Four: Broken Heart, Gitara, Chaise Lounge

154 7 3
                                    

MAGANDA ANG naging simula ng araw ni Kell na nagsimula sa magandang gising niya na sinundan ng magandang mood ng kuya niyang bugnutin. Maging ang pagbyahe papasok ng university ay nakisama sa magandang mood niya.

                In short, every thing was smooth sailing. It was as if everything was falling into pieces. Sana lang ay magpatuloy buong maghapon ang magandang araw niya.

                “Ang sweet niya 'no? Grabe, sana gano’n din ang matanggap kong way ng pagso-sorry sa akin ng boyfriend ko.”

                Napalingon siya sa dalawang babaeng nag-uusap sa may likuran niyang table. Naroon kasi siya sa cafeteria at kasalukuyan niyang hinihintay si Haru na nasa klase pa nito hanggang ngayon. Sabay kasi silang magla-lunch dahil iginawa ito ng mama niya ng lunch. Napangiting napailing na lang siya. Mga babae talaga.

                “Bakit, nag-away ba kayo ng boyfriend mo?”

                “Tange, hindi. Mas gugustuhin ko pa rin na hindi kami nag-aaway 'no.” sagot ng babae. “Pero kung sakali lang naman, gusto ko, bongga ang paghingi niya ng tawad.” Nangangarap na bumuntong-hininga pa ito.

                Narinig niya ang tila nakukunsuming bumuntong-hininga naman ng katabi nito. “Oo na. Inulit mo na naman ang sinabi mo.”

                “Talaga? Pero, ang sweet talaga ni Goli kahapon…”

                He heard the other girl laughed. “Ang bantot talaga ng pangalan ng lalaking 'yon. Goliath?” Muli na naman itong tumawa.

                “Bumawi naman siya sa apelyido.”

                “So? That doesn’t change the fact na mabantot pakinggan ang pangalan niya.”

                “Ang sama mo.”

                “Ang masama, pumapatay.”

                “Tse. Pinsan ba talaga kita? Bakit magkaiba tayo ng ugali?”

                “Magkaiba? Talaga? Sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?”

                “Hmp!”

                Natahimik ang dalawa.

                Hindi naman sa tsismoso siya pero hindi naman niya mapipigilan ang tainga na mapakinggan ang pag-uusap ng magpinsan tungkol sa pagso-sorry daw ni Goliath—Goliath? Natigilan siya at napakunot ang noo. Iisa lang naman ang Goliath na kilala niya dito sa university nila at iyon ay…

                “Shit.” Kanyang naiusal.

                A shattering realization hit him. Kaya pala tumawag si Haru sa kanya kahapon at may gusto itong sabihin tungkol kay Ariella! Shit! Shit! Nagkabalikan na si Ariella at Goliath! Shit!

                “Ang sweet talaga…” Muling nagsalita ang babae at kulang na lang ay lundagin niya ito at alug-alugin para hindi na ito nambibitin! Aba! Hinihintay niya ang susunod na sasabihin nito! Kung makapagkwento akala mo naman, suspense, e, hindi naman!

                Narinig niya ang muling pagbuntung-hininga ng pinsan nito. “Kung gusto mo, pag-aawayin ko kayo ng kulugo mong boyfriend tapos pahihingiin ko rin siya sa 'yo ng tawad. The Goliath way.”

                “Eh! Manahimik ka nga, Sophie!”

                Napapalatak siya at napakamot ng ulo. Linsiyak! Nasaan na ba si Haru at nang may mapagtanungan na siya?! Kailangan niya ang isang reliable source dahil napa-praning na siya sa kaalamang hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay na status ng babaeng gusto niyang pormahan.

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now