Eight: YOU LIKE HER!

102 6 2
                                    

SMU School Grounds, Foundation Week—1st Day

“ANG MAHAL naman n'yan!” narinig ni Kell na reklamo ni Haru sa isang second year student na nagbabantay sa stall ng Japanese goodies. “Hindi 'yan presyong tapat, ipasara niyo na 'to.”

            Napailing na lang siya. Alam niyang pinagti-tripan lang ni Haru ang estudyanteng iyon dahil mag-isa lang ang estudyante sa stall na binabantayan nito.

            Ito ang unang araw ng SMU Foundation Week kaya ang ginagawa nila ni Haru ay naglilibot sa mga magkakatabi na stall sa grounds para makitingin—at makibili, kung sakali. This was a yearly celebration at taon-taon ay may iba-ibang pakulo ang university. Ang nakakaengganyo pa ay hindi lang para sa mga estudyante ng SMU ang selebrasyon na ito dahil hinahayaan nilang makapasok ang mga outsider. And when he said outsiders, iyon ay ang mga non-students of SMU. Kahit sino. Kahit kailan. Kahit saan.

            Ngunit kadalasan ay tuwing sa pangalawang huling araw dumadagsa ang mga tao. Thursday. Iyon ang araw ng koronasyon sa tinatawag nilang SMU Hotties and SMU Sweeties. Ngayong taon na ito, may tig-pito silang kandidato para sa koronasyon. And fortunately, hindi siya nasali—Ehem.

            And it was not as if the candidates for that “pageant” willingly joined. Karamihan nga sa mga ito—lalo na sa mga “Hotties”—ay todo ang iling nang malaman nilang sila ang napili. Wala naman silang magagawa. The people—rather, the students—have spoken. Ang mga estudyante ang pumili sa kanila, ibinoto sila through surveys and online suggestions.

            Napailing-iling siya. Kawawa ang mga kandidatong iyon. Alam niya ang nararanasan ng mga ito dahil naranasan niya na iyon dati. Hindi siya nasali noon, okay? Si Haru. Last year. Hindi niya makakalimutan ang ekspresyon noon ni Haru sa kamay ng mga Accountancy at Criminology student na nag-join force para pagkakitaan ang mga naggagandahang kandidato at kandidata ng pageant.

            Paano?

            Nagtayo lang naman ng jail booth ang Criminology students at ang mga Accountancy students naman ang nagtayo ng marriage booth. Ang kinalabasan? Hinuhuli ang mga kandidato at ikinakasal kung kani-kanino. Ang ending? Ngarag ang mga ito at yumaman ang dalawang departamento.

            Ruthless, aren’t they?

            Parang human trafficking lang.

            Nakita niyang sumimangot ang babae. Namaywang pa. “Kung namamahalan ka, edi 'wag kang bumili.”

            “Hindi talaga.” But he knew better. Nakita niya ang longing look ni Haru sa isang potato chips na sa pagkakaalam niya ay ang potato chips na palaging ibinibigay dito ni Yurika.

            “Edi umalis ka na sa harapan ko, hindi ko kailangan ng reklamador na customer.” Sikmat pa ng babae.

            Napangisi siya. Lagapak ang kagwapuhan ni Haru. Ni hindi man lang kumurap ang babae habang pinapalayas nito ang kaibigan niya sa harap nito.

            Tinabihan niya si Haru saka binalingan ang babae. “Magkano ba 'yang chips, Miss?” tanong niya saka hinawakan ang tinutukoy niya.

            “Fifty pesos.” Sagot nito, nakaangat ang ilong sa ere.

            “See? Ang mahal. Beinte lang 'yan, e!” reklamo na naman ni Haru.

            “Eh, kasi, hindi 'yan tax free! Ano tayo, nasa Duty Free?” pabalang na sagot na naman ng babae kay Haru. “Nananaginip ka pa yata, Mister. Gising. Gising.” Nag-snap pa ito ng mga daliri sa harap ni Haru.

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now