CHAPTER 14

45 3 0
                                    

CHAPTER 14: Confession

Isang linggo na ang nakararaan matapos may maalala si Calliper at after non, sunod sunod nang sumasakit ang ulo niya. Mayroon na yatang apat na beses? Ah basta. Pero same scenario lang ang nakikita niya.

Hindi naman importante kung yon at yon ang nakikita niyang scene eh. Hindi importante sa akin kung iyon pa lang ang naaalala niya. Ang mahalaga, may chance na na maibalik ang memorya niya. Nararamdaman ko yon. At naniniwala ako roon.

Pinatay ko na ang shower nang matapos akong magmuni muni at lumabas na para makapagbihis. I need to go to school early today. Kasi naman. Nagpromise ako kay tita na turuan si Calli ng mga namiss niya kaya manghihiram ako ng notebook at book kay Jade, classmate ko sa isang subject. Nerd kasi siya at mahirap hagilapin. Ilag yata sa tao? So ayon. Sabi nina Grace, maaga daw pumapasok yon kaya subukan ko raw na pumasok ng maaga para makapanghiram. Hays.

Anyway, alam kong magiging nonsense yung effort ko dahil makakalimutan niya din naman, pero bakit ba? Why not try hindi ba? Malay naman natin, baka may maalala siya nang dahil sa pagtuturo ko?

"Jade!" sigaw ko matapos ko siyang makitang naglalakad sa corridor. Lumingon naman siya agad kaya tinakbo ko na ang distansiya namin.

"Ahm... Err..." panimula ko. Tsk. Naiilang kasi ako sa kanya. Hindi din siya makatingin sa akin ng maayos. Ang likot ng mata niya. Anti social ba talaga tong tao na to? Loner na loner? Tss.

"W-what?" aniya.

"Manghihiram lang sana ako ng ano... Notebook and book? Kulang kasi ng lecture yung akin eh."

"A-ah. O-okay. Sama ka n-na lang sa akin, kukunin k-ko lang sa locker k-ko." agad siyang tumalikod at hindi man lang ako hinintay matapos niyang sabihin iyon kaya sumunod na lang ako.

"Ito na lahat yon?" tanong ko nang maiabot niya na sa akin yung mga hinihiram ko.

Napatingin ako sa dala dala ko. Apat na makakapal na notebook at Tatlong book din na sobrang kapal. I heaved a sigh.

Tumango lang siya sa akin.

"Isauli mo n-na lang kapag natapos k-ka na." anito at naglakad na palayo.

"Jade!" hiyaw ko kaya't lumingon siya. "Salamat!" then I smiled at her. Nginitian niya din ako kahit na halatang ngiting naiilang ang ibinigay niya at saka na siya tuluyang umalis.

Tumalikod na din naman ako at nagpunta sa locker ko para ilagay muna doon yung mga hiniram ko. Duh! Wala naman akong balak dalhin yon buong maghapon no! Ang bigat kaya!

"Parang pagod na pagod ah?" salubong sa akin ni Tristan nang makapasok ako ng room.

Ang aga namang nambubulabog ng isang to. Tsk.

"Naglakad ka ulit papasok? Sabi nang tawagan mo lang ako tapos isasa--" pinutol ko na ang sinasabi niya.

"Hindi ako naglakad. Nagbuhat lang ako ng makakapal na libro." I said as I lazily sat down. "Remember, tuturuan ko si Calli?"

"Uh. Yeah. Oo nga pala, may naalala pa ba siya bukod don sa sinabi mo sa amin?" umiling lang ako. Oo, alam nila yung nangyari na may scene na na naaalala si Calliper.

"Hmm. Okay lang siguro yon. Baka next time, pag gising niya, makaalala na siya ng mas marami oh di ba? Or the best kung isang araw, bem! Maalala niya na lahat." anito ng may kasama pang pagpalo sa desk. Psh. Nagulat tuloy yung natutulog kong diwa. Naks!

"Yeah. Yeah. I don't lose hope." ani ko sabay ngiti. Totoo naman hindi ba? Hinding hindi ako mawawalan ng pag asa.

"F*ck off! Ano ba Yam! Sabi ng bitiw!" napalingon kami sa pintuan nang pumasok doon sina Liam at Abegail nang nag aaway.

"Tumigil ka na sabi Gail! Hindi ko gusto yang ugali mo na yan ha!"

"Oh c'mon Liam Rogue! Kailan mo ba ako nagustuhan?! You actually hate every part of me! From head to toe! Yang maharot lang naman na yan ang magaling sayo hindi ba?! Yan lang!" nagulat ako nang bigla niya akong hitakin patayo.

Damn! Masakit yon ah!

"Alam mo kung bakit hindi mo ako mapansin? Alam mo kung bakit hindi mo ako makita? Huh, Liam?!" anito sabay pinanlisikan ako ng mata. "Because you are looking at this b*tch!" natumba ako nang marahas niya akong bitiwan.

"Abegail! Ano ba?! Pwede bang huwag mong isisi kay Arithia huh?! You're so unreasonable!" itinayo kaagad ako ni Liam. "You okay?" he said. Punong puno ng pag aalala ang mukha niya. I just nod.

"Oh, how sweet! Iba rin talaga ang kati mo Arithia hano?!" hinitak niya ako palayo kay Liam sabay sampal sa akin.

"Oh, sh*t! Ano bang problema mo ha?!" I hissed. Siraulo ba tong war freak na to?!

"You're asking what's my problem huh?! Really?! You are my problem! You b*tch!" nasampal ko na siya nang dahil sa sinabi niya.

Sumosobra na siya ah!

"How could you!" akmang susugurin niya ako pero hinarang agad siya ni Liam.

"Pwede ba Gail! Tama na!" patuloy pa rin sa pagpupumiglas ito.

"You ruined our relationship!" ani Abegail at hindi niya na napigilan ang luha niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak. "Nang dahil sayo! Nang dahil sayo, lalo na akong hindi mapansin ni Liam!" napaupo na siya.

"A-ano bang ginawa ko?" taka kong tanong. Litong lito pa rin ako kung bakit ako nadadamay sa away nila.

"Can't you just state the truth?! Hindi mo ba makita huh?! Or sadyang t*nga ka lang talaga?!" anito sabay pahid sa luha niya pero patuloy pa rin ito sa pagtulo. "Gusto ka ni Liam! D*mn! Ako na matagal niya nang kasama, botong boto ang parents niya sa akin! Pero ikaw na sa isang par--"

"Itigil mo na yan Gail!" putol ni Liam sa sinasabi niya.

"Why?! Natotorpe ka ba Yam?! Nahihiya ka na nalaman niyang may gusto ka sa kanya huh?! Tumitiklop ka?! Lalaki ka ba talaga huh?! Itong b*tch na 'to ang--" lahat kami nagulat nang dumampi ang kamay ni Liam sa pisngi ni Abegail. Nanlaki ang mata ko sabay ng pagtutop ko sa bibig ko.

"Argh!" anito sabay ng malakas na pag iyak. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni Abegail. Physical and emotional pain was drawn all over her face. At sa kauna unahang pagkakataon, naawa ako sa kanya.

Pinahid niya ang luha niya kahit wala iyong silbi dahil nag uunahan pa rin ang mga ito sa pagbaba sa pisngi niya. Dali dali siyang lumabas ng classroom.

"Sundan mo siya." utos ko kay Liam kaya't tumingin siya sa akin.

"Ano bang--"

"I said, follow her." seryoso kong sabi.

Palabas na siya ng classroom nang pigilan ko siya. Gusto ko lang kasing malaman kung totoo ba.

"Is she saying the truth? G-gusto mo ba--"

"Gusto kita. Gustong gusto." nginitian niya ako kasabay ng pamumula ng mukha niya.

O-kay...

"And I will do everything for you. I'll pursue you Arithia. Ganon kita kagusto. Kahit alam kong diyan sa puso mo, malaki ang tyansang matalo ako."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi na ako nakapagtanong pa dahil tuluyan na siyang lumabas ng room.

"Gusto kita. Gustong gusto."

Naiwan akong nakatingin sa pintuan. Lahat naman sila ay bumalik lang sa kani-kaniyang gawain na para bang walang nangyari. Pero ako?

Nakokonsensya ako...

Naaawa ako kay Abegail...

Oh sheez Arithia...

Anong ginawa mo?

-----

[A/N:]

Unang una po sa lahat at hindi sa huli... Sorry sa mga bad words mga dear.😓 Nilagay ko po yon para kasi intense. Haha.😅 So ayon. Salamat sa mga dear na patuloy pa ring nagbabasa ngayon.😊 Vote and Comment ha? Saranghae!😙💕

                               sincerely yours,
                                           (just me) weonni♥

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now