Interview, Announcement, Recommendation

81 4 3
                                    

November 3, 2014 1:00 PM. Outdoor Pool, Edison Mansion

 

Maarteng hinubad ko ang suot kong tigsi-singkwentang RayBan shades saka mas pinag-igi ang paghiga sa chaise lounge na nasa gilid lang ng infinity pool. Yes, people. May malaking infinity pool dito sa mansyon ng mga Edison. Feel na feel ko ang karangyaang hiram, huwag kayong mag-alala, nagpaalam naman ako kay Haru. Hindi nga lang ako pinayagang magsuot ng two piece o trunks para daw hindi masagwa. Hahaha!

Napabalikwas naman ako ng bangon at pakiramdam ko kinuha na 'ko ng langit nang may biglang magbuhos ng isang timbang tubig sa mukha ko. “Hayooop!”

At naghagalpakan ang dalawang tukmol na nagmamadaling tumalon pabalik sa pool. Alam nilang hindi ako susunod sa kanila kasi hindi ako marunong lumangoy. Tumayo na ako at nag-wiggle-wiggle para mawala ang tubig na pumasok sa ilong ko. Pakshet! Ang sakit! Nilamukos ko ang mukha ko at suminga-singa. “Bwisit kayong dalawa!”

Tumawa si Haru na wet look. Do you want me to describe how he looked right now? You want? Yie~ Poker faced. I won’t. Tukmol sila pareho ni Kell na wet look din ngayon. At katulad nga ng sinabi ko hindi ko sila ide-describe! Manigas kayo!

Naupo ako sa gilid ng pool at isinawsaw ang mga paa ko roon. Nanguyanguyakoy pa. “Interview-hin ko kayong dalawa.” Walang sumagot. Bastos kasi silang dalawa. Nang magsimula na kasi akong magsalita, sabay pa silang sumisid. I snorted. Ako, na siyang gumawa sa kanila, hina-hard nila? Wow.

Anyway, “I held the monopod and set the cell phone on video, front cam. I started to speak. “Karamihan ng mga estudyante ng SMU ay nagsisipasukan na ngayong araw na 'to—”

“Next week pa ang official start ng class!” sigaw ni Kell.

“O, next week daw pala. Sorry naman, taga-SLAC kasi ako at hindi sa SMU. Grr. Sinisira niyong dalawa ang momentum ko!”

“Huwag mo kasing titigan ang abs namin ni Kell.”

“I am not at simula ngayon, wala na kayong abs. Buburahin ko 'yon sa descriptions niyo.”

“Huwaaaag! Paano na lang ang mga fans girls ko?”

“May fan girls ka, Haru? Wala kayang nakakakilala sa 'yo.”

Sasabuyan niya sana ako ng tubig kaso ipinakita ko sa kanya ang cell phone na nakakabit sa mono pod. Cell phone niya. Nang-aasar na sumipol ako, sintunado. “So, I am saying na kapag may narinig pa akong salita mula sa inyong dalawa, buburahin ko na kayo sa mundo. Arasseo?”

“Oo na.”

“Tristan Kell Sirculo.” Tumayo ako at lumapit sa kanya. Isinet ko naman ngayon ang video para sa back cam at itinutok iyon sa kanya. “Tapos na ang story niyo ni Jigger, anong comment mo?”

Suminghal siya. Sininghalan niya 'ko! Buburahin ko ang isa niyang mata! “Tapos na 'yon? Masasabi mong tapos na 'yon eh hindi naman kami nagkatuluyan ni Jigger? Ang unfair. Natapos lang ang story na pumayag siyang liligawan ko siya, ano kaya 'yon?”

“Tapos na 'yon. May “wakas” na nga, eh. Hindi mo ba nabasa?”

“Nabasa. Pero bakit nga gano’n? Magpaliwanag ka! Magpaliwanag ka, Ayan! Ipaliwanag mo rin kung bakit kamukha mo si Diana!”

Abs, isang mata, at ngayon, dila naman ang buburahin ko sa kanya. “Wala akong panahon para magpaliwanag.”

“Ako ang magpapaliwanag.” Inakbayan ni Haru si Kell. “Kaya sa ligawan tinapos ang story niyo ni Jigger kasi hanggang ligawan stage lang kayong dalawa. Magfo-focus kasi si Jigs sa pag-aaral kaya hindi na niya pinansin ang efforts mo. Tanggapin mo na lang, Kell, na hanggang doon lang talaga ng love story niyo. Tragic.”

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now