Kabanata 7: Goodbye WHBF na ba?

655 8 2
                                    

Third Person POV

Hindi makatulog si Junie. Tagilid dito, tagalid doon. Nilagay niya na nga ang unan sa mukha niya. Dumapa na rin siya. Wala! Magkaka-insomnia na ata siya. Time check: 2:47 am. Kailangan pa niyang gumising nang maaga dahil may meeting ulit sila sa WHBF. Tungkol nga ba saan ang meeting nila? Ah. May isa silang member na tutulungan na ipahiya ang still-boyfriend nito. Pinaglololoko na kasi ito pero hindi pa rin hinihiwalayan dahil gusto nitong paghigantihan ang bf. Mga lalaki talaga! Pero may something sa kanya na parang ayaw na niyang pumunta. Pero por delicadeza, pupunta siya. Siyempre, president siya eh. 

"Kailangan mong maging matatag Junie. Hindi ka in love. Walang puwang ang pagmamahal diyan sa puso mo. Huwag mong sayangin ang pagtitiwala ng mga naging kaibigan mo sa WHBF," nasabi niya nang malakas habang nakatingin sa kisame. 

Baliw na ata siya. T_T

Pinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Nag-isip na lang siya ng happy thoughts. Pero hanggang sa pagtulog niya, isang mukha pa rin ang hindi maalis sa isip niya. Hinayaan niya lang na tangayin siya ng antok, habang ini-imagine ang mga ngiti at tawa ni...

Zzzzzzzzz. Zzzzzzzzz.

-------

Kinaumagahan...

Nakarinig siya ng mga katok sa pinto niya.

"Nakakaloka ang aga-aga nambubulabog ah. Saglit!' 

Pagbukas ng pinto, nainis siya lalo sa taong nasa harap niya.

"Ano ba Charlie! Ka-aga aga nandito ka! Ano bang problema mo? Kainis, ang himbing-himbing ng tulog ko," nakasimangot na sabi ni Junie, sabay balik sa kama niya.

"Problema ko? Ikaw teh! Nakalimutan mo bang may meeting tayo sa club? 2 oras na kami naghihintay doon!" pasigaw na sagot naman ni Charlie.

Napabangon siyang bigla. Teka, anong oras na ba?

11am. Patay! 9am ang call time. Lagot ako nito.

"Sige, magdaydreaming ka pa diyan. Eh kung nag-aayos ka na? Pasalamat ka mababait ang mga members natin," sigaw ulit ng imbyernang si Charlie.

"Eh bakit kasi di niyo pa sinimulan? Anong silbi ng pagiging VP mo kapag wala ang Pres? Paano kung may emergency?" pabalik na sigaw ni Junie.

"Hello? Emergency? Ilang beses kaya akong tumawag kay Ate Helena. Sabi nasa kuwarto ka pa rin daw. So bakit ako magpe-preside kung nasa bahay lang naman ang President namin at nagtutulog pa dito?"

Hay. Di talaga siya mananalo sa beking ito.

"Fine! Labas na. Give me 10 minutes." 

"10 minutes lang ah. Pag may sumobrang 1 sec, sisirain ko ang pinto mo at kakaladkarin ka kahit ano pang itsura mo. Understood?" sabay walk-out ni Charlie.

Susme. Afraid! Katakot talaga si Charlie pag galit. Kelangan na niyang mag-prepare. Takot nya lang kay Charlie. T_T

------

Sumakay na sila sa kotse ni Charlie. Yes! Mayaman si Charlie. Kung dating pinagbubuksan siya nito ng pinto, ngayon dire-diretso siya sa driver's seat. Ano bang problema nito? Ganoon ba kalaki ang  nagawa niyang kasalanan?

Ang tahimik. Hindi siya sanay. Binasag na niya ang katahimikan.

"Tseb, di mo ba ako kakausapin?"

"Mamaya na. Busy ako sa pagda-drive."

"Eh bakit dati nang-aasar ka pa at super daldal mo kahit nagmamaneho ka?"

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now