Kabanata 14: When Harry Met Junie

622 7 12
  • Dedicated to Pheddie Cayanan Delos Reyes
                                    

Pananaw ng Abnong Otor: Hello there! Ngapala, I've added the prologue kaya kung sino po yung makakabasa nito, hope you could read it also and comment kung keri ba wehehe. Para naman po maexperience ko din yung sa may Start Reading, may mga recent comments na. Hahaha :)

I dedicate this chapter sa kaklase kong naawa sa akin dahil sa chaka kong cover. Ayaw maniwala na photoshop yon, ayun nag-volunteer na gagawa daw siya. Let's see kung anong ginawa niya haha. Thanks in advance Pheddieboy! :D

Maikli lang ang A/N today. Kahiya, nacoconsume ko ang time nyo wahaha.

Sige, vote na lang and comment pag nagustuhan! ^^

###########

Junie's POV

Hay, pasukan na naman. Ang hirap mag-adjust ng biological clock ko, hindi ako sanay na gumising nang maaga, psh.

Ang aga-aga kasi ng sched ko for today, 7am for our Journalism subject which is practically my major. Ayoko namang ma-late, I believe in the saying "First impression lasts". Baka mainis sa akin ang prof, something like that. :D

Kasabay ko si Charlie pumasok. He's taking up ICT, mahilig sa computers eh. Si Nica naman, ibang school ang pinapasukan. Nursing kasi kinuha niya eh wala sa school namin ni Charlie kaya no choice, hiwalay siya sa akin. Kaya ang lagi kong kasama for this whole sem ay ang magandang Charlie. 

We're all graduating na pala. Grabeeee! Parang kailan lang, mga batang paslit pa lang kami ni Nica. Si Charlie, last year ko lang nakilala but we seemed to be soulmates, parang matagal na kaming magkakilala. And my beloved club, ang We Hate Boys Forever, is celebrating its first anniversary today! We're gonna celebrate later.

Ang dami ko na namang dala. Books you know, mahilig akong magbasa lalo na ang mga autobiographies and documentaries ng mga sikat na journalists around the world. Lagi ko silang dala-dala for reference.

Dahil maaga pa naman, dadaan muna ako sa locker ko. I can't carry them all, baka makuba ako. And I guess orientation pa lang naman so it's better to leave them.

On my way, nakasalubong ko si Liza.

"Pres! Everything's settled na para sa party natin. Hope you'll not be late again!" sabi ni Liza sabay tawa.

Natawa na din ako.  "Oo naman Liza, no more chechebureche. Ang aga mo din ngayon ah, anong oras klase mo?"

"8am pa naman. Feel ko lang talagang pumasok nang maaga, hehe. Sige, una na ako Pres! See you later!"

"Sige Liza, ingat ka!"

Nang makarating na ako sa locker area, kinuha ko ang susi ko sa bulsa ng backpack ko then opened my locker. Nang mailagay ko na ang mga gamit ko, may napansin akong sulat na nasa may bandang gilid. Halatang pinagpillitang ipasok sa loob ng locker ko. I read what's written on it. 

Hi! Did you like the flowers? If you do, can you meet me at the student's center on lunch break? I'll wait for you, kahit gano katagal.

-Boy Inlove

Baduy ah! Boy inlove, eeeew! So my stalker ako? Wow ah. Amazing! I can't help myself from laughing. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga dumadaan. Tumigil na ako, baka akalain nila baliw ako. 

Binalik ko na lang ang sulat sa locker ko then proceeded to my class. Pinaligaya ako ng stalker ko. What a pleasant way to start the day!

#######

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now