CHAPTER 5

60 7 4
                                    

CHAPTER 5: Who Are You?

Isang maaliwalas na lugar ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata.

Damn! Nasaan ako?!

I wander my eyes around the place where I am standing then I saw a little girl playing alone under a tree while crying.

Sino naman kaya yung bata na yun?

I was about to approach her when a little boy ran towards her. Pero imbes na patahanin yung batang babae ay pinitik niya ito sa noo kaya lalo lang itong napaiyak.

"I told you, you shouldn't took Maia's doll!" the little girl looked at the boy sharply kaya bahagyang napaatras ito.

"Why are you looking at me like that Aeris?!" namilog ang mga mata ko nang marinig ang sarili kong pangalan na nagmula sa bibig ng batang lalaki.

Unti unting luminaw ang mukha ng batang babae and I was shocked nang makita kong ako siya. The little girl under the tree is me. The five years old me.

"Because you're scolding me! Maia took my lutu-lutuan too!" bulyaw nung batang babae or should I say 'ko'?

"Pero mali na ginantihan mo siya. Look, wala na tuloy nakikipaglaro sayo because they are scared na baka agawin mo yung mga toys nila."

"Pero makikipaglaro ka pa din naman sa akin Calli di ba?" my eyes enlarged once more nang madinig ko ang pangalan ni Calliper na nagmula sa bibig ng younger version ko.  Unti unti din na luminaw ang mukha ng batang lalaki at I was shocked when I saw Calli's younger version.

"I'm sorry Aeris, but I just can't." sabi nung younger version ni Calliper at tumalikod na para iwanan ang younger version ko.

Ewan ko ba pero bigla na lang bumigat ang pakiramdam ko kasabay nang pag agos ng luha sa aking mga mata. Bakit ako iniiwan ni Calliper?

"No, Calli, stay!" humahagulgol na tawag ng younger version ko pero hindi siya pinakinggan ni Calli.

"Calliper!" sabay naming pagsigaw.

Nadinig ko na lamang na tumunog ang alarm clock sa side table ko kaya't napabalikwas ako ng bangon. Kaagad kong kinapa ang pisngi ko nang maramdaman kong may mainit na likidong dumadaloy dito.

Damn! It was just a nightmare.

Hanggang ngayon, mabilis pa rin ang pagtibok ng puso ko at tila ba may pa-gig si Dora sa kaloob-looban ko.

Tumayo na ako at binuksan ang closet para kumuha ng isusuot. I took out of the closet my faded jeans and a black cardigan at mabilis na nagtungo sa comfort room para maligo. Tutal Friday naman ngayon kaya pwedeng magcivilian. Tuwing MWF kasi, we are allowed to wear civilian basta daw may identification card.

Nang matapos akong maligo ay nagpirito lang ako ng bacon and egg at saka nagprepare rin ako ng fried rice para sa breakfast ko.

Napabuntong hininga na lang ako nang makalabas ako ng bahay at again, hindi ko na naman matanawan si Calli sa labas ng bahay nila. I walked palabas ng subdivision hoping na sana, sana pagpasok ko, makita ko na ulit si Calliper.

-----

Gaya ng dati, maingay pa rin ang classroom pagpasok ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin yun, sa halip, inilibot ko ang mga mata ko only to disappoint myself dahil hanggang ngayon, hindi pa rin pumapasok si Calli.

"Early eh?" lumingon naman ako to see Tristan and Grace na nasa likuran ko. Sa totoo lang, nitong mga nakaraang araw, parang lagi ko silang nakikitang magkasama? Hmm.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now