CHAPTER 4

65 6 0
                                    

CHAPTER 4: Missing Him

It's been a week since magtapat si Calliper sa harap ng maraming tao tungkol sa nararamdaman niya para sa akin. Isang linggo na rin ang nakakalipas matapos ang birthday niya. And one week na rin siyang hindi pumapasok. Hindi ko rin siya nakikitang lumalabas ng bahay.

Hindi ko pa siya nakakausap since that day. Marami pa kasi akong inaasikaso dahil Hell week na. Busyng busy na ako sa pagrereview at maraming tinatapos na requirements, isa pa, gulong gulo pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung may posibility ba na gusto ko din siya or mahal ko din ba siya o baka naman namimiss ko lang na may kausap na kaibigan.

Simula nung hindi pa siya pumapasok, naging tahimik rin ako, naging ilag din ako kay Tristan sa hindi malamang dahilan. Para bang wala akong gustong kausapin kahit na sino kung hindi si Calliper lang.

Nag aalala na rin ako sa kanya kasi kung kailan naman Hell week at saka pa siya naglaho. Nangangamba ko na baka hindi siya makapasa.

"Hey." I diverted my gaze at Tris na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Still thinking of Drake?" tanong niya. Ibinaling ko lang ang atensyon ko sa librong nasa harapan ko. Wala akong balak sagutin ang tanong niya.

"Cheer up Arithia. Baka naman may konting problema lang si Drake."

"If he has, he should've told me."

"Eh kasi, alam mo naman yung situation niyo di ba? Yung confession niya? Malamang lang na nahihiya sa'yo yun."

I sighed. Tama si Tristan. Paano ako malalapitan ni Calli gayong umamin siya sa harap ng maraming tao? Malamang din na iwasan niya ako. Hays.

I plugged my earphones in at naghanap ng music na up beat para hindi ko na maisip si Calli.

"Bakit di mo siya subukang tawagan?" ani Tris.

"I tried. Tinext at chinat ko na rin siya several times pero wala, ni seen hindi niya magawa sa mga chat ko."

"Puntahan mo na lan--"

"Pwede ba Tris? Iwan mo muna ako. I want to be alone." I said coldly. Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman siyang nakabawi at ngumiti at saka pinat ang ulo ko bago umalis.

Tsk. Dati gustong gusto kong kasama si Tristan, pinapangarap ko pa nga na makasama siya palagi eh, pero ngayon namang abot kamay ko na siya, at saka ko naman siya tinataboy at si Calliper na ang gusto kong makita.

Damn! What's happening to me?!

....

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumabas ng classroom para magpunta sa library. Masyado kasing maiingay ang mga classmates ko kaya hindi ako makapagconcentrate sa pagrereview, bukod pa sa iniisip ko si Calli, syempre.

Agad akong humanap ng upuan malayo sa pwesto ng librarian para makakapag-earphones ako kahit na nagbabasa. Masyado kasing mahigpit dito, hindi ka pwedeng makinig ng music kahit pa nakaearphones ka na at hindi ka naman nila maririnig. Tss.

Patuloy lang ako sa pagbabasa nang magring ang phone ko. Tsk. Kakapasok ko pa lang eh.

Dali-dali kong niligpit ang book at saka ibinalik sa bookshelf bago lumabas ng library.

"Yes tita?" I said as I answered the phone.

["Arithia, I just called you to say that I'm going to Palawan at baka next month pa ako makakauwi. Pero don't worry, nag iwan ako ng allowance mo sa table sa kwarto mo."]

Napakunot naman ang noo ko.

"Why are you going to Palawan tita?"

["There's just a little problem sa restaurant natin dito hija. Babalik naman ako agad, I'll try to go home bago pa ako mag one month."]

"O-kay tita. Ingat ka na lang po."

["Okay hija. You take care too huh? Bye."] she said as she ended the call.

Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na pabalik ng classroom.

Hays. Wala na nga si Calliper tapos aalis pa si tita. I have nowhere to go. Tsk.

-----

Agad kong binuksan ang ilaw sa salas nung makauwi ako. Ang tahimik ng bahay. Tsk.

Alam ko namang tahimik talaga ang bahay maski nandito si tita pero ako lang ba? Malamang kaya ganito dahil siguro nalulungkot lang ako.

Hindi na ako kumain at dumiretso na lang sa kwarto ko para makapaligo na at makahiga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa kung hindi problemahin ang hindi pagpasok at hindi pagpapakita ni Calliper.

Tumapat ako sa table para i-blower ang buhok ko then I logged in to my facebook account. Isang linggo na ding hindi nag oonline si Calliper.

My phone vibrated hudyat na may nagchat sa akin.

Mark Tristan Sanchez:

Hi Arithia! Fine now?

I pouted as I type my reply.

Me:

Nah. Seriously I'm not. By the way, I'm sorry kung nasungitan kita kanina. Pagod na pagod kasi ako kakareview at saka alam mo na.

I said, tinutukoy ko yung pag aalala ko para kay Calli.

Mark Tristan Sanchez is typing...

Mark Tristan Sanchez:

It's okay. I understand :) Hindi pa din ba kayo nakakapag usap ni Drake?

Me:

Nope. Hindi naman siya online eh at hindi rin nagrereply sa mga messages ko. Ni hindi ko nga siya nakikitang lumalabas ng bahay nila.

I slowly brush my hair while I wait for Tris' reply.

Mark Tristan Sanchez:

I texted him too but the sad thing is hindi rin niya nagawang magreply. Baka walang load?

I thought of that too pero kung wala siyang load, at least man lang, sana sinasagot niya yung mga tawag ko hindi ba?

Me:

Pero sana man lang, sumasagot siya sa mga tawag ko. Kailangan pa ba ng load when answering a phone call?

Mark Tristan Sanchez:

Haha. Ito naman. Think positive na lang kasi. May feelings ka rin siguro para sa kanya no? :(

Me:

Crazy. Best friend ko yun, it's normal na mag alala ako sa kanya. And what's with the sad face?

Mark Tristan Sanchez typing...

Mark Tristan Sanchez:

Hahaha. Wala. Baka you just miss him?

Natigilan ako. Parang alam ko na ang sagot kung bakit ako nagkakaganito.

Deym! Is it true?!

Patuloy lang kaming nagpalitan ng chat ni Tristan hanggang sa dalawin na ako ng antok. Now, I'm really sure kung bakit ang tamlay ng araw ko nitong nakaraan. Alam ko na kung bakit wala akong gana. I've found out why my past days had been gloomy.

It's because I'm missing him.

Not only as my best friend.

But because he's Drake Calliper Garcia.

-----

[A/N:]

Another lame chapter😔 I'm sorry mga dear, ang lame na tapos ang ikli pa. May problema si ate niyong Author eh. Pero please, keep reading. Leave a comment and please vote.😊 Pag iigihin ko pa for all of you. Saranghae mga dear!😙💕

sincerely yours,                          
(just me) weonni♥               

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now