Twelve

65K 1.4K 170
                                    

"Ano'ng gagawin natin ngayon? Nakakainis naman kasi si Polly eh! Ang daldal!" Nagpapanic na wika ni Erin. Nasa loob sila ng kotse ni Vin at kasalukuyang binabagtas ang daan papunta sa bahay ng mga Fortez. Kanina habang kumakain sila nina Polly sa Gerry's Grill ay tumawag si Vaileen kay Vin at sabi nga daw pinapapunta sila doon ni Tita Valerie sa bahay nila.

"Relax." Kalmadong sabi ni Vin.

Erin looked at him with a horrified look. "How can I relax? Tsaka, why are you so calm in this kind of situation?!" Hysterical na sabi niya kay Vin.

Kinuha nito ang kaliwang kamay niya at hinawakan ng mahigpit. "Relax, Erin. Ano ba ang ikinakabahala mo? And don't shout, natataranta ako. Ayokong madisgrasya lalo na't kasama kita." Kalmadong sabi nito sakanya.

She squeezed Vin's hand once more. Parang doon siya kumukuha ng lakas. "Nag-aalala ako kasi akala ng Mommy mo at ni Vai na boyfriend kita."

Sandaling binitawan ni Vin ang kamay niya to change gears pero mabilis ring hinawakan ulit nito ang kamay niya. "Is that a bad thing? Me being your boyfriend?"

Napasinghap siya. "Hindi naman sa ganoon. Ang pinag-aalala ko lang naman ay mali iyong akala nila. Ano nalang ang sasabihin nila sa'kin?"

"Ano ba ang iniisip mo na sasabihin nila?"

Hindi siya nakasagot sa tanong ni Vin. Ano nga ba ang sasabihin nila Tita Val? Na nilandi niya ang anak nito? Eh hindi naman ganoon ang mga Fortez. She've known them for years.

"See? Wala kang maisip na sagot. Don't overthink too much. It's not a big deal." Kinulbit pa ng hintuturo nito ang baba niya.

"Paano kapag nagtanong sila? Ano ang sasabihin natin?" Hindi talaga siya mapakali dahil dapat sa pamilya lang niya sila magpapanggap na magkasintahan ni Vin pero mukhang hanggang sa pamilya nito ay aabot na ang pagpapanggap nila.


"Edi hindi ko itatanggi na girlfriend kita."

"Ganoon lang?"

Tinignan siya ni Vin na parang nagtataka ito. "Oo, ganoon nga. Bakit parang gulat na gulat ka?"

She played with her fingers and stared outside the window. "Hindi naman. Kaya lang, alam mo na baka may gusto kang ibang babae baka maapektuhan dito sa set-up natin."


Narinig niyang tumawa si Vin sa gilid niya. "Sana nga maapektuhan siya rito sa set-up."

"Ha? Ano?" Baling niya rito.

Isang ngiti lang ang isinagot sakanya ni Vin na ikinagulo ng isip niya.

"Wala, nandito na tayo."

Nang sabihin iyon ni Vin, lalo siyang kinabahan. Sabi na ng ba niya, lalo lang gugulo ang lahat sa pagpapanggap nila.

Pinagbuksan siya ni Vin ng pinto. "Huy, relax." Natatawang sabi nito sakanya.

She exhaled deeply at sumama na kay Vin papasok ng bahay nito. Nang makapasok ay sinalubong sila ng malakas na pagputok ng confetti.

"Ma!" Reklamo ni Vin sa tabi niya habang siya ay natulala sa gulat.

"What? It was Vai's idea." Depensa ni Tita Valerie.

At mas lalong ikinagulat niya nang yakapin siya ng mahigpit ni Tita Valerie. "Thank you for making my son happy." Bulong nito sakanya.

Suddenly, she felt guilty. Kung alam lang nila na palabas lang itong lahat dahil sa ayaw niya lang magpatalo sa pinsan niya.

"Hindi na makahinga ang girlfriend ng anak mo, Val." Isang baritonong boses ang narinig niya mula sa likod ni Tita Val.

It Might Be You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon