Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee

112 7 3
                                    

NAKITA NI Kell si Jigger na marahang naglalakad sa hallway ng pinakaunang building ng SMU mula sa main gate. May kagat-kagat itong kung anong pagkain habang ang ulo ay nakapaling, parang may pinagmamasdan.

            Tinawag niya ito. “Jigger!” Ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Malamang na nakapasak na naman sa tainga nito ang earphone nito at nakikinig sa punk-rock music.

            Tumakbo siya.

            “Kell!” Mula naman sa likuran niya ay tinawag siya ni Haru. Sinundan pala siya nito.

            Nang mabasa niya kasi ang laman ng mensahe sa kanya ni Jigger ay agad siyang nagtatakbo papunta sa main gate dahil ayon dito, nandito na ito sa school nila. Sa school nila mismo! Pasaway na babae. Ang sabi nito ay magpapasundo ito sa kanya!

            Baka na-misinterpret mo ang pagpapasundo niya?

            Natigilan siya. Posible nga kayang na-misinterpret niya ang sinabi nito? Na magpapasundo ito sa kanya hindi mula sa bahay nito at mula lang sa gate ng school?

            Ang tanga niya. Ni hindi niya naisip ang posibilidad na iyon.

            Excited ka kasi masyado, tukmol.

            Humihingal na tumigil siya sa pagtakbo nang makaapak na siya sa hallway ng building A. Sa hindi kalayuan ay nakasandal si Jigger sa haligi at nakayuko. Napakunot ang kanyang noo. Ano ang ginagawa ni Jigger doon?

            Nagsimula na siyang maglakad papalapit dito kaso gumalaw din ito, naglakad at naupo sa likod ng haligi at animated na nakipag-usap sa kung kanino. Ngayon niya rin lang napansin ang isang kadena na nakalatag sa lapag horizontally.

            Nakakapagtaka. Anong ginagawa ng isang kadena sa lapag ng hallway?

            Patibong?

            “Huy, Kell.”

            Pero hindi na naman niya pinansin si Haru at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinapupwestuhan ni Jigger. Tumigil siya sa tapat ng haligi at sumandal doon. Tatlong pares ng mga mata ang nag-angat ng tingin sa kanya. Ang isa ay mula sa kabilang bahagi ng hallway katapat ng isang babae na katabi ngayon ni Jigger. Hindi siya maaaring magkamali… Ang dalawang babaeng kasama ni Jigger at may hawak ng magkabilang dulo ng kadena ay walang iba kundi ang mga babaeng nanghuli kay Haru noong nakaraang taon.

            Narinig niya ang pagsinghap ni Haru mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito.

            “Kayo na naman?!” nanlalaki ang mga mata na sigaw nito at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang babae.

            Nakakatakot na ngumisi ang babae na katabi ni Jigger. Hanggang balikat ang wavy nitong buhok at ang mga mata nito ay almond-shaped. “Hi, Haru-Haru. Kumusta?”

            Tumabi sa kanya si Haru at kinikilabutan na pinagmasdan ang kadena. Marahang sinipa nito iyon. “Ito pa rin ang gamit niyo? Nangangalawang na, ah?”

            “Syempre,” sabi naman ng babaeng nasa kabilang side. Mahaba naman ang buhok nito at tuwid, itim na itim, hindi katulad nitong katabi ni Jigger na may streaks ng brown. “Ito ang lucky charm namin ni Diana, marami-rami na ang lumipad na hotties dahil sa kadenang ito.” pagpapatuloy nito saka humagikgik.

            “Korek ka d’yan, Tini.” Itinaas ni Diana ang kanan nitong kamay saka sinabing, “Apir!”

            Tumawa si Tini at itinaas naman ang kaliwang kamay. “Apir!”

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now