CHAPTER 9

75 6 6
                                    

CHAPTER 9: Secret

Maliwanag na nang magising ako. Napasarap yata ang tulog ko at kinabukasan na ako nagising. Psh.

Nilingon ko ang taong natutulog sa tabi ko then I saw Calliper, sleeping in serenity.

Napangiti ako ng malungkot. Nakatulog na siya. Alam kong oras na magising siya ay hindi na naman niya ako kilala. Lahat na naman ng nangyari ay makakalimutan niya na.

Pinunasan ko ang mumunting luha na naglandas mula sa mga mata ko bago siya marahang hagkan sa pisngi. Maingat akong tumayo para hindi siya magising at magulat na may isang taong nakapasok sa kanyang kwarto na hindi naman niya kilala at saka ako tahimik na lumabas sa kwarto at tinahak ang daan palabas ng kanilang bahay.

-----

I walked in the school's pathway with my preoccupied mind. Iniisip ko pa rin kung paano na naman ang sitwasyon namin ni Calliper mamaya. Magsisimula na naman kami sa umpisa. Back to zero na naman. Hays.

Tahimik lang akong umupo sa assigned seat ko nang makarating ako sa room.

"Hey." ani Tristan. Palapit sila sa akin ni Grace.

"Why are you absent yesterday ba girl?"-Grace.

"Masama lang ang pakiramdam ko. At saka isa pa, tinanghali na din ako ng sobra sa paggising." I lied. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin sa kanila ang totoong dahilan hindi ba?

They just nod at me at hindi na nagtanong pa. Nanghiram na lang din ako kay Grace ng lecture na namiss ko kahapon para hindi ako mahuli.

-----

"Pwede ba Tan! Tigil tigilan mo ako ah, naaalibadbaran ako sayo." ani Grace. As usual, magkaaway na naman sila ni Tristan. Tss. May bago pa ba don? Sa araw araw naman na ginawa ni Papa God, nagbabangayan sila.

"Eh, sige na kasi Grace, parang iniinvite lang naman kitang lumabas mamaya eh. Napakasimpleng favor lang naman non."

"Simple?! Ayaw ko ngang makipagdate sayo no! Nakakasura ka. Psh."

"Feeling mo naman, idedate kita? Nag aaya lang lumabas date na? Malisyosa to. Tss. Assuming ka lang kamo."

"Aba't!--" and then naghabulan na sila at naiwan akong mag isang nakaupo.

Tsk. Ang kukulit nila kahit kailan. Baka nakakalimutan nilang nasa cafeteria kami eh no? Lahat ng atensyon nakatuon na sa kanila. Psh.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa spaghetti na kinakain ko at hinayaan na lang silang dalawa. Tutal sanay naman na ako sa kanila eh at saka hindi naman sila magpapabawal eh.

"Uhm... Hi?" napaangat ang tingin ko sa lalaking nagsalita sa harapan ko.

Nakangiti lang siya ng alanganin, napakunot naman ang noo ko. Sinuri ko yung mukha niya. Ang ganda ng mata niya color brown, makapal yung kilay niya tapos mahaba din yung pilik mata niya. Pointed nose tapos ang kinis ng mukha niya. Napadako naman ang mata ko sa labi niya. Ang pinkish pinkish ng labi niya tapos may kanipisan din. Shet. Perfect yung mukha niya pero parang ngayon ko pa lang siya nakita dito. Is he new here?

"Uhm, miss? Excuse me?" aniya na nagpabalik sa akin sa wisyo.

"H-ha?"

"Sabi ko, can I sit here? Wala na kasing available na table eh, lahat occupied na. Hehe." napakamot siya sa batok niya na parang nahihiya pa. Inilibot ko naman ang paningin ko only to find out na totoo ang sinasabi niya, wala na ngang available na mauupuan.

"Oh-kay." I said.

"Ah, thank you miss. L-liam nga pala. Liam Rogue." he offered his hand so I shook it.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now