Kabanata 5.2: Ang Isaw the Continuation

756 9 5
                                    

Marion's POV

Ano ba kasi ang pumasok sa babaeng ito at dito pa ako dinala sa isawan? To be honest, hindi pa ako nakakapunta sa mga ganitong lugar, even tasting the food sold here. Pambihira, ang daldal ko. Si Manang Isaw (as Junie called her) napagalitan pa ako. Aaminin ko medyo pahiya ako doon ah, bawas pogi points yon. Pero nagsabi lang naman ako ng totoo. Sabi ng Mama ko when I was little, wag daw ako kakain nun kasi it's dirty, intestine nga iyon di ba. Tapos the taste daw? Alam ninyo na tinutukoy ko.

At ngayong natikman ko na ito, what my Mama said was true! Grabe, halos masuka na ako. Noong inalok pa sa akin ni Junie yung natira, ayoko na. Babaliktad ata sikmura ko sa isaw na yan! Pero ewan ko lang ah, habang tumatagal yung lasa ng isaw sa dila ko, parang I wanna grab for more. Napag-isip isip kong it's not that bad naman pala. Sa una pag di ka sanay oo mandidiri ka, pero habang tumatagal, nawawala na iyon at sumasarap na ito sa sense of taste mo.

Teka, what if i-compare ko ang isaw sa mga lalaki? Bwahaha. Yahaha. May bagong lesson na naman ako. Yebaa! Chicken lang talaga itong mission na ito. Makukuha ko na rin ang pinapangarap kong posisyon. :)

--------

Junie's POV

After ng pagkakasabi ko ng sentence na "May magagawa pa ba ako?", naghari ang katahimikan sa pagitan namin ni Marion. Ano kayang iniisip nito at napakatahimik niya ngayon? Hala, baka may effect sa kanya yung isaw! Baka allergic siya! Tapos any moment, mamamatay na siya! Oh noes.

Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang magsalita. Pansin ko lagi na lang ako nagugulat ah. -__-

"Sobra ba akong pogi at ang lagkit ng tingin mo sa akin?" 

"Anong sabi mo?!!! Bumabagyo na ata oh. Ang hangin mo kasi." Napatingin lang ako sa kanya, feeling niya naman may pagnanasa ako sa kanya? NEVER!

"Haha, deny pa. Teka, may naisip ako. Anong pakiramdam mo noong una mong nalasahan ang isaw?"

Teka, ano nga ba? At first, nandiri ako. Iba kasi lasa niya. Kakaiba, never ko pang nalasahan yun in my entire life. 1st year high school ata ako noong una akong makakain ng isaw. Si Nica nag-introduce nito sa akin eh. Binatukan niya pa nga ako bago ko kainin yon. Dare niya kasi sa akin yon, may pustahan kasi kami sa isang classmate namin na napadumi sa pants niya. Eh tama siya na dumi nga iyon, at ang sabi niya na may kalasa daw ang dumi na kinakain ng tao. Inisip ko pa lang kung ano iyon, nasusuka na ako. So ayun nga, pinakain niya sa akin ang isaw and VOILA! I'm an avid fan of it. At dito nagtatapos ang Tale of the Isaw. Thank you. ^_^

"Hmm. Nandiri ako sa lasa kasi nga it's weird. Pero nung una lang iyon, habang tumatagal nawala din naman. Favorite ko na nga eh."

"Eh paano kung i-compare ko ang isaw sa lalaki? Maniniwala ka kayang may connect iyon?"

Isaw at lalaki? Wow, I'm curious. 

"Sige, anong kinalaman ng dalawang iyon sa isa't isa?"

"Katulad kasi ng isaw, sa una iba ang perspective mo sa mga lalaki. Like what you said, nandidiri ka. Pero once you get acquainted to it and nakilala mo yung mga magagandang features nito, unti-unti ka nang napapamahal dito at gusto mo lagi mo na itong kasama. Gaya lang din yun ng mga lalaki. Kung masama man ang tingin mo sa kanila, why don't you let yourself know them first? Hindi lang basta isang beses, kundi a lot of times. May mga magagandang katangian din ang mga lalaki. You just have to open your mind and accept them for who they really are. For you kasi, na-generalize mo na ang mga lalaki bilang masasamang nilalang. Pero mind you, hindi mabubuhay ang mga babae na walang lalaki. Paano na lang makakapag-reproduce ng own species? Saka-"

"Oo na, I get your point. I'm slightly convinced. Pero bakit naman napunta sa reproduction ang topic mo?" Adik talaga ata ito. 

"Bakit, wala namang masama sa sinabi ko ah? I'm stating facts here, lady."

"Tinatanong ko lang kung bakit, wala din akong sinabi na may mali sa sinabi mo."

"Forget it, basta I'm glad you're convinced."

"May word pang 'slightly'. Pero that doesn't mean na agad-agad eh isusuko ko ang matagal ko ng pinaghirapang ipaglaban. We're not yet there, mister. I think you gotta find more persuading facts about men and the likes."

Napa-english tuloy ako nang di oras. Waaa. But I'm honest when I said na I'm slightly convinced sa sinabi niya. Hay, naguguluhan na ako. What can I do? Todo-acting lang ako kanina na medyo matigas pa rin ang puso ko with regards to 'man'kind. Pero sa mga sinabi ni Marion, I want to believe na may lalaking magmamahal talaga ng wagas sa isang hamak na dalagang gaya ko. Na tatanggapin kung ano ang naging nakaraan ko. Na kaya akong ipagtanggol sa napakaraming pagsubok na darating sa aming pagmamahalan. I wanna believe in love and happy-ever-afters. I sound too cheesy na. Eeeew. 

"Weh? I told you I can see one's sincerity thru their eyes. Bakit iba ang sinasabi ng mga mata mo?"

Nagsasalita ang mga mata ko? Wow! Amazing! Pero di ako papahuli sa iyo Marion. 

"I'm kinda tired na, can we just continue this lesson of yours next time? I have to take a rest sa dami ng mga stress na dumating sa school life ko. Is that okay?"

"Yeah, it's okay. Makita ko lang na kahit papano napa-agree ka, masaya na ako. Sige, ingat sa pag-uwi."

"Sige, ikaw din Guardian Angel."

Naglakad na ako at iniwan na siya. Parang dapat ang sarili ko ang dapat kong tanungin kung "Is that okay?" with me. Bakit ang lakas ng pagtibok ng puso ko? Ano ba ito? A part of me says na I should go back to him and have more hours together with him. Teka, is this really myself talking? Oh no! This must be wrong. 

_______

Bwahaha! Tawa lang ako. Boring ba? Ano nga kaya ang nararamdaman ni Junie? Ayokong sabihin, obvious naman eh haha! :D Please vote and comment if you like it or not-so like it. I accept criticisms wholeheartedly. :))))

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now