CHAPTER 19

37 3 0
                                    

CHAPTER 19: To Seoul



"Sigurado ka ba talaga na tutuloy ka na sa Korea?" alangang tanong ni tita sa akin. Nginitian ko lang naman siya.



Hindi na mababago ang desisyon ko. Besides, para naman 'to kay Calli eh.



"Mukhang tuloy na tuloy na nga." aniya at naupo sa kama ko. Kalalabas ko lang kasi galing sa bathroom. Kakatapos lang maligo. Mamayang 6:00 pm na kasi ang flight ko papuntang South Korea. Seoul. Three weeks na simula nang sabihin sa akin ni tita Corine ang sinabi sa kanya ng doctor. Siya ang nag ayos ng lahat. Maging ang ticket ko ay siya rin ang kumuha.



"Nakaayos na ba ang mga dadalhin mo? Sakto na yung mga damit na nasa maleta for one week na pananatili mo don?" tanong niya. Tumango lang naman ako. "Tandaan mo, isang linggo ka lang don kaya kailangan, mahanap mo kaagad si Beatrice. Mag iingat ka don Arithia."



"Oo naman tita." sagot ko. "Huwag kayong mag alala, mahahanap ko kaagad si aunt Beatrice. At saka mag iingat ako don no. Kailangan ko pang makabalik dito para maibalik sa dati si Calliper."


Hinarap ko siya ng may ngiti sa labi. Nginitian niya naman ako pabalik bago niya ako hagkan sa pisngi at lumabas ng kwarto.



Napaka-thankful ko. Kasi kahit na wala na sina mama at papa, hindi ako pinapabayaan ni tita. Kahit na madalang niya akong kausapin, nararamdaman ko na minamahal niya ko na parang isang tunay niyang anak.


Lumabas na ako ng kwarto matapos kong mag ayos at pagkatapos ay nagpahatid ako kay tita sa hospital kung saan nananatili si Calliper. Doon na ako magpapalipas ng oras at pagkatapos ay kina Tristan at Grace na lang ako magpapahatid sa airport.


Kung tutuusin, parang wala namang kwenta na nananatili pa si Calli sa hospital na 'yon eh. Wala din namang nangyayari. Hindi naman nila mahanap ang solusyon kung paano magamot si Calli.



"Bye hija. Always remember that you should take good care of yourself. Baka pumunta ka ng Korea na ganyan ang hitsura mo tapos bumalik ka dito ng mukhang luka-loka ha?" natawa na lamang ako.



I hugged her.


"Bye tita. Mag iingat nga po ako don. Ayaw ko naman magmukhang chaka no, baka pagbalik ko eh hindi na ako magustuhan ni Calli." we both laughed sa kagagahan naming dalawa. Minsan talaga, may itinatago din 'tong si tita.



Bumaba na ako ng kotse dala-dala ang maliit kong maleta. Hindi na makakasama si tita sa paghahatid sa akin sa airport mamaya dahil may aasikasuhin pa siyang trabaho.



I opened the door at matapos kong isara iyon. Nang makapasok na ako ay agad akong naupo sa tabi ni Calliper. The four corners of the room is filled with deafening silence. Tulog silang lahat. Sina tita Corine, Tristan at Grace. Siguro ay pagod sila. Halos dito na kasi kami tumirang lahat, yun nga lang, ako, pinapauwi nila ako dahil kailangan ko daw magpahinga. Para hindi daw haggard ang hitsura ko kapag binungaran ko si Calliper. Pero agad din naman akong bumabalik. Naliligo lang ako at kung minsan pa nga ay nakakalimutan ko nang kumain.



Inihinto ko ang maleta sa tabi ng kama ni Calliper at tahimik siyang pinanood.



Natutulog na naman siya. Linggo na naman ang bibilangin ko bago ko makita ang mga mata niya. Bago ko marinig muli ang pagtawa niya.



Hinaplos ko ang pisngi niya. Ni wala man lang siyang reaksyon. Kahit yata sigawan ko siya ngayon ay walang epekto at hindi ko pa rin siya mapapadilat.



Napabuntong hininga ako kasabay ng malungkot na pagngiti.



"Don't worry Calli, pagbalik ko galing Seoul, sisiguraduhin ko na babalik na sa dati ang lahat. Makakaalala ka na kahit hindi ka na matulog ng sobrang tagal. Gagawin ko lahat unggoy." natawa ako ng mahina. "Basta hintayin mo ako ha? Kapag hindi mo ako hinintay, kukutusan talag kita." inilipat ko ang kamay ko mula sa kanyang pisngi patungo sa kamay niya.



"Ayos na ayos ka na ah?" napalingon ako kay Tristan nang magsalita siya. Binigyan ko lang naman siya ng tipid na ngiti. "Sana mahanap mo kaagad ang tita ni Drake. Sana maging worth it yung pagpunta mo ng Seoul Arithia." seryoso ang tingin niya sa akin.



Ibinaling kong muli ang tingin ko sa tulog na tulog na si Calliper.



"Sana..." bulong ko, punong puno ng pag asa.



Sana...



"Bakit ba kasi ayaw mo kaming isama?" ani Grace. Nagising na rin.



Seryoso ko silang tiningnan.




"Alam niyo naman kung bakit hindi ba? Kailangan ko kayo dito. Hindi ba, kayo ang magsasabi sa akin king ano na ang nangyayari kay Calli dito habang wala ako? You'll be my eyes and ears here. Guys... Please understand."



"Pero kasi--"



"She's right Grace. Kailangan tayo dito." pagputol ni Tristan sa sasabihin niya. Hindi naman na muling nagsalita si Grace at tumahimik na lang kaming lahat.



Bumalik ako sa panonood sa walang malay na si Calliper.



Hindi na kami nagkwentuhan pa at maya maya lang ay inaya na ako ni Tristan at Grace para ihatid sa airport. Labag man sa kalooban ko dahil hindi ko man lang nakausap si Calli bago ako umalis ay wala na akong nagawa.




"Hintayin mo ako ha? Babalik ako kaagad. Kailangan lang muna kitang iwan ngayon. Para sa'yo din 'to Calli." hinagkan ko ang pisngi niya bago kami lumabas ng pinto at tuluyan umalis sa hospital.



-----




"Pa'no ba 'yan? See you na lang after one week?" ani Grace.



"Yeah. See you." niyakap niya ako samantalang nakangiti lamang si Tristan sa akin habang nakatingin sa amin ni Grace.



Humiwalay siya ng pagkakayakap sa akin.



"Gaga ka. Dali dalian mo ha? Kailangan mong makabalik kaagad. Naiinitindihan mo ba ako?" aniya naluha luha pa. Akala mo naman taon akong mawawala. Hays. "Sige na shoo." hinagkan niya ako sa pisngi at pagkatapos ay niyakap ako ni Tris.



"Oh, tama na 'yan. Alis ka na." hinatak niya ako palayo kay Tris kaya pareho kaming natawa ni Tristan. Selos si gaga. Hahaha.



Tumuloy na ako pagkatapos naming magkapaalaman.



-----



Pumikit lamang ako nang makaupo ako sa eroplano. Baon ang pag asang mahahanap ko kaagad ang tita ni Calli pagdating ko sa Seoul.



Ang pag asang sana, mahanap ko na ang sagot sa kalagayan ni Calliper...



Ang pag asang bumalik na sa dati ang lahat...



Pag asang maging masaya na kami sa wakas pagkatapos nito...



Para sa taong mahal ko... best friend ko...



'Para sa'yo 'to Calli.'



Iyan ang nasa isip ko bago ako tuluyan na hinitak ng antok...



-----



[A/N:]



Another UD!😁😅 Dahil natagalan ang update noong nakaraan ay babawi ako mga dear.😊 Sana nagustuhan niyo kahit na sobrang maikli lang. Continue reading lang ha? 'Wag sana kayong magsawa.😅 Vote and comment mga dear. Your every vote and comment means a lot.😊 Saranghae!😙💕

                               

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now