E P I L O G U E

703 9 5
  • Dedicated to YOU!
                                    

Habang kumakain ako ng wafer at maluha-luha ako, tinatype ko ang last chapter (Epilogue) ng aking first-ever novel. Mamaya ang mga thank-you's ah! Hehe. Enjoy (huhu) the ending of Junie and Marion's story. Sila kaya ang magkakatuluyan? Mwahaha! :))

#####

Ang Nakaraan sa TPAWWMH...

Maraming natutuhan si Junie sa mga words of wisdom na ibinigay sa kanya ng bestfriend niyang si Nica. Laking gulat naman niya nang biglang nagtapat si Nica ng lihim na pag-ibig sa isa pa niyang bestfriend-turned-almost-lover-turned-back-to bestfriend niyang si Charlie. Isa namang plano ang pinag-isipan ng mag-bestfriend para maisagawa ang Operation: Getting Back Marion.

E P I L O G U E

Junie's POV

Nakikita ko si Marion sa kabilang building gamit ang binoculars ko. Kanina pa ako nandito. Buti na lang at kaibigan ni Nica ang isa sa mga employee dito. Heto nga't kasama ko siya, abalang-abala sa ginagawa niya.

"Nica, kinakabahan ako. Paano kung hindi niya mapansin? Or mapansin niya nga, pero isnabin niya lang? Waaaa! Hindi ko keri yon!" hindi ko napigilang mabulalas sa sobrang kaba ko.

"Ano ka ba, Tseb, hinga muna, please? Ako ang natetense sa pagiging kabado mo eh. Puhlease lang, umupo ka muna dyan, take a deep breath at matatapos ko na 'to. Okay?"

Huminga ako nang maluwag at patuloy na pinagmasdan si Marion. For five days, hindi siya tumawag, hindi nagpakita. Ganun din ang ginawa ko dahil nga sa plano ko, well, naming dalawa ni Nica. After ng sleepover ko sa kanila, nabuo ang plano namin. 

Inaamin ko, sobra-sobra ang pagkamiss ko sa mokong na iyon. At inisip ko na lang na napakalaki ng kasalanan ko sa kanya kaya ko gagawin ito. In-erase ko na sa isip ko yung kasalanan niya. Well, ang babaw naman kasi talaga ng pagkainis ko sa kanya. Hay. Sana nga mag-work itong ginawa namin ni Nica.

"Game! Tapos na! Tatawagan ko na ang iba para mai-set na!" excited na sabi ni Nica. Nakangiti siya nang nilingon ko. Nahalata naman niya na kinakabahan pa rin ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Relax. Just watch there, okay?"

"Thanks talaga, Tseb. Ikaw pa talaga ang nag-abala sa lahat ng ito. Sana nga mag-work. Kung hindi..."

"Oops. Bawal ang negative vibes! Baka ma-block ang blessings, sayang naman!" with todo-todo Maya moves pa. "Kapit-bisig!"

"Maya, ikaw ba yan? Baliw. Oo na, di na ako kakabahan, promise," loka talaga tong Nica na to, ginaya pa si Maya ng Be Careful With My Heart. For your info, favorite naming dalawa yon. Tipong yung chikahan moments namin, hindi mawawala yon. Ser Chief and Maya is the most popular loveteam of the century! Pero effective, medyo nawala ang kaba ko. Nakaka-good vibes naman talaga pag naaalala ko ang dalawa.

Gaya ng inaasahan, tinawagan na nga ni Nica ang lahat. Siya ang naka-assign dito sa room na ito. Yung iba, mga napakiusapan lang namin. Okay! Siya lang talaga ang gumawa nito. Feeling ko wala akong silbi. 

"Guys, set nyo na, at the count of three, sabay-sabay nating i-latag ah! One..." medyo may kalakasan niyang sabi sa mga kausap niya.

Habang papalapit na sa three, mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. 

"Two..."

Heto na...

"Three! Go!"

Kahit di ko man makita ang mga nakalatag na banner sa bawat bintana ng building na ito, alam kong mapapansin agad iyon ni Marion. For five days, ito ang ginawa ni Nica - ang gumawa ng malalaking banners na bumubuo sa mga salitang...

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now