Kabanata 35: Girl Talk

520 6 4
                                    

Ang Nakaraan sa TPAWWMH...

Junie woke up because of Marion's text message. Pinag-isipan niyang mabuti kung pupunta ba siya sa dinner date na hinanda nito para sa kanya. She decided to go pero maaga pa naman kaya natulog muna siya. The worst part was she overslept and went to the resto two hours late. Humingi siya ng favor sa babae sa information at kahit may katarayan ay pumayag naman ito. Lumabas ito ng resto dala ang isang sulat na nagsasabing Don't Call Me. Dahil sa depression na naramdaman, tinawagan niya si Nica at nagpasyang mag-sleep over sa kanila.

Kabanata 35: Girl Talk

"Si Marion ano?" tanong agad ni Nica nang pagbungad pa lang ng pinto ni Junie. Kitang-kita kasi kay Junie ang sobrang kalungkutan na tila ba pinagsakluban siya ng langit at lupa.

"Could you at least let me enter?" medyo irritableng sagot ni Junie. 

"Okay, fine! Chill ka lang, Tseb. Walang nang-aaway sayo," Nica replied while waving her hand as a signal for Junie to enter.

Dire-diretso si Junie sa kuwarto ni Nica. Si Nica naman, kinuha ang pagkain nilang mag-Tseb sa kitchen nila. Nang makarating siya doon, hindi naman magkandaugaga si Junie sa pagkalikot ng cellphone nito.

"Hoy Tseb, kung ayaw mo ng phone mo, bigay mo sa akin. Nakatulong ka pa," pang-aasar na naman niya. Alam na alam niyang always pikon ang kaibigan.

"Tseb, I was just 2 hours late sa date namin because of oversleeping, then when I woke up, I rushed to the resto but all I got there was a letter saying "Don't Call me" and I felt so apologetic then again I realized that it wasn't me who started this conflict! Siya nga ang unang may kasalanan eh! Tapos sa isang pagkakamali lang, well technically I didn't do any wrong since sleeping isn't a mortal sin, parang nabaligtad ang sitwasyon at siya pa ang galit? Seriously? Is he picking up a fight?" ang mahaba-habang paghihimutok ni Junie sa kanya. Wala pa siyang tinatanong pero ayun, automatic nagkwento agad-agad ang bestfriend niya. 

She took a sip of her favorite green tea and started thinking of what to say. Pero wala, mukang may susunod pang sasabihin si Junie kaya nanahimik na lang siya at hinintay na magsalita ulit ito.

"Pero ang sakit pala. Kahit na nakasulat lang yon sa papel, kahit na tatatlong salita lang yon, at kahit na may possibility na prank lang yon, ang sakit pala knowing that it really came from him. Tingin mo ba ang bigat-bigat ng kasalanan ko sa kanya, Tseb, to the point that he doesn't want to talk to me?"

"But have you tried to see him? Ang sabi lang naman niya huwag siyang tawagan, but that doesn't mean you're not allowed to see him. By the looks of it, nagpapakipot lang ang mokong na yon," ang napaka-wild guess ni Nica. Well, she's matured enough to know the simple tricks of boys.

Junie thought that she just heard a very impossible thing. "Nagpapakipot? Ano siya babae? Ayos siya ah."

"Junie, have you asked yourself, paano pag napagod na siya kakahintay sa matamis mong oo? Naisip mo bang anytime pwedeng mawala na lang basta-basta ang pagmamahal niya sayo? Junie, let me remind you that people change. Nothing lasts forever, kahit love pa yan."

"Are you pointing out that the problem was me? Teka, sino bang hindi umattend ng grad par--"

Nica sighed and peeked thorugh her phone. Wala lang, may namimiss siya. Going back... "Pero tinupad naman niya ang sinabi niya sayo na babawi siya di ba? Kelan ba siya nag-fail na bumawi sa mga pagkukulang niya? Alam niya for sure na mahalagang event ng buhay mo ang grad mo and he really wanted to be there. But Junie, tseb, he also has a life of his own. May mga personal matters din siya na dapat unahin. He explained it to you, you should have at least understood him."

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon