Fifteen: Looking Forward

116 7 10
                                    

“TRISTAN KELL Sirculo!”

            Kasunod ng malakas na sigaw na iyon ay ang sunud-sunod na pagkatok ng mama ni Kell sa pintuan ng kanyang kwarto. Inaantok na umungol siya saka gumulong sa ibabaw ng kama niya upang humilata.

            “Itong batang 'to talaga!” pagpapatuloy ng mama niya. “Bumangon ka na d’yan at tanghali na. Sabi mo ngayon ka mag-e-enroll? Ano, ipagpapabukas ulit? Kung hindi na kaya kita pag-aralin?” Tatlong magkakasunod na katok ulit. “Kapag hindi ka pa bumangon bubuhusan kita ng ice bucket! Iyong tigte-tres na yelo ang laman! 'Kuuu!”

            He then heard his mother’s retreating steps. He sighed and then reached for his phone. Ang kaso, pinigilan siya ng kumot niyang parang ahas na nakapulupot sa kanya. Napaungol na naman siya at nakipagbuno rito.

            Sa wakas, after his attempts, nakawala na rin siya sa pangahas na kumot. Binilog niya iyon saka ibinato sa direksyon ng sliding doors kung saan natamaan si Orange, ang baboy na nagkatawang pusa. Agad niya itong nilapitan at binuhat. He hugged Orange and carried it on his bed.

            “Bakit hindi mo naman kasi sinabi na nando’n ka?” aniya habang nilalaro ang whiskers nito. “Natamaan ka tuloy.”

            Orange just purred then threw his body on the bed, curling, and sighing.

            Kell’s lips twisted. Bwisit na pusa, inaangkin na naman ang higaan niya.

            Katulad ng pag-angkin ni Jigger sa puso mo? Nakanaks! Kilig bigote na naman ang tukmol.

            Automatically, he smiled. Maisip niya lang ito para na siyang baliw na napapangiti na lang bigla.

            It had been exactly eight days since the day Jigger told him everything. Parang kahapon lang ang lahat dahil malinaw pa rin sa kanya ang lahat ng sinabi nito. Lalo na ang pagyakap nito sa kanya na hanggang ngayon ay parang nararamdaman pa rin niya ang katawan nito na nakalapat sa kanya. Tapos iyong palitan nila ng goodnight nang gabi ring iyon…? Tsk. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.

            Iyong puso niya, sagana sa pagkibot nitong mga nakaraang araw. Kailangan na yata niyang magpa-check up. Kay Jigger. Ito lang naman ang may kakayahang pakibutin at pakalmahin ang puso niya, e.

            Ha-ha-ha-ha-ha! Pakshet! Ang korni mo!

            Kinuha niya ang tuwalya saka dumiretso siya sa CR, sa mga labi niya ay hindi mawala ang malawak niyang ngiti.

NAPABUNTONG-HININGA na lang si Kell pagkatapos niyang ibulsa ang kanyang cell phone. Katatapos niya lang kasing kausapin si Haru at hindi niya malaman kung may sira ba sa tuktok ang kaibigan niya o nagsisimula nang mangalawang ang mga turnilyo nito sa utak.

            Tinawagan niya kasi si Haru para alamin kung nasaan ito dahil ang alam niya, sabay silang mag-e-enroll para sa second sem ng school year. Pero hayun ang kaibigan niya, nasa kung saang lupalop ng mundo, acting nurse sa babaeng nagngangalang Clover. Hindi niya alam kung sino ang Clover na iyon pero obvious na nag-aalala para rito ang kaibigan niya. Mataas daw kasi ang lagnat nito dahil nasobrahan sa trabaho.

            Napabuntong-hininga na lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad. Pinatunog niya ang kanyang mga daliri saka sumipol. Para magtawag ng hangin. Ang sabi kasi ng mama niya, kapag walang hangin sumipol lang daw. Effective naman.

            “Pero ang init pa rin.”

            “Oo nga.”

            Napapiksi siya sa gulat nang may magsalita sa gilid niya. Katabi na pala niyang naglalakad si Diana; si Grayinkedpen. “Ilang beses mo ba 'kong gugulatin, ha?”

Jigger HortalezaWhere stories live. Discover now