Eleven: Jennifer is the Name

115 7 3
                                    

HINDI MAIPINTA ang mukha ni Kell habang pinagmamasdan ang dalawang taong nag-uusap malayo sa kinauupuan niya—more like, pinagkukublian niya. Kung siya lang siguro si Cyclops ay kanina pa niya sinunog ang likod ng walanghiyang Adrielle na iyon.

            Lalong nagngitngit ang kalooban niya nang makita niyang umangat ang kamay nito papunta sa likod ni Jigger na para bang inaalalayan nitong maglakad ang dalaga. She’s not disabled damn it. Stop touching her! Pero parang wala lang kay Jigger ang paghawak ni Adrielle dito, at talagang tumawa pa ito sa kung ano ang sinabi ng Hudas na iyon!

            Bakit naman kasi magkakilala ang dalawang iyon? Nabubwisit na siya. Kinuha na lahat ng Adrielle na iyon ang oras na nakalaan para sa kanilang dalawa ni Jigger. Hindi na niya ito nai-tour sa campus nila!

            Sumimangot siya. Kanina pa niya sinusundan ang dalawang iyon dahil mula nang magkita ang dalawa kanina ay hindi na mapaghiwalay ang mga ito. That was pissing him off. Hindi siya sanay na may ibang tao na kinakausap si Jigger bukod sa kanya.

            He thought that Jigger was a loner and didn’t have any friends… or a friend for that matter. Obviously he was wrong. And obviously, he really didn’t know her enough to know that she have someone who made her smiled and laughed like that.

            At may isa pang masakit na katotohanan, isang mahalagang bagay na dapat ay sa simula pa lang ay alam na niya. O inalam man lang sana.

            Jigger’s name was not really “Jigger.” Her real name was “Jennifer.” She was “Jennifer Hortaleza.”

            He silently cursed. Tapos ngayon ay hindi niya rin alam ang middle initial nito. Anong klaseng lalaki siya? Hindi ba’t ang sabi niya ay may gusto siya rito kaya bakit hindi niya inalam ang mga iyon? That’s important, dammit!

            “Kanina ka pa nagmumukmok d’yan, Kell. Kung bakit naman kasi hindi mo pa siya hilahin pabalik sa 'yo at sabihan mo si Adrielle ng ‘Pakyu ka, pare. Go to hell. This is my girl. Stop talking to her.’” Suhestiyon ni Haru na nasa tabi niya. May hawak itong isang mahabang sanga ng kahoy na napulot nito sa kung saan. “Saka bakit ba ako nandito? Bakit ako nagtatago kasama ka dito sa likod ng punong 'to? Ang init, a? In fairness.”

            “Shh!” Pagsaway niya rito. “'Wag kang maingay d’yan at baka makita nila tayo.”

            “Gawin mo na lang kasi ang suggestion ko para hindi ka na naghihirap d’yan.” Bagot na dugtong nito. “Pinagpapawisan na 'ko nang malagkit dito, Kell. Sisingilin kita ng maraming towel at Johnson’s baby powder. Tapos kapag nagkasakit ako ikaw ang pagbabayarin ko ng hospital bills. Tapos nagugutom na rin ako, pakainin mo na 'ko, Ke—”

            Bago pa nito maipagpatuloy ang pagsabi nito ng kung anu-ano ay ipinakain na niya rito ang panyo niyang binunot niya mula sa kanyang back pocket. Ang ingay-ingay. Hindi niya gusto ng ingay ngayon dahil nagco-concentrate siya sa pagpatay kay Adrielle sa isip niya.

            Haru made ruffled sound from his back. Saka niya naramdamang pinalo siya nito ng kahoy na hawak nito.

            Hinarap niya ito saka sininghalan. Idinura nito sa mukha niya ang panyo. “Hindi ko sinabing pakainin mo 'ko ng panyo. Kailangan ko ng tunay na pagkaeeeen!”

            Nabubwisit na nilamukos niya ang mukha nito. “Tahimik sabi!”

            Nakangusong tuluyan nang naupo sa lapag si Haru saka madramang niyakap ang kahoy. Eksaherado nitong pinalungkot ang mukha. “Hindi mo na 'ko mahal, Tristan Kell.” Itinuro nito ang direksyon nila Jigger at Adrielle. “Siya na ang bago mong mahal. Hindi na ako. Hurt-hurt ako. Paano na ang bromance nating dalawa? Paano na ang Haru-Kell ship ko? Lulubog na ba?”

Jigger HortalezaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang