CHAPTER 16

39 3 0
                                    

CHAPTER 16: Graduation

"Arithia, tumayo ka na diyan. Akala ko ba aalis kayo nina Tristan ngayon? Dalian mo at kanina pa sila naghihintay sa ibaba." ani tita na kanina pa ako niyuyugyog. Napuyat na naman kasi ako kagabi nang dahil sa sobrang excitement para sa graduation mamaya. Napakadaming what ifs sa utak ko.

What if hindi ko makuha yung trabahong gusto ko after ko makapagtapos?

What if hindi naman ako maging successful?

Ilan lang yan sa mga naiisip ko.

"Five minutes na lang tita... Please... Just give me five more minutes..." sabi ko nang hindi man lang dumidilat.

"Anong five minutes? Tumayo ka na. Kanina pa sila naghihintay don. Mahiya ka naman hija."

"Okay po. Susunod na." ani ko at pagkatapos ay tamad akong tumayo nang makalabas na ng kwarto si tita. Saglit akong naligo at nag ayos bago bumababa. Ewan ko ba naman kasi kina Grace kung ano ang nasa isip at nag ayang lumabas. Magbabonding daw kami bago maggraduation. Hays. Ang daming kaekekan eh.

"Sa wakas naman girl at naisipan mo nang gumising!" bungad nito sa akin.

"Sino ba kasing may sabi na sa ganitong kaagang oras kayo magpunta? Jusq Grace, 7:00 am pa lang kaya! Pwede namang mamaya na lang 10:00 or 11:00. Hindi naman tayo magagahol sa oras sa pagbabonding dahil 6:00 pm pa ang graduation natin!"

"Eh basta! Mas maaga, mas masaya!" at saka siya tumawa. Napailing na lang kaming pareho ni Tristan. "Oh, tara na kina Drake, susunduin pa natin siya."

"Kina Calli? Grace, malamang tulog pa yon." sabi ko sa kanya.

"Hindi. Kanina bago kami pumunta dito sa inyo ay pinagising na namin siya sa tita niya. Kaya ano? Tara na?" aniya at nauna nang lumabas ng pinto.

Agad na kumatok si Tristan nang makarating kami sa tapat ng pintuan nina Calli. Malamang lang nuh! Alangang kumatok siya sa gate. Tss.

"Nag aayos na lang siya." bungad sa amin ng tita niya nang pagbuksan kami nito. Saglit lang naman kaming naghintay at bumaba na din siya. Agad niya kaming kinilala sa pamamagitan ng cell phone na hawak niya.

"Oh, ayan! Tara na!" hyper na hyper si Grace. Pumasok kaming lahat sa kotse ni Tristan. Si Grace sa passenger's seat at kami ni Calli sa likod. Si Tristan? Nakakagat sa gulong. Psh. Pero syempre joke lang yon. Nasa driver's seat siya.

"Magmomall muna tayo ha? Bibili tayo ng damit Arithia. Magpapasalon. Magmemake over kahit pareho na tayong maganda." aniya sabay tawa. Napailing na lang ako.

"Ang daldal niya no?" bulong ni Calli sa akin.

"Sobra. Tsk." sagot ko at pareho kaming tumawa.

Hindi mapigil si Grace sa pagkukwento hanggang sa makarating kami sa mall. Agad kaming dumiretso sa salon. Sabi ni Grace, magpapakulay daw kami ng buhok at ipapaunat niya yung kanya samantalang yung sa akin daw ipakulot ko. Magpalit daw kami ng hair style. Ays. Matapos ayusin ang buhok namin ay agad kaming inapplyan ng make up nung baklang nag aayos sa amin. Panay nga ang papuri niya eh. Sinunod ang kuko namin and voila! Tapos na. Sina Calli at Tristan ay naghintay lang sa labas dahil wala naman daw silang gagawin sa salon.

Naabutan namin silang nagbabasa ng magazine sa labas.

"Talagang nagpaganda ka pa para sa akin ah? Alam mo Grace, hindi mo naman na kailangang gawin yan eh. Maganda ka na sa paningin ko." ani Tristan sabay kindat kay Grace. Kinutusan naman siya nito. Haha.

"You look perfect." papuri ni Calli at pagtingin ko sa kanya ay sa akin siya nakatingin. Nag init bigla ang pisngi ko. Gosh!

"T-thank you. T-tara na?" aya ko sa kanila papunta sa stall ng mga damit para makapamili na kami.

Si Calli ang namimili ng mga damit na bibilhin ko. Ewan ko ba. But I find it sweet. Ganoon din naman si Tristan kay Grace. Kunwari pa ngang ibinabalik ni Grace yung mga kinukuha ni Tristan eh pero kinukuha niya din naman ulit. Hays. Pahard to get talaga to. Haha. Ah, oo nga pala. Kahapon ko lang nalaman na official na na nililigawan ni Tristan si Grace. Sabi niya, para wala daw siyang pagsisisi kapag nakapagtapos kami, nasabi niya daw yung nararamdaman niya at naligawan niya ang taong mahal niya. Oh hindi ba? Kakakilig. Haha.

Alas singko na ng hapon nang makabalik kami sa bahay. Nakulong kasi kami sa timezone. Pero syempre, charot lang yon. Nagtagal lang kami dun. Hindi na din umuwi si Tristan at Grace dahil nandito na pala yung toga nila sa amin. Dito na sila magbibihis. Gusto pa ngang sumama ni Calli sa amin sa school eh. Para kahit papaano daw ay makita niya kaming gumraduate, makaakyat sa stage. Pero hindi ako pumayag. Hindi dahil sa ayaw ko talaga siyang umattend ng graduation, sa katunayan, gustong gusto ko nga eh. Gusto ko kasama siya sa pag abot ko sa pangarap ko at isa na don ang pagkamit at pagkuha ko ng diploma pero mas pinili kong pagpahingahin na lang siya. Alam ko kasing pagod na din siya. Nangako naman ako sa kanyang kukuha ako ng picture at magpapapicture ako sa iba habang nasa stage ako para maipakita ko sa kanya. Hindi naman na siya nangulit.

"Hindi ako makapaniwalang gagraduate ka na ngayon hija. Sigurado akong proud na proud sa iyo ang mama at papa mo kung nasaan man sila." ani tita pagbaba ko. Medyo maluha luha pa nga siya.

"Hindi naman po ako makakapagtapos kung hindi dahil sa inyo eh." sabi ko sabay yakap sa kanya. "Tara na po? Grace? Tristan?" nginitian naman nila ako at saka na kami lumabas ng bahay at nagtungo sa venue ng graduation.

-----

"We've shared too many highs and lows. Laughter and tears. Alam kong nahirapan tayong lahat sa pag aaral. Sa pagkamit ng mga pangarap natin. And now, here we are. Almost there." ani Tappie. Ang summa cum laude. Grabe. Sobrang talino niyan. "Ngayon, unti unti na nating makakamit yung mga pangarap na bumubuo sa atin. Unti unti na nating nakikita kung ano ba tayo. I know, it is hard to let go of our friends because they became our shelter for such years pero hindi naman tayo maglelet go ng kaibigan kapag nakagraduate na tayo hindi ba? Ifufulfill lang natin ang mga pangarap natin pero kaibigan pa rin natin sila. We might be apart but still, we're friends, we're siblings. They always have a big part in our hearts." namumula na siguro yung mata namin kakaiyak. Tama naman kasi siya. Mahirap maglet go ng kaibigan. "I hope, after this ceremony, no relationship will come to an end. Sana lagi pa ring manatili ang pakikitungo natin sa isa't isa at babalik balikan natin ang mga lugar kung saan tayo nagsimula. This is not a goodbye batchmates. This is just the beginning of our own stories. Congratulations!" pagbati niya bago bumaba ng stage.

Matapos ng madamdaming speech ay ipinerform namin yung special number na inihanda namin at after noon ay inihagis na namin ang cap.

Sa wakas...

Graduate na kami...

"Giiiiiiiirl!" patakbong lumapit sa akin si Grace at saka niya ako niyakap ng mahigpit. Ginantihan ko din naman ang yakap niya. I hope this won't be the last time na mayayakap ko siya. Na makikita ko sila ni Tristan. "Sobrang mamimiss ko ang mag aral." hagulgol nito sa akin. Natawa naman ako sa kanya.

"Haha. I'll miss it too." nagkwentuhan pa kami sandali at pagkatapos ay nagpicture taking. May buong picture ng batch. Nagpapicture din kami nina Tristan gamit ang cell phone ko. Ipopost ko na lang sabi ko sa kanila at sila na ang kumuha sa facebook. May shots kami na wacky, semi formal, meron pa ngang parang pang ID picture, meron namang hindi kami nakatingin sa camera. Pero ang pinakafavorite ko ay yung lahat kami nakatawa. Ang saya lang naming tingnan. Inakma ko nang itataas ang cell phone ko para sana makapagselfie kami nang magring ito at magpop ang pangalan ng tita ni Calli.

"Yes tita?" tanong ko pagkasagot ko ng tawag.

["Hija! Si D-Drake! Bigla na lang siyang nawalan ng malay at hindi ko siya magising!"] naibagsak ko ang cell phone ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Tinakbo ko palabas ang venue. Kasing bilis ng pagtakbo ko ang tibok ng puso ko.

Sh*t! Hold on Calli!

-----

Waaaaaah! Sana nagustuhan niyo po. Vote and comment lang mga dear ah?😊 Saranghae!😙💕

                           
                                           

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now