Seven: Feeling ng Namboboso

165 5 5
                                    

MAGKATABI SI Kell at Jigger na nakaupo sa loob ng 7 Eleven sa may kanto ng Landayan. Nginangata niya ang malaking Asadong siopao na binili niya at panaka-naka ay humihigop sa Slurpee na ipinares niya roon. Si Jigger naman ay tahimik rin lang sa tabi niya habang kumakain ng siopao din, Bola-Bola nga lang ang kinuha nito, habang Gatorade naman ang panulak—iyong kulay yellowish green. Hindi niya kasi alam ang flavor na iyon.

            Tahimik lang silang dalawa habang pinagmamasdan nila ang mga taong naglalakad, tumatakbo, namimili, at nakikipagtawaran sa mga tinderong ayaw magpatawad.

            Biyernes. Iyon ang araw kung saan buhay na buhay ang negosyo ng mga tao sa lugar na iyon. Iyon lang kasi ang araw na malayang nakakapagtinda ang mga tao sa loob ng isang linggo—ayon kay Jigger.

            Katatapos lang ng misa at dumiretso sila ni Jigger sa 7 Eleven dahil una, nagugutom na siya. Pangalawa, nagugutom na si Jigger. At pangatlo, nag-demand ito na manlibre siya. Kawawa talaga ang wallet niya kapag ito ang kasama niya. Ang mamahal ng pinapabili.

            His shoulders sagged as he sighed.

            Ang nakapagtataka ay hindi man lang siya nagreklamo nang magpalibre ito. Siya kasi ang tipo ng tao na hindi mahilig manlibre—si Haru ang palaging nanlilibre—at palaging may plano siya para sa pera niya. Kumbaga, para siyang ekonomista, lahat ay may pinaglalaanan.

            Pero naiiba ang sitwasyon kapag ang babaeng ito ang kasama niya. Nawawalan siya ng pakialam sa ibang bagay at ang mahalaga na lang ay ang ma-please niya ito.

            Did that make him an idiot?

            No, he guessed not.

            A pervert, then?

            No! Dammit. Bakit napasok na pervert siya? Hindi siya pervert!

            Wooo. Hindi raw. Eh, hindi nga matanggal sa isip mo ang katawan ni Jigger na natatakpan lang ng towel, e. Wet look! Wet look, bebe!

            Pinigilan niya ang mapaungol sa inis. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang tainga—mabuti na lang at natatakpan iyon ng medyo mahaba na niyang buhok. Pinigilan niya rin na iuntog ang ulo niya sa mesa sa harap niya para lang matigil sa pag-flash sa utak niya ng eksena kanina.

            Si Jigger… Pababa ng hagdan, nakatapis lang ng tuwalya habang ang mga butil ng tubig ay pumapasada pababa ng katawan nito…

            Tang-ina! Nato-torture ang utak niya!

            This time napaungol na talaga siya sa inis at ibinagsak na niya sa pagkakataong iyon ang kanyang ulo sa mesa. Napaigik siya sa sakit. Pakshet! Napisa ang very lone, very large, at very pink niyang pimple sa noo na nagtatago sa likod ng bangs niya!

            “Hoy, Tristan Kell Sirculo, anong kagaguhan 'yang ginagawa mo?” tanong ni Jigger sa kanyang tabi. Halos hindi niya nga naintindihan ang tanong nito dahil mukhang puno ang bunganga nito nang magtanong ito. “Tigilan mo ang kananasa mo sa katawan ko, tukmol.”

            Maluha-luha siya nang iangat niya ang kanyang ulo. Ang hapdi! Buset!

            Kaysa naman ang itlog mo ang pisain ni Jigger dahil sa pagnanasa mo, tukmol.

            Hindi ko siya pinagnanasaan. Period! No erase!

            Humigop siya ng Slurpee. Walang hinga-hinga. At ang kinalabasan nasamid siya nang huminga na siya. Double kill! Woo-hoo! Ikamamatay niya nang wala sa oras ang babaeng ito!

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now