CHAPTER 11

70 4 7
                                    

CHAPTER 11: Hands to Hold

Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad ako sa pathway. Sobrang saya ko ngayon dahil sa kahapon. Nakatulog din ako ng medyo maayos. Ewan ko ba, baka dahil wala na akong itinatago kina Grace at Tristan?

"Mukhang ang saya mo ngayon ah?" napalingon ako kay Tris nang magsalita siya mula sa likuran ko.

"Ang gaan lang ng pakiramdam ko. Baka dahil napakaswerte kong maging kaibigan kayo?" nakangiti kong sabi.

"Inuuto mo lang ako niyan eh." napailing at napatawa na lang ako sa sinabi niya.

"Gwapo daw yung isang exchange student from South Korea? Totoo ba?" excited na sabi ni Lauren, classmate ko.

Sobrang ingay sa room nang pumasok kami.

"Oo Ren! Kaya lang mukhang may girlfriend na eh. Kasama niya rin na exchange student. Maganda kaya lang mukhang mataray." dismayado namang sabi ni Hanah.

So dalawa pala silang exchange student? Hmm...

"Ang tsismosa mo girl ah?!" nabitiwan ko ang notebook na hawak ko nang biglang magsalita si Grace.

"Gosh! Ano ka ba Grace!" natawa naman siya sa reaction ko. "Ginugulat mo ako! At saka hindi ako tsismosa no. Hindi ko naman kasalanan na marinig eh, sa lakas ba naman ng boses nila."

"Hmm. If you say so." napairap na lang ako sa kanya.

Dadaldal pa sana siya kaya lang pumasok na si Ms. Pernia.

"Good morning class." bati nito.

"Good morning ma'am!" iilan lang ang sumagot.

"So I bet, narinig niyo na, na may exchange student tayo from Korea?" aniya. "So, dito sila magsstay sa inyo dahil tayo ang star section at sila ang kapalit nina Crystal at Geo. I hope, i-welcome niyo sila ng maayos." tumingin siya sa pinto kasabay ng pagpasok ni Liam at...

Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino yung kasama niya.

Teka, yan yung war freak na muntik nang sumampal sa'kin kahapon ah?!

"Go and introduce yourselves." utos ni ma'am kaya't nagsimula nang magsalita si Liam. Pigil na pigil naman yung tili ng mga kaklase kong halatang kilig na kilig na.

"Good morning everyone." panimula nito. "I am Liam Rogue but you can call me Liam or Yam. I am an exchange student from South Korea. I hope we can get along well." sabi niya sabay ngiti. Muntik namang himatayin yung mga kaklase kong babae. Tss.

Siniko naman ni Liam yung war freak na katabi niya. Psh.

"I am Abegail. Abegail Sanchez. Liam's future girlfriend." aniya sabay tapon ng matalim na tingin sa mga kaklase ko.

Mukhang madadagdagan ang b*tch dito sa school. Joke! Kahit totoo. Haha.

Pinaupo naman na sila ni Ms. Pernia. Si ateng war freak na Abegail daw ang pangalan ay pinaupo niya sa dating upuan ni Crystal na katabi ni Axcel. Samantalang si Liam naman ay pinaupo sa dating upuan ni Geo na katabi ko.

Wait... What?! Katabi ko?!!

"Uhm, hi?" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Hello." pagbati ko na lang din. Naupo na lang naman siya at hindi na nagsalita pa. Nahalata niya siguro na naiilang ako sa kaniya.

Natapos ang klase nang hindi ako dumadaldal. Ang hirap pala kapag hindi mo pa gaanong kilala at hindi kaclose yung katabi mo, hindi ka man lang makapagsalita!

"Yam, tara na?" ani Abegail nang makalapit siya sa amin. Nanlaki yung mata niya nang mapatingin siya sa akin pero agad nagbago ang ekspresyon niya at tinaasan ako ng kilay.

Remember the Girl named ArithiaWhere stories live. Discover now