Fourteen: Hugs and Heartbeat

106 7 1
                                    

PARANG KAILAN lang iyong unang gabi na naglakad si Kell sa daang ito pauwi sa bahay nila sa 11th street. Sa ganito ring oras. Maging ang ihip ng hangin ay ganoon din. Banayad. Hindi mainit, ngunit hindi rin malamig. Tumingala siya at napangiti. Katulad noong unang beses ay mabituin din ang langit. Isn’t this what they called “déjà vu”? Only it wasn’t.

            He halted on his tracks and looked at his front again. At Jigger’s back who was steps away from him.

            Hindi ba’t noong unang gabi na iyon ay naisip niya kung ano ang pakiramdam na kasama niya sa paglalakad ang taong gusto niya? Si Ariella pa nga noon ang bet niya pero nagbago iyon nang gabi ring iyon.

            Nang kausapin siya ni Jigger mula sa terrace ng kambal nilang kwarto.

            Nagsimula ulit siyang maglakad. Marahan lang dahil ayaw niyang sumabay dito. Hindi naman sa ayaw niya. Gusto niya kaya. Ang ayaw niya ay ang maibuko niya ang nararamdaman niya rito dahil sa panananahimik niya. Magtataka ito kung bakit hindi niya ito kukulitin.

            Bakit? Ngayon ba sa tingin mo hindi na siya nagtataka sa hindi mo pagsabay sa paglalakad niya?!

            Ugh.

            Pero kahit na. Hindi muna siya sasabay. Kinakabahan kaya siya. Baka mas lalo pa siyang mabulilyaso!

            He sighed. Ang hirap namang magkagusto sa isang babae. Lalo na kung sa isang Jigger Hortaleza ka magkakagusto. Nakaka-frustrate dahil hindi niya malaman kung ano ang nasa isip nito. Hindi niya malaman kung may nararamdaman din ba ito sa kanya o kung kaibigan lang talaga.

            He groaned.

            “Anong problema mo?”

            Natigilan siya. Tumigil pala si Jigger sa paglalakad kaya tumigil din siya. Nakalingon ito sa kanya at sa tulong ng liwanag mula sa streetlight ay nakita niya ang nagtatakang ekspresyon nito.

            Umiling siya saka sinabing, “wala.”

            “Si Haru ba 'yan?”

            He gave her a what-are-you-saying look. “Bakit mo naman naisip na si Haru?”

            Nagkibit-balikat ito. “Mukha kasing may problema siya. Sa mga magulang ba niya? O hindi siya masaya sa tinitirhan niya?”

            Ikiniling niya ang ulo. “Both?”

            “I see.” Tinalikuran ulit siya nito. “You know, kahit gaano kaganda ang bahay na iyon, hindi mo ako mapapatira doon.”

            Nagsimula na ulit itong maglakad kaya hayun ulit siya, sinundan lang ito.

            “Masyadong malaki iyon para sa akin. Isa pa, masyadong malungkot ang atmosphere no’ng bahay. Parang kahit na may nakatira hindi pa rin sapat. That is just a magnificent structure made to awe people.” Itinaas nito ang kanang kamay saka iwinagayway sa ere. “But is not house that is made for people to come home.”

            “And what is your ideal home?” tanong niya.

            “Ideal home?” Dagli siyang nilingon nito. “A home for me is like ours.”

            He sensed her smile when she said “ours.” Tumaas tuloy ang isang kilay niya. Anong ibig sabihin nitong “ours”? Nakatira ba sila sa iisang bahay? Mag-asawa ba sila?

Jigger HortalezaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon