Kabanata 3: The Lesson Starts Now

1K 10 3
  • Dedicated to Johanne Bacolod
                                    

(Third Person POV/ Narrator/ Whatever you wanna call it ^^)

Pagkatapos ng nakakalokang araw ng pagkikita nila ng guardian angel kuno ni Junie, ilang araw nang hindi nagpapakita ito sa kanya. Inaamin niya, inaabangan niya ang muling pagsulpot nito. Iba kasi ang trip ng mokong na yon, kaya medyo curious siya dito. Pero hindi naman kada oras ay iniisip niya ang pagtatagpo nilang muli. Busy siya sa school. FYI,  3rd year student na siya sa kursong Mass Communications. Mag-fifinals na kasi kaya todo review siya at super-gawa ng mga requirements for each subjects.

Kasama niya si Charlie ngayon sa MOA para gumala. Pagod na pagod na si Charlie kakalakad nila kaya tumigil ito.

“Adik mo talaga Juniebels! Napakalaki nitong MOA, balak mo ba talagang ikutin to? Losyang na ako! Wasak na ang byuti ko,” pagrereklamo ni Charlie.

Napahinto si Junie. Humarap siya kay Charlie at itinuro ang bench sa may gilid ng daan. Umupo silang dalawa.

“Gusto ko kasing i-prove na kayang maikot itong MOA sa isang araw lang. Well, possible naman talaga kasi hindi naman tayo pumapasok sa mga shops. Wala lang, trip ko lang. Ang saya lang mag-ikot. Thanks Charlie dahil sinamahan mo ako. Kaya mahal kita eh,” paliwanag at paglalambing chorva ni Junie.

“Hay, kung hindi lang din kita mahal at best girl friend hindi kita sasamahan eh!”

“Maka-girlfriend ka diyan! Ikaw ah, baka na-iin love ka na sa akin. Pero di kita masisisi kung magkatotoo. Lovable naman ako eh, kaya super-habol ang mga leche flan na mga engot na lalaking iyon.”

“Hoy! May space between girl and friend noh! Ay sus here we go again, Junie the man-hater speaking. Nasama na naman sa usapan ang mga mortal enemies mo. Nananahamik sila friend.”

“Eh basta! Walang makakabura ng galit ko sa kanila. Hay, na-stress na naman ako ng wala sa oras. Well, nakakagutom pala ang umikot ditto. Kain tayo, my treat!”

“Kanina ko pa gusto sabihin yan eh. Kaya lang gusto ko ikaw mauna para malibre ako. Haha! Sige, hanap tayo!”


Sa Mang Inasal kumain ang dalawa. Gusto kasi nilang kumain ng marami. Umorder sila ng 2 pecho (w/ unli rice syempre), pina-upgrade ang coke as bottomless, ice cream kay Junie at mais con yelo for Charlie sa desert. Patuloy pa ring nagkuwentuhan ang dalawa. Nagpaalam saglit si Charlie at pumunta ng cr. May kakaiba kasing naramdaman ang dalaginding. (may word bang ganito? Parang narinig ko na to eh. Tawag ata to sa mga magdadalaga, mga girls na nasa puberty na. Get what I mean? Parang ganyan kasi si Charlie HAHAHA!)

Habang hinihintay si Charlie, nagtext muna siya kay Ate Helena niya para kumustahin si Chi-chi. Ilang araw niya na kasing hindi nakikitang gising ang bata – meaning aalis siya sa bahay ng tulog pa ito at dadating naman na tulog na ulit. You know, busy woman ang peg niya eh.

Narinig niyang umurong ang upuan sa tapat niya. Inisip niyang bumalik na agad si Charlie. Nagtataka naman siya at napakabilis naman matapos nito. Nang nai-send niya ang last message sa ate niya, inangat niya ang ulo at nagulat sa nakita. Hindi si Charlie ang kaharap niya.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now