Twelve: Confessions

114 7 1
                                    

“LEAD GUITARIST? Ikaw? Nila? Woah.” Napangangang usal ni Kell. “Totoo?”

            Dinutdot ni Jigger ang braso niya gamit ang mga daliri nito. Pagkatapos ay buong pagmamayabang na nagsalita ito, with matching taas-taas ng kilay at chin pa. “Oo. Bakit? Hindi ka makapaniwala, ano? Huh.”

            Nakangusong siniko niya ito. “Ang yabang mo, ah.”

            “Talaga.” Mapang-asar na tumawa ito. “At hindi ako nag-audition para sa kanila kasi kinuha talaga nila ako. I’m their first choice.”

            “Hindi ako naniniwala.” Inilayo ni Jigger ang box ng cookies nang magtangka siya kumuha. Ngunit dahil mahaba ang mga braso niya, kahit na anong gawin nitong paglayo ay nakakuha pa rin siya. Kumagat siya saka niya ito nginisian. “Hindi ka nila first choice. Wala lang silang choice kasi wala naman talagang nag-audition para sa role ng lead guitarist.”

            Hinampas siya nito sa ulo.

            “Aray! Nakakadalawa ka na, ah!”

            Pinandilatan siya nito. “Masakit?! Masakit?! Ha? Ha?! Ewan sa 'yo! Nagsasabi ako ng totoo!”

            “Oh. Oh!” On defense niyang usal. “Chill lang. Hindi na 'to mabiro.”

            “Because I really am not joking.” She snapped.

            Natigilan siya. He guessed that he went overboard. “Okay. Sorry po.”

            Natahimik silang dalawa. Pinagmamasdan nila ang mga pangyayari sa paligid; ang mga pabalik-balik na estudyante, mga nagtatawanan at nagku-kwentuhan. Ang mga booth, ang paglipad ng lobong nabitiwan…

            Gustong batukan ni Kell ang sarili. Ngayon lang pumasok sa isip niya na sa unang pagkakataon ay nagsalita si Jigger tungkol sa sarili nito. Kaya pala magaling talaga siya pagdating sa gitara. At maganda rin ang boses nito.

            Napabuntong-hininga siya saka umayos nang pagkakaupo.

            Minsan talaga, wala sa timing ang kakulitan niya. Ano na ngayon ang gagawin niya? baka nainis na nang tuluyan si Jigger sa kanya. Argh. Gusto niyang malaman ang naging buhay nito sa banda. Dapat niya ba itong sabihan na ituloy nito ang pagkukwento?

            Oo naman. Why not, chocnut? Iyon ang dapat niyang gawin. Paano niya malalaman kung hindi naman siya nag-i-inquire? It was high time that he let—or force—Jigger did the talking.

            Okay, breathe in… breathe out. Tae, kinakabahan siya.

            Bakit siya kinakabahan, eh, magtatanong lang naman siya?

            Hingang malalim ulit. Bugaaaa!

            Mula sa pagtingin sa mga happenings sa paligid ay sinilip niya si Jigger mula sa gilid ng kanyang mga mata. Patuloy lang ito sa pagkain ng cookies habang nakatingin sa kawalan.

            Umubo-ubo siya para kuhain ang atensyon nito. “Jigger…”

            “Hm?”

            “Kumusta ang buhay sa banda?”

            Sa tanong niyang iyon ay doon na siya tuluyan nitong nilingon. Inismiran siya nito. “Curious ka na ngayon?”

            Ngumuso siya. “Syempre. Ngayon ka lang nagkwento ng tungkol sa 'yo, e.”

            Muli siya nitong inismiran. “Huwag ka ngang ngumuso, hindi bagay sa 'yo. At saka bakit naman ako magkukwento? Nagtanong ka ba?”

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now