Kabanata 27: The Worst

513 7 6
                                    

Dahil masaya ako, follow-up update agad! Hihi. <3

Si Marion ------->

Nakakainis! Thanks to @jLolaAlexandria dahil sinabihan niya agad ako na putol ang update. Napawi lahat ng kasiyahan ng aking puso. Ajuju. Yung mga last part, shano-shano lang. Asar naman. >////////<

#####

Junie heard loud knocks on the door of her room. Inis na inis siyang tumayo at binuksan iyon. Nagkakamot pa siya ng ulo nang makita niya kung sino ang nasa harap niya. 

Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig sa sobrang hiya. Alam niyang magulong-magulo ang buhok niya at naka-pajamas pa.

"Sige, subukan mong tumawa, papalayasin kita!" sabi niya para hindi mapansin ang pagkapahiya niya.

"Chill ka lang Junie, ang aga-aga oh. Good morning nga pala! Aalis na ako, may breakfast ka na sa baba. Maghahanap na ako ng trabaho kasama nina Isma."

"IYON LANG ANG SASABIHIN MO TAPOS GINISING MO PA AKO!!!"

"Sorry naman! Hindi naman masama ang magpaalam di ba? Sige na, matulog ka na lang ulit. I-lolock ko na lang yung main door."

"Sa tingin mo ba makakatulog pa ako? Hayst! Sige na umalis ka na, bababa na rin ako," then she slammed the door. 

Okay na rin pala at nagising ako. Kung iyon ba namang kaguwapuhan niya ang gigising sa aking diwa, go lang ng go! Oh my! Tama ba itong naiisip ko? ERASE! My goodness! She thought. Pinaghahampas niya ang ulo sa pader sa sobrang inis sa mga naiisip niya. 

Nang makababa siya, wala na si Marion. Tiningnan niya kung ano ang breakfast na hinanda nito. Ang taray! McDonalds breakfast meal! Saan naman nakakuha ang damuhong iyon at sa McDo pa ito bumili? She doesn't care anymore. Gutom siya at iyon ang mahalaga. 

After eating, she burped so loud. Ang sarap! She wanted more. 

"Wow! I didn't expect that from you! Para kang lalaki ah!" - Marion.

O_______________________________________________O! Seriously? Nandun pa pala si Marion. Gusto na niyang lumubog sa kinauupuan niya. 

Matagal bago siya lumingon kay Marion. Kinalma niya muna ang sarili. There's no other way than to activate her Wicked Mode again.

"Eh ano naman? Pasalamat ka nag-burp pa ako. It means I like what you prepared for me. At bakit ka pa nandito? Akala ko umalis ka na?"

"Sumakit kasi ang tiyan ko kaya nag-banyo muna ako."

T_T "Yuck! Baka naman may lason ang pagkain ko ah!"

"No, hindi naman siguro. Kung oo, I'll sue McDo. Awww!"

"O, naano ka? Anong masakit sayo?"

"Awwww!"

"Hoy Marion magsalita ka! Anong nararamdaman mo?" pagpapanic ni Junie habang papalapit kay Marion. Inalalayan niya itong makaupo.

"Ang sakit ng tiyan ko..."

"Kelan pa yan sumasakit? Tara, dadalhin na kita sa ospital."

"Wag na, ayokong maabala ka pa. Kaya ko to, I need to work."

"Ano ka ba? Ayan nga't namimilipit ka na sa sakit diyan! Halika na, ihahanda ko lang ang motor ko. I'll walk you to the door para hindi ka mahirapan."

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt