CHAPTER 7

48 5 0
                                    

CHAPTER 7: Hug

Nanatili lang akong tahimik at walang pinagsasabihan sa mga classmates ko maski si Grace at Tristan ay hindi rin aware sa kalagayan ni Calliper.

Three days had passed matapos kong malaman ang kalagayan niya ay palagi ko na siyang dinadalaw though paulit ulit lang ang scenario, palagi niyang tinatanong kung sino ba ako at kung ano ba ang koneksyon ko sa kanya.

Masakit man, but I endure everything. Mahirap ipaalala sa kanya ang lahat lalo na at hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula o maaalala niya bang talaga ang mga sinasabi ko. I cry every night tuwing maaalala ko na limot niya na ako, lahat ng pinagsamahan namin just because of his unknown case. But I won't give up.

"Arithia!" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses at paglingon ko ay nakita ko si Grace na tumatakbo papunta sa akin. She's wearing a black croptop long sleeve and a faded high-waist jeans with her hair all tied up into a messy bun.

"I kept on calling you for the nth time pero gosh! Ngayon mo pa lang ako pinansin! Lumilipad na naman ba ang utak mo girl?" aniya. Nilingon ko na lang siya then I just smiled at her at sabay na kaming lumakad.

"Why are you being like that ba? Hindi pa rin ba kayo nakakapag usap ni Drake?"

"Hindi pa din. He's nowhere to be found, walang sumasagot sa bahay nila whenever na tumatawag ako at kumakatok." I lied. Alam ko kasing kapag sinabi ko ang totoo ay baka mas mag usisa pa si Grace at masabi ko pa ang hindi naman dapat.

"Pero still, you shouldn't be that lonely. Cheer up Arithia, everything will be alright for sure." she said, reassuring me. Kaya nginitian ko na lang ulit siya.

Thankful ako kasi naging kaibigan ko sina Grace at Tristan. Alam kong hindi man nila kayang ibigay yung suporta at care na nararamdaman ko kay Calli pero still, they are trying their very best para masamahan ako sa mga panahong ganito.

Dumiretso na lang ako sa assigned seat ko at ganon din naman ang ginawa ni Grace.

I plugged my earphones in at naghanap ng libro sa loob ng bag ko na pwede kong basahin.

Ganito lang ako simula nang hindi na pumasok at magdrop out na si Calliper. Tahimik at madalang nang makipag usap, kadalasan pa, sina Grace at Tristan lang ang kinakausap ko. Hindi din naman kasi ako ganoon kaclose sa mga kaklase ko. Palaging libro ang kausap at kasama. Music lang sa phone ang kakwentuhan ko.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa kahit pa walang pumapasok sa isip ko habang naghihintay na lumakad ang oras.

-----

"Sabi ko naman kasi sayo yun yung sagot dun eh." ani Grace.

"Eh bakit hindi yon ang sinagot mo?"-Tristan.

As usual, nasa cafeteria na naman kami. Kanina pa silang ganyan. Pinagtatalunan pa rin nila hanggang ngayon ang naging sagot nila sa exam. Nagcheck kasi kami ng papers kanina.

"Eh bakit naman kasi yun yung sinabi mo sa'kin na sagot?"-Grace.

"Eh bat naman kasi isinulat mo?"

"Kasi you said that, that is the right answer! Siguro minali mo lang talaga ako no? Argh! Mark Tristan! Napakasama mo talaga!" ani Grace sabay sabunot niya kay Tris.

Pinagtitinginan na kami ng ibang students dito dahil sa sobrang gulo at ingay nilang kasama. Hindi ko nga alam kung bakit ko ba nakaclose itong dalawa na to eh. Tss.

"Guys pwede ba? Stop. Hindi ba kayo nahihiya? Kanina pa nila tayo pinagtitinginan eh. At saka isa pa, kahit naman mag away kayo diyan, hindi naman magbabago ang fact na namali kayo ng sagot. Kayo naman kasi, nagkokopyahan na nga lang kayo, nagkakamali pa." bulong ko sa kanilang dalawa. Tumahimik naman na sila pero nagpapatayan naman sa pamamagitan ng matatalim na titig.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko talaga, may something sa dalawang to.

Tahimik na lang akong kumain at hindi na pinansin pa ang dalawa. Hindi naman kasi sila magpapabawal. Tss.

-----

Pagsapit ng dismissal ay inihatid ulit ako nina Tristan sa bahay namin. Gusto pa nga nila na pumunta sa bahay nina Calliper eh pero syempre, pinaniwala at kinumbinsi ko sila na wala rin kaming mapapala kaya naman umalis na lang din sila.

Walang gana kong binuksan ang ilaw ng salas pagpasok ko ng bahay at umakyat na sa kwarto ko. I am going to take a quick shower first bago ako kumain at magpahinga. I just wore a pair of pajamas at saka ko pinusod ang buhok ko into a bun.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko.

I was about to sleep nang may marinig akong nabasag at maingay sa kalapit na bahay which is, bahay nina Calliper. Kaya naman dali dali akong bumangon at nagsuot ng kahit anong tsinelas na nadampot ko at saka patakbong lumabas ng gate papunta sa bahay nina Calli.

Naabutan kong sobrang kalat ng bahay. May basag na din na mga vase at baso. Nagsisigawan sina tita Corine at Calli.

"Hindi ka pa ba pagod huh?! Ginagawa ko naman ang lahat Drake! Para lang makaalala ka! Para lang naman magkasilbi ka ulit! Kahit na minumura mo na ako kadalasan! What's wrong with you?! Naging ibang tao ka na! Ano pa ba namang kulang at nagk--"

"Can't you just f*ckn stop?! Naririndi na ako sayo! Paulit ulit ko naman nang sinabi na if you are tired of dealing with me, then just f*cking leave! Go ahead and just throw yourself out of that goddamn door! Hindi kita kailangan!" nagulat ako nang biglang sumagot si Calli nang ganoon kay tita. I've never seen him like this before, pero ngayon, ibang iba na siya.

"Drake hijo, please, please... Can't you just remember everything para hindi na tayo parehong nahihirapan?" paghagulgol ni tita. Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong mapaiyak.

"Sinusubukan ko naman diba?! You just don't know how hard it is! Yung palaging blangko ang utak ko! Everyday that I wake up, pangalan ko lang ang alam ko! Wala akong kilalang tao! Did you know how f*cking hard it is?! Hindi! Kasi yung hirap mo lang ang napapansin mo! Yun lang!" aniya sabay suntok sa glass door ng cabinet kaya naman kinabahan na ako nang magtuloy tuloy ang pagtulo ng dugo sa kamay niya kaya't tumakbo na ako palapit sa kanila at inawat silang dalawa.

"C-Calli, s-stop."

"No! Hindi niyo alam! At ikaw sino ka para makialam?!" napapikit ako, ang sakit sobra. Hindi niya na naman ako maalala. "Ang inutil ko! Nanggaling na sayo diba?! Wala na akong silbi! Then you should leave!" ibinato niya ang basong nahawakan niya kaya naman napatili na ako at dali dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"T-tama na Calli. P-please..." paghagulgol ko. Pilit niyang tinatanggal ang pagkakakapit ko sa kanya gamit ang kamay niyang puro dugo na at may mangilan ngilan pang bubog pero hindi ako bumitiw.

"Hindi niyo alam kung gaano kahirap ang maging walang silbi. Hindi na ako makakaalala." his voice broke. Umiiyak siya.

"N-no C-Calli. Huwag mong sabihin yan. Makakaalala ka. J-just b-believe. Tutulungan k-ka namin. K-kami ni tita ang t-tutulong sayo. C-Calli just let us. H-huwag mo kaming i-ipagtabuyan." nakapikit lang ako at nanatiling nakayakap sa kanya hanggang sa maramdaman ko na unti unti niya nang ginagantihan ang yakap ko.

I feel secure now that I'm in his arms and I hope that he feels the same way too.

"J-just b-believe. Y-you'll remember e-everything."

"Shhh... I believe. Hush now." hinimas niya lang ang likod ko and his words were just like magic dahil napahinto niya na agad ako sa pag iyak.

Sana Calli, ganito na lang tayo lagi.

Sana, you can remember everything as fast as you can.

Sana, isang yakap lang magiging maayos na ang lahat.

Sana... Calli... Sana...

-----

[A/N:]

Sana magustuhan niyo kahit na sobrang maikli lang.😅 Don't forget to vote and leave a comment mga dear! Saranghae😙💕

     sincerely yours,                           
(just me) weonni♥                

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now