CHAPTER 23

29 2 0
                                    

CHAPTER 23: It's Too Late

"How's your trip missy?" ani Tristan habang kinukuha niya ang mga gamit na bitbit ko. Kararating ko lang at nandito pa kami sa airport ngayon. Siya lang ang sumundo sa akin dahil marami pa daw ginagawa si Grace at kailangan naman sa hospital si tita Corine, samantalang si tita ay bumalik sa Palawan.

"Just tiring. Hindi ko din naenjoy because I did not took that as a trip. May dahilan ako kaya ako pumunta doon hindi ba? Hindi dahil gusto kong mamasyal lang." tamad kong sabi sa kanya. He just nodded.

"Anyway, did you found the answer?" anitong malungkot nang nakangiti. Binalingan ko siya at hindi malaman kung ngingiti ba ako pabalik dahil paniguradong kapag ginawa ko iyon ay magiging peke lamang.

"No." I said sabay iwas ng tingin. Ibinaling ko na lamang sa maletang ngayon ay hinihitak niya na ang aking mga mata. "Even aunt Beatrice did not know the answer. Just time Tris... Oras lang ang kaya nating ibigay kay Calliper at hindi ang mismong gamot sa kondisyon niya dahil wala niyon. Walang gamot." sabi kong pinipigilang magtubig ang aking mga mata.

Hindi na siya sumagot pa. Ni wala nang nagtangkang umimik sa aming dalawa hanggang sa marating namin ang sasakyan niya. Agad niya akong pinagbuksan nang marating namin iyon.

Naging tahimik ang byahe namin. Nanatili lang ang mga mata ko sa labas ng bintana, pinapanood ang bawat madaraanan namin. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako marahil na rin sa pagod.

"Hey, Arithia, wake up. Nandito na tayo sa bahay niyo." napadilat ako nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko. I saw Tristan.

Agad kong tinanggal ang seatbelt at matapos akong pagbuksan ni Tris ay agad din akong lumabas.

"Bakit dito sa bahay? Hindi ba dapat sa hospital muna tayo?" tanong ko sa kanya na ngayon ay kinukuha na ang gamit ko sa likod ng kotse.

Akala ko ay sa hospital kami didiretso gaya ng sinabi ko kasi ay gusto kong si Calli ang una kong makita pagkarating ko maski alam kong hindi siya makakasama sa pagsundo sa akin ay maski mauna ko man lang siyang puntahan para makumusta ko siya.

"Dito ka ipinahatid ni tita Corine. Kailangan mo daw munang magpahinga." aniya kasabay ng paghila niya sa maleta papasok ng bahay. Agad ko naman siyang sinundan. "Seriously Arithia, hindi ka ba napagod sa biyahe at gusto mo agad dumiretso sa hospital?"

"Siyempre, I'm tired. I'm freakin' tired Tris. Pero gusto kong makita si Calliper. Nitong mga nakaraang araw ay hindi niyo na nga ako binabalitaan sa kanya tapos ay ayaw niyo pa akong papuntahin ngayon? Why?" lito kong tanong.

"It's just it Arithia. Gusto ka lang naming pagpahingahin." sabi niya. Halata mo ang bahagya nang pagkairita sa boses. "Now, just rest at pagkayari niyon ay maaari ka nang bumisita." pinagkunutan ko siya ng noo ngunit hindi niya pinansin iyon at sa halip ay niyakap ako.

"Bye for now." anito at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Iiling iling kong iniakyat ang maleta sa kwarto at matapos niyon ay isinalampak ko ang sarili ko sa kama.

'Is he awake?' tanong ko sa sarili. Gusto ko na kapag nagpunta ako sa hospital ay ang buhay na buhay niyang mga mata ang sasalubong sa akin.

"I hope he is." bulong ko sa aking sarili bago ko ipikit ang mga mata at tuluyang magpahinga.

-----

Nagmulat ako ng mga mata nang maalimpungatan ako. Agad kong hinanap ang cell phone ko sa side table para makita kung anong oras na. It's 9:00 in the evening. Napahaba ang tulog ko.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now