CHAPTER 26

33 4 0
                                    

CHAPTER 26: Acceptance

"Hahaha. Eh natandaan mo ba yung nung unang beses mo akong kinausap Arithia tapos sumabay ako sa inyon kumain ni Drake sa cafeteria? Kita mo yung reaction niya no'n? Halatang nagseselos eh." natatawang ani Tristan. Napailing na lang ako habang nakangiti. Yeah. Naaalala ko yon. Yun yung panahon na patay na patay pa ako kay Tristan. Funny though. Dati gustong gusto ko siya pero ngayon, wala na, simpleng kaibigan na lang ang pagtingin ko sa kanya.

"Yes. Naaalala ko. Yun yung panahon na gustong gusto pa kita. Grabe. 'Di ko maimagine na naging crush kita noon. Argh." natatawa ko silang binalingan ni Grace.

"See? Sabi sa'yo honey, malakas talaga ang dating ko eh. Tingnan mo, pati si Arithia noon eh tinamaan sa akin?" pagmamayabang niya kay Grace. Napairap lang naman ito.

Natawa ako sa naging reaction ni Grace. Sa totoo lang, halata mo naman na mahal nila ang isa't isa. Ni hindi nga siya umaangal kapag tinatawag siyang 'honey' nito. Hindi man nila aminin at hindi ko man tanungin ay alam kong may 'something' na talaga sa kanila. Duh, hindi naman ako gano'n kaslow para hindi mapansin no!

"Dito na ako. Pasok kayo?" paanyaya ko sa kanila nang makarating kami sa tapat ng bahay.

"Hindi na. Gabi na rin naman. May bukas pa." ani Grace. Yes, naabutan na nga kami ng dilim dahil ginusto kong bumawi sa kanila. After naming mag usap sa park ay nag aya sila na magmall, manood ng sine, maglaro sa time zone. Ibinalik namin kung ano yung kulang ko sa kanila sa nakaraang isang taon. Alam kong kulang pa iyon pero paunti unti kong pupunan iyon.

"Basta bukas ah? Sasama ka sa amin. You should at least visit him. Hindi ka pa nakapagpaalam ng maayos sa kanya." aniya at nakita kong lumungkot ang kanyang mga mata. "Sige, pumasok ka na."

Niyakap ko sila bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

"Oh? Nakausap mo na sila?" usisa ni tita nang makasalubong ko siya na pababa ng hagdan habang paakyat naman ako para pumunta sa kwarto.

"Yes tita. Okay na. I said sorry and the rest is history. Medyo madrama eh." natatawa kong sabi.

"Mabuti naman iyon hija. Oh sige, magpahinga ka na muna at bumaba ka maya maya para magdinner."

"No need tita. Kumain po kami bago umuwi." sabi ko kaya't tumango lang naman si tita at nagpatuloy na ako sa pag akyat.

Inilapag ko sa side table ang aking sling bag at matapos niyon ay hinubad ang sandals na suot ko at dumiretso na ako sa banyo. Mabilis ko lang na tinapos ang paliligo at agad akong nagbihis ng pyjjama.

Nagdive kaagad ako sa kama matapos magbihis. Ni hindi ko na nagawang patuyuin ang buhok ko. Nanatili lamang akong nakatunghay sa kisame habang nagmumuni muni.

Yes, tama sila. I should visit him. Alam kong kahit wala na siya ay nagkulang ako sa kanya. Ni hindi ko nagawang sumama at makiramay sa libing niya para makapagpaalam ng maayos. Hindi ko pa kasi matanggap noong panahon na 'yon. Hindi ko kayang makita na ibinababa ang kahong kinalalagyan niya sa ilalim ng lupa. Ayaw ko lang makita. Hindi ko kaya.

Bumaling ako para makita ang picture sa gilid ng side table. Buhay na buhay siya doon at maganda ang kanyang pagkakangisi habang nakaakbay sa akin. Parehong maaliwalas ang aming mga mukha.

"Siguro ay handa na ako." bulong ko sa aking sarili bago pumikit.

Sana... Sana talaga handa na akong tumapak sa lugar na kinalalagyan ng katawang panlupa mo...

Napahikab na lamang ako bago tuluyang hitakin ng antok.

-----

Pinatay ko ang maingay na alarm clock sa gilid ko matapos akong bulabugin niyon mula sa masarap kong pagkakatulog.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now