CHAPTER 27

30 3 0
                                    

CHAPTER 27: Try

Four months later...

Sumimsim ako sa frappé na nasa harapan ko habang matamang pinapanood ang mga taong naglalakad sa labas nitong coffee shop. Napabuntong hininga na lang ako bago ibaling ang atensyon sa orasang nakasabit sa dingding nito.

Walanjo naman kasi si Tristan at Grace eh. Sukat ba namang isabak ako sa blind date ng walang pasabi. Hays.

Naubos ko na lang ang frappé na iniinom at patayo na sana ako ng bumukas ang pintuan ng coffee shop.

Noong una ay hindi ko makilala kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ito sa akin. Palinga linga ito at tila may hinahanap hanggang sa mapabaling siya sa gawi ko. Halos mapaluwa ang mata ko nang makilala kung sino itong pumasok.

"Uhm... Hi?" napapakamot sa batok na aniya habang papalapit sa akin.

"Hello." sagot ko sa kanya bago ako muling umupo. Well, may reason pa naman pala ako para magstay sa coffee shop na ito. Siguro ay makikipagkwentuhan muna ako sa kanya. Huli ko kasi siyang nakita ay noong namaalam pa ang pinsan niya.

"So, kailan ka nakabalik?" tanong ko habang matamang nakatingin sa kanya. Ngumiti naman ito sa akin.

"Last week lang. May inayos lang akong papers dito tapos baka bumalik na din ako ng Korea sa Sunday." anito habang alangang nakangiti. "Kumusta ka na?"

"I'm coping up." nginitian ko siya. Matapos ay napabaling ako sa bintana upang muling tanawin ang mga taong abala sa paglalakad. "Sinusubukan ko nang tuparin yung sinabi niya na subukan kong magmahal ng iba. Heto nga at isinet pa ako ng blind date ng mga kaibigan kong maloko." natatawa kong sabi bago muling tumingin sa kanya. Nakita kong natigilan siya.

"I-ikaw pala yung sinasabi ni Tristan na irereto niya sa akin?" anitong nakapagpatigil din sa akin. Maya maya pa ay natawa na lang ako habang mabagal na tumatango. "Oh damn that man! Kaya pala't sinabi niyang paniguradong hindi ko daw aayawan dahil ikaw pa 'yon! Oh sh*t." aniya at bahagyang ginulo ang buhok na mas lalo kong ikinatawa.

Grabe rin talaga ang kalokohan ni Tristan at Grace. Seriously? Sa lahat ng iseset nila ng blind date sa akin ay si Liam pa? Tsk. Mga baliw talaga.

"No wonder. Baliw iyong mga iyon eh." naiiling ko na lang na sabi sa kanya at sabay kaming natawa.

"So, you're into blind dates na talaga ha?" nakangising turan nito ng makabawi sa pagtawa.

"No, not really. Sila lang naman itong nagsiset ng blind date para sa akin. Sila lang naman itong nagmamadali." sabi ko at ibinaba ang kamay sa lamesa. "Sabi ko kasi sa kanila, kung talagang may darating ay meron, kung wala ay wala. Kung talagang nakalaan na magmahal ako ulit ng iba ay paniguradong may makikilala ako. Hindi na namin kailangan pang gawin itong pa-blind date blind date na ito kaya lang sila iyong mapilit."

"Well, gano'n siguro talaga ang mga kaibigan. They just want us to be happy kaya sila na ang gumagawa ng paraan dahil alam nilang himdi tayo kikilos." he chuckled. "Hay nako. Ginulat nila ako dito. Hindi ko akalaing ikaw ang napagtripan nilang itambal sa akin." napatingin siya sa akin at alangang ngumiti. Muli akong natawa.

"No. Ako itong nagulat. Ikaw pala itong ka-blind date kong akala kong mang-i-Indian sa akin!" pabiro kong turan sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Oy! Hindi ko gawain iyon ah. It's just that, traffic at idinaan ko pa sa super market si mom. I-I'm sorry." pabulong niyang sinabi iyong huli.

"Ano ka ba. Biro lang naman iyon. Alam ko namang hindi mo gawain 'yon. Pero kung sigurong iba lang 'yon at nalate o 'di kaya ay hindi ako sinipot, sasamain talaga sa akin 'yon." ani kong nakapagpatawa sa kanya.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now