chocolate na kanina ko pa hawak hawak bago bumaling sa bintana at pinanood ang mga batang abala sa paglalaro sa labas. Nakita ko pang nagtatawanan ang mga ito habang bumubuo ng snow man. Napangiti ako.

Apatnapung taon na ang nakalilipas simula nang mawala si Calliper at hindi ko na natupad pa ang pangako ko sa kanya na magmamahal ako ng iba. Tumanda akong dalaga hanggang sa mag-migrate na rin ako ng South Korea kung saan malapit kina Liam. Ganoon rin naman ang ginawa nina Tristan and Grace matapos nilang ikasal. Ayaw raw nila akong iwan.

Halos dalawampu't tatlong taon naman matapos mamatay ni tita nang dahil sa isang car accident. Sobra sobra akong nasaktan noon pero hindi ko na ikinulong ang sarili ko kagaya ng ginawa ko nang mawala si Calli.

Noong mga panahon na iyon ay naging bukas ang puso at isip ko at nang dahil doon ay mas mabilis kong natanggap ang pagkawala ni tita. Muli akong nakangiti at nakatawa.

Matapos mamatay ni tita siya namang ipinagdiwang ng kambal na anak nina Tristan at Grace ang unang kaarawan nito. Pareho itong babae. Si Thania at Graciell. Pinaghalong hitsura ng ama at ina ang kinalabasan ng dalawa. Gano'n pa man ay masasabi kong may laban pag dating sa ganda ang mga inaanak ko.

Sinundan naman ito ng kaisa isang anak ni Liam at Abegail na si Cloak. Manang mana ito sa ama niya pag dating sa kakisigan, nakuha naman nito ang mata at ilong ng ina. Kaya nga lang ay naging sakit sa ulo siya ng mommy niya dahil sa pagpapaiyak ng mga babae. Playboy kasi eh. Ang dahilan nito ay ang mga babae ang lumalapit sa kanya at ang mga ito ang umaasa kaya't wala siyang kasalanan.

"Saeng il chuk ha hamnida
Saeng il chuk ha hamnida
Saranghaneun eommeoni
Saeng il chuk ha hamnida~~♪♪"

Napabaling ako nang bumukas ang pinto at pumasok roon si Thania dala dala ang isang black forest na cake habang kumakanta.

"Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday mommynang
Happy birtday to you~~♪♪"

Sinundan naman siya ng kakambal niya na may dala dalang maliit na kulay silver na box.

"Maligayang bati
Sa iyong pagsilang
Maligayang, maligayang
Maligayang bati~~♪♪"

Medyo slang pa ang pagkakakanta ni Cloak nang pumasok ito at sumunod naman ang mga magulang nitong si Abegail at Liam matapos nila ay pumasok naman si Tristan at Grace na ngayon ay masayang nakangiti sa akin.

"Happy birthday!" sabay sabay nilang turan.

Bahagya pa akong nagulat dahil sa nakaligtaan kong kaarawan ko nga pala ngayon.

Pasko... Kaarawan ni Hesus na sa kabutihang palad ay kaarawan ko rin.

Isa isa nila akong hinalikan sa pisngi.

"Tumatanda ka na ah?" ani Abegail matapos makipagbeso. Nginitian ko lang naman siya.

Noon ay hindi ko inakala na magkakasundo kami dahil nga noon ay kulang na lang ay isumpa niya ako, pero ngayon ay tila ba nabaliktad ang mundo. Ang dating Abegail na halos ibaon ako sa lupa ay naging isa rin sa matalik kong kaibigan.

"Make a wish mommynang." ani Cloak at kinuha ang cake mula kay Thania at saka ito inilapit sa akin.

Mommynang ang tawag nila sa akin short for mommy ninang daw. Hindi man ako nakapag asawa ay naranasan kong magkaroon ng mga anak sa katauhan nila at nakuntento na ako roon.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now