Kabanata 25: Where is She?

551 6 2
                                    

Off somewhere. Need time to think.

- Junie

Nakita ni Helena ang sulat na iyon sa bed ni Junie. She called her sister's phone pero unattended iyon. Alam niyang kailangan ng kapatid niya ng panahon para makapag-unwind sa lahat ng naranasan niya these past few days pero hindi niya maiwasang mag-alala.

She also called Charlie and Nica kung may alam sila pero negative, di sila nasabihan ni Junie. She sighed and thought of a better idea para malaman niya kung nasaan si Junie. Bigla niyang naisip ang kanilang ama. Would she call him? Nag-tatatlong isip siya kung gagawin niya iyon.

She went to her room and looked for a her father's number in her drawer. Tinago niyang mabuti ito dahil pag nakita ito ni Junie, mag-aaway sila for sure. Hindi niya rin sinave sa phone niya ito kasi minsan, hinihiram iyon ni Junie.

She typed the numbers and pressed the call button. Ring lang ng ring ang phone. Ibababa niya na sana pero may sumagot naman.

~~"Hello? Sino ito?"

"Papa..."

~~"Teka, Helena, ikaw ba yan?"

"Opo Papa."

~~"Bakit ka napatawag?"

"Si Junie po kasi...umalis...may iniwan naman pong note pero hindi po ako mapalagay eh."

Hindi nagsalita ang tatay niya. She just heard him gasp. 

~~"Ako nang bahala. May uutusan ako para hanapin siya. Don't worry, baby. I'll search for your sister."

"Thanks Papa. Ahm. Papa, miss na miss na kita..." Hindi na napigilan ni Helena ang mapaluha. 

~~"I miss you too, anak ko. Ang laki-laki ng pagkukulang ko sa inyo ni Junie. Patawarin niyo sana ako. May gagawin ka ba ngayon? Pwede ba tayong magkita, anak?"

"Wala naman po. Sige po, isasama ko po si Chi-chi."

~~"Ang apo ko? O sige, hindi ko pa nakikita ang anak mo. Ipapasundo ko na lang kayo sa driver ko."

"Sige po Papa, salamat. See you po. I love you Papa."

~~"I love you too, anak. Siya, sige, magkita na lang tayo mamaya. Ingat kayo."

The call ended pero hindi pa rin nawawala ang pagdaloy ng luha ni Helena. Tears of joy. She missed her father so much.

-----

"Marion, I want you to find Junie."

"Teka Tito, nawawala si Junie?" Marion asked. They're in Miguel's office right now.

"Hindi naman. Gusto ko lang makasiguro na she's in good condition. Umalis daw siya sabi ni Helena. Nag-aalala din ang ate niya."

"Eh Tito, saan ko naman po hahanapin si Junie? May idea po ba kayo kung saan?"

Tinanggal ni Miguel ang salamin at malalim na nag-isip. 

"Wala din akong idea, Marion. I think, she's out of town. Sa pagkakakilala ko din sa batang iyon, hindi siya magsstay sa isang lugar kung wala siyang kakilala doon." May kinuha si Miguel sa cabinet niya at inilabas ang isang notebook. "Nandito ang mga address ng mga kamag-anakan ng nanay niya, pati na rin yung dati naming bahay. Paki-check na lang, Marion."

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now