Ten: Si Ariella at Adrielle

119 6 5
                                    

HABOL ANG hininga na binuksan ni Kell ang kanyang mga mata. He cringed. Ang liwanag ng silid na kinaroroonan niya kaya nasilaw siya dahil sa biglaan niyang pagdilat. Hindi pa siya komportable sa kung saan siya nakahiga. Parang foam na nasiksik na nang todo kaya hindi na malambot. Ang sakit sa likod, fre.

            Ipinaling niya ang ulo sa kanan. Nasiguro niya na nasa loob siya ng clinic ng school nila nang makita niyang nakaupo sa desk nito si Nurse Shasha. Nang makita nitong nakatingin siya rito ay ngumiti ito ngunit hindi man lang ito lumapit sa kanya—na dapat ay ginawa nito dahil isa siyang pasyente na natamaan ng Frisbee sa noo.

            Ngayong naalala na niya kung bakit siya naroon ay bigla siyang napabangon para lang mapamura. Mariin siyang pumikit saka niya hinawakan ang kanang bahagi ng kanyang noo at umiling-iling dahil sa pagkahilo at pagkirot ng sugat niya.

            “Ayos ka lang?” nag-a-alalang tanong ni Nurse Shasha sa kanya.

            Nagtataka pa rin siya kung bakit hindi ito lumalapit sa kanya. Pakiningshet! Lapitan mo 'ko, Nurse! Medic! Medic! Parang mahihimatay ulit siya. Ano ba talaga ang tumama sa noo niya? Frisbee o hollow block?

            Huminga siya ng malalim habang nakapikit pa rin. Sapu-sapo pa rin niya ang kanyang noo na nakirot.

            Teka, nasaan na si Haru? Si Jigger? Ayos ba ang lagay nito? Hindi na niya kasi nalaman kung ano ang nangyari rito matapos siyang himatayin.

            Nakakahiya ka, tukmol. Bwa-ha-ha-ha-ha!

            He growned. Nakakahiya nga. Ang lakas ng loob niyang saluhin iyong Frisbee at magpakabayani tapos mahihimatay siya? Ow, come on… Give me a break!

            “Tapos ka nang mag-internalize, tukmol? Wala ka pa sa langit at lalo wala ka pa sa impyerno.”

            Ang nangungutyang boses na iyon ang humila sa kanya sa realidad ng buhay niya. Marahas na nilingon niya si Jigger na nasa kanan lang pala niya at pwerteng nakaupo sa gilid ng kama na katabi ni hinihigaan niya.

            Her arms were crossed as well as her legs—na kumukuya-kuyakoy pa—and her hair was messy. Para bang kababangon lang nito sa hukay—ah este, sa higaan.

            “Natulog ka d’yan?” tanong niya.

            Umangat ang isang kilay nito. “Hindi. Humiga lang. Alangang matulog ako dito, gabi na ba?”

            May ginawa ba siyang mali at bakit pakiramdam niya ay galit sa kanya si Jigger? Iniligtas na nga niya ito tapos pipilosopohin siya nito? Aba, matinde. Eh, kung hindi niya kaya ito iniligtas kanina?

            Edi kargo de konsensya mo pa.

            Oo nga, 'no? “Simpleng ‘thank you’ lang ang kailangan ko, Jigger.”

            Napakurap-kurap ito. Pumormal ang ekspresyon nito at nakita—o na-imagine lang siguro—ang pagkapahiya na dumaan sa mga mata nito. She pursed her lips then bit it. Yumuko ito saka nagsabi ng mahinang “thank you.”

            Napangiti siya. Ang cute nito kapag nahihiya. Namumula pa ang pisngi.

            “Huwag mo nga akong titigan nang ganyan.” Singhal nito sa kanya makalipas ang ilang sandali.

            Inosente niyang pinalaki ang mga mata. “Bakit? Paano ako tumingin sa 'yo?”

            “Basta! Baka gusto mong dutdutin ko 'yang sugat mo.”

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now