Kabanata 15: Bestfriends Bonding or Trouble?

566 10 4
                                    

Kyaaaaa! Wala lungs. Hehe. Masaya lang ako. :D

Dedicated ang chap na to kay Kambal hehe ^_^

Enjoy! :))

#######

Third Person POV

Tuwang-tuwa sina Charlie, Nica at Junie dahil sa wakas ay matutupad na ang bonding nila. Weekend na kaya napag-isipan nilang mag-out of town at mag-overnight na rin. Gusto nilang sulitin ang araw na ito.

Pumunta silang Tagaytay. Iyon ang napagplanuhan nila. Unang stop nila ang Picnic Grove kung saan balak nilang mag-horseback riding.

Maligayang-maligaya ang tatlo habang nakasakay sa kabayo. Laging naiiwan si Junie habang ang dalawa ay nauuna at masayang nag-aasaran.

Hmm, mukang effective ang pang-iindyan ko sa kanila, hehe. Naisip ni Junie.

Oo, nag-aasaran sila pero hindi na nauuwi sa bangayan. Parang comfortable na silang magkausap. 

Siya naman, patingin-tingin lang sa paligid. Napakaganda kasi ng view. Napakasariwa pa ng hangin. 

Natapos na ang horseback riding nila. Next naman nilang pinuntahan ang Tagaytay Ridge Zipline. As the name implies, meron kasi doong zipline at cable car.

Hindi masyadong adventurous si Junie kaya hindi na siya sumama. Naiwan na lang siya sa may waiting area. Pinilit pa siya ng dalawa.

"Junie! Come on! Don't be a baby! Face your fears! Tara na, para masaya!" pang-aaya sa kanya ni Nica.

"Oo nga Juniebels! Ang KJ mo naman," nagtatampong sabi naman ni Charlie.

"Sorry guys, ayoko talaga. Saka pang-dalawang tao lang sa zipline."

"Sasamahan kita, sasakay ako ulit! Halika na kasi," hinahatak na siya ni Charlie.

Inalis niya ang kamay ni Charlie sa kamay niya. 

"Ayoko talaga, wala ako sa mood. Sige na, go na, I'll wait for you here."

Napakamot na lang ng ulo si Nica. Si Charlie naman, nag-pout. Wala na rin silang nagawa kundi ang iwanan si Junie.

Nang makalayo na ang dalawa sa kanya, naglakad-lakad muna siya. Gusto niya kasing mapag-isa.

Ayaw niyang maging KJ pero wala talaga siya sa mood.

Habang naglalakad siya, may naramdaman siyang sumusunod sa kanya.

Parang nade-deja vu siya. 

Hindi kaya si Marion itong sumusunod sa kanya?

Nagpatuloy pa siya sa paglalakad. Hindi muna siya lumilingon sa likod niya. Tinitiyak niya muna kung siya talaga ang sinusundan ng kung sinoman ang nasa likod niya.

Hanggang sa nagulat siya dahil may tumakip sa kanyang mata. 

Hinawakan niya iyon at naramdaman niyang mga kamay ang nagtakip ng mga paningin niya.

Gusto niya sanang tanungin kung siya si Marion pero ayaw niya mag-assume.

"Sino ka? A...anong kailangan mo sa akin?" medyo nangangatal niyang tanong.

"Hulaan mo," sabi ng lalaki. Parang ka-boses ni Marion?

"Marion?"

Tinanggal na ng lalaki ang pagkakapiring sa kanya. Tumalikod siya para makita kung si Marion nga talaga.

"Nakakalungkot naman. Sino si Marion? Manliligaw mo?"

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon