Kabanata 23: Forgotten Yesterday

577 11 3
                                    

This UD is in Charlie's POV. I guess you'd like to know his past kaya ito. Enjoy! :)

#####

"Bye Charlie! Thanks sa pera mo ah. I guess napasaya naman kita. Babalikan na lang kita pag wala na akong pera, haha!" 

"Hindi ako kailanman papatol sa isang baklang gaya mo. Pwede ba, tumigil ka na sa kakabigay sa akin ng mga kung ano-ano! Baka di kita matantiya, lumayas ka na dito!"

"Tigilan mo nga akong bakla ka! Wala ka ng pera. Mahal mahal ka diyan. Di kita mahal noh! Tanga ka talaga. Tingin mo may magmamahal sa isang baklang gaya mo?"

"Walangya ka! Wala akong anak na bakla! Nakakahiya ka. Nasusuka ako sayo! Lumayas ka dito! Hindi kita anak. Hanggang kamatayan ko, hindi kita ituturing na anak ko. Umalis ka na dito at ayokong makita pa ang pagmumuka mo!"

"Anak...s-sorry...Hindi kita maipagtanggol sa tatay mo...Umalis ka na...Patawarin mo sana ako..."

"Yuck ka Kuya! Akala ko barako ka, mas makendeng ka pa sa girlfriend ko eh. Kadiri ka, pwe!"

"Walang magmamahal sayo! Hindi minamahal ang mga gaya mo! Mga salot kayo! Mang-aagaw ka! May araw ka rin. Pag naghihirap ka na, iiwan ka din ni Joshua. Sinong kawawa sa atin?"

Napabalikwas ako at napaupo. Pawis na pawis ang buong katawan ko, hinihingal na rin ako.

Grabe namang panaginip yon. Reunion? Lahat sila dinalaw ako ah? Wala man lang pasabi.

Pero...naalala pa kaya nila ako? Matagal na panahon na nong huli ko silang nakita.  

*Flashback*

"Here's our Valedictorian, Carlos Dela Merced, for his Valedictory speech. Let's all give him a round of applause."

Narinig kong nagpapalakpakan ang mga tao. Tumayo na ako sa upuan ko at pumunta sa may rostrum. I looked at the audience and I saw my father smiling at me. I smiled back and started my speech.

"To our distinguished guests, to all the teachers and staff of this school, to all the parents and to all my fellow students, a pleasant evening to all of you. I can't explain what-"

Napahinto ako sa pagsasalita ng may narinig akong sumigaw.

"Bakit ako hindi special mention, babe?!" Tiningnan ko si Gian na nakatayo at nakataas pa ang kamay. Patay na ako nito.

"Bakit ayaw mong magsalita? Kinakahiya mo ba ako babe? Sabihin mo naman sa kanila na mahal na mahal mo ako! Kasi ako mahal na mahal kita!"

Napansin ko na lang na sumugod si Papa at sinuntok sa mukha si Gian. Dali-dali siyang umalis at hinatak din si Mama sa may audience. Tumingin ako kay Gian na hawak-hawak ang nadali niyang mukha. Naawa ako sa kanya at gustong-gusto ko siyang tulungan pero mas mahalaga ngayon ang Papa ko. Sinundan ko na sila. Hindi ko na sila naabutan dahil nakasakay na sila ng kotse. Meron naman akong nakitang tricycle at agad na pinara iyon. Sumakay na ako at sinundan sina Papa.

Nasa loob na sila ng bahay. Ako, nandito pa sa labas. Paano ko nga ba sila haharapin?

10 years old pa lang ako nang una kong maramdaman na may kakaiba sa akin. Mas gusto kong kasama ang mga babae. Mas natutuwa akong kalaro sila, yung mga nilalaro namin lutu-lutuan, manika, pagme-make up at kung ano-ano pang larong pambabae. I love to wear dresses and putting up colored wigs in my head. And then, humanga ako sa isang guwapong lalaking ka-school mate ko. Akala ko normal lang yon kasi nasanay lang ako na kasama ang mga babae. Pero habang lumalaki ako, I'm certain na I'm not a straight guy. 

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now