Five: Ang Pahamak na ID

113 6 2
                                    

“KAUUWI MO lang?”

            Nilingon ni Kell si Jigger na patuloy pa rin ito sa pagtipa sa gitara nito at iba’t iba ang tinutugtog nito. Hindi na ito muling kumanta, palagi na lang itong nagha-hum. Though, she was really making beautiful sounds. She’s holding her guitar like a pro and she didn’t even need to sing.

            Ang nakakatuwa pa, halatang luma na ang gitara. Tipong panahon pa ni Kopong-Kopong ay buhay na. Tapos may nakadikit pang sticker ng mukha nina Phineas and Ferb sa may dulo.

            Mula sa pagkakasandal sa balustrahe ay inakyat niya iyon. May kakapalan ang balustrahe kaya naman nakapag-lotus position pa siya. Tumango siya. “Oo.”

            “Naks. Ang sipag, a.” Nakangising turan nito saka nagpalit ng pyesang tinutugtog. “Saan ka naman nag-aaral?”

            “SMU.” Balewalang sagot niya.

            “SMU?”

            “Uh-huh.”

            She, all of sudden, abruptly stopped playing the guitar and settled it on her lap. She leaned forward, her voice eager and excited. “SMU? As in, the Saint Magdalene University?”

            Nahihiwagaang tiningnan niya ito saka muling tumango.

            Nagniningning ang mga mata ni Jigger. Ang lawak din ng ngiti nito saka ito nagpakawala ng isang pigil na tili at pumalakpak ng ilang beses. Tumawa pa ito.

            Natawa rin siya sa. Kung dahil ba sa tawa nito o dahil sa nakikita niyang pagka-excite sa mukha nito ay hindi niya alam. Ang ganda ng ngiti nito. Ang ganda ng tunog ng tawa nito. Ang ganda ng pakiramdam niya nang marinig niya iyon. Mas maganda ang tunog niyon kaysa sa tunog ng tawa ni Ariella.

            Natigilan siya. Bumalik sa isip niya ang eksenang nakita niya kanina sa cafeteria. Maging ang eksenang naabutan niya nang pumasok siya sa huli niyang klase nang araw na iyon. Bakit ba niya nakalimutang kaklase niya si Goliath at Ariella? Nabubwisit siya. Kung naalala niya lang, edi sana nag-cut na lang siya ng klase kesa makita niya ang ka-sweet-an ng dalawa.

            Nabi-bitter ako! Hayup. Feeling niya napagtaksilan siya. Ang sakit, mga fre. Napasimangot siya. Biglang bumalik ang hungkag niyang pakiramdam. Napabuntong-hininga siya.

            First love. First heartache. First supposedly courting. Fuck. It sucked. He sucked.

            “Huy, natahimik ka?”

            Napakurap-kurap siya nang untagin siya ni Jigger. Her face was drawn with concern. Umiling-iling siya. “Wala. May naalala lang ako.”

            “Ano naman?”

            “Wala.”

            “Luh? May naalala raw tapos biglang wala? Ano kaya 'yon? Tristan, baliw lang?”

            Napangisi siya sa simpleng hirit nito. “Maybe,” aniya. “So… You play guitar.”

            “Oh, no, you don’t.” mabilis na sabi nito. “I am asking you about Saint Magdalene. Duh? Huwag mong baguhin ang usapan!” Tuluyan na nitong isinantabi ang gitara nang ilapag nito iyon sa sahig. Dumiretso ito ng upo saka umusod-usod upang makalapit sa kanya kahit papaano.

            Natawa na naman siya. Bakit mukhang interesado ito sa SMU?

            Now that SMU was the topic… Biglang pumasok sa isip niya kung nag-aaral ba si Jigger. Napansin niya kasing hindi ito naalis ng bahay.

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now